09/08/2026
โ
#๐ฃ๐ฟ๐ผ๐๐ฑ๐๐ด๐น๐ฒ๐๐ถ๐ฎ๐ก๐ถ๐๐ฟ๐ถ๐๐๐ผ
MAY IMPLUWENSYA O MAY PAGMAMAY-ARI NG MGA MEDIA COMPANY?โ โ EDU MANZANO, NAGTANONG SA GITNA NG ISYU SA PAGBAHA AT FLOOD CONTROL
โIto ba ay dahil sa mga personalidad na sangkot sa korapsyon sa flood control ay mga tao rin na may impluwensya o may pagmamay-ari ng mga media company?โ
Ito ang isa sa mga tanong ng aktor na si Edu Manzano matapos kuwestiyunin kung bakit tila nabawasan umano ang atensyon ng mainstream media sa mga pagbaha at kontrobersiya sa flood-control projects.
Sa kanyang Facebook post, unang sinabi ni Manzano:
โNapansin nโyo rin ba? Dati pag may bagyo halos lahat ng baha nasa TV. Ngayon sa social media na natin nakikita ang mga kalsadang lubog at mga taong hanggang tuhod ang tubig.โ
Dahil dito, nagtanong siya kung bakit tila nawala umano ang atensyon sa mga kuwestiyonableng flood-control project.
โNapapaisip tuloy ako โฆโฆ BAKIT? Sa gitna ng napakalaking isyu ng ghost at questionable flood-control projects bakit nawala na naman ang atensyon dito?โ
Kinuwestiyon din ni Manzano kung bakit aniyaโy mas nakatuon ang gobyerno sa impeachment kaysa sa mas malawak na usapin ng umanoโy korapsyon sa flood control.
โBakit puro sa impeachment lang nakatuon ang gobyerno at hindi pati sa mas malawak na korapsyon sa flood control? Lagpas isang taon na. Puro kwento pa rin at pangako.โ
Dito niya inihayag ang tanong hinggil sa posibleng impluwensya sa media:
โIto ba ay dahil sa mga personalidad na sangkot sa korapsyon sa flood control ay mga tao rin na may impluwensya o may pagmamay-ari ng mga media company?โ
โKaya ba tahimik ang mga dating bumabatikos ng baha?โ
โFollow the water. Follow the money. Ask WHY.โ aniya.