14/07/2026
ANG TAONG PANGGATONG
Mateo 16:26 ASD
[26] Ano naman ang mapapala ng tao kung mapasakanya man ang lahat ng bagay sa mundo, ngunit mapapahamak naman ang kanyang kaluluwa? May maibabayad ba siya para mabawi niya ang kanyang kaluluwa?
Mapasa tao man ang lahat ng naisin niya sa mundong ito kung ipanggagatong lang pala siya sa impierno pagdating ng itinakda sa kanya ng PANGINOON na iaalis na siya sa mundo.
Saglit lang ang ginhawa at saya sa mundo na ito pero kung walang CRISTO sa kaluluwa ay sa apoy na hindi namamatay maninirahan magpakailanman.
Isa sa maliwanag na ang susunod na tirahan ng tao magpakailanman ay apoy na walang hanggan,
ITO PO ANG SIGN...
Mga Taga-Roma 3
[14] โAng lumalabas sa kanilang bibig ay panay pagmumura at masasakit na salita.โ
NAGMUMURA KA BA? kakambal po iyan ng iba pang kasalanan na nasa tao.
Hingi ka ng habag sa PANGINOONG JESUS, Siya yung DIOS na Nagsa Tao para sa kalayaan natin.
Madali Siyang kausap.
Sabihin mo tulungan ka Niyang maramdaman mo na nagkasala ka. At tulungan kang maramdaman mo na nagsisisi ka sa lahat.
Bahala po sa ating lahat ang pagkilos ng BANAL NA ESPIRITU sa araw na ito
FOR THE GLORY OF HIS NAME!