30/04/2026
Sa huling araw ng buwang ito, ginugunita natin ang mga huling salita ng ating Panginoong Hesus, kung saan malinaw Niyang ipinahayag ang lubos na pag-aalay ng Kanyang buhay bilang pagtugon sa kalooban ng Ama sa langit. Hindi ito biglaang pasiya lamang sa huling sandali, kundi kabuuan ng Kanyang buhay: ang pagiging masunurin sa Diyos Ama, maging hanggang kamatayan sa krus ng Kalbaryo.
Sa Kanyang mga kataga, โAma, sa Iyong mga kamay ay ipinagkakatiwala Ko ang Aking espiritu,โ ipinapaalala sa atin ang kusang-loob na pagsunod ni Kristo. Nawaโy malinang din ito sa ating buhay-pananampalataya: ang buong pagtitiwala at pagsuko sa kagustuhan at kalooban ng Diyos para sa ating buhay.