IFI Diocese of Laguna

IFI Diocese of Laguna Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from IFI Diocese of Laguna, Religious Center, Cathedral of Our Lady of Maulawin, Santa Rosa.

27/07/2023

SANCTUS - 🎶🎼🎵

by Koro ng Laguna

➡️sang @ the Consecration of The Right Rev. Roberto D. Pamatmat, Jr., Bishop of the Diocese of Tampa - July 25, 2023

27/07/2023

IFI MAY DIWANG MAPAGPALAYA - 🎶🎼🎵

by Koro ng Laguna

➡️sang @ the Consecration of The Right Rev. Roberto D. Pamatmat, Jr., Bishop of the Diocese of Tampa - July 25, 2023

27/07/2023

IL SIGNORE - 🎶🎼🎵

by Koro ng Laguna

➡️sang @ the Consecration of The Right Rev. Roberto D. Pamatmat, Jr., Bishop of the Diocese of Tampa - July 25, 2023

17/03/2023

MENSAHE NG OBISPO DIYOSESANO
ROWEL S. AREVALO
SA BANAL NA MISA
NG IGLESIA FILIPINA INDEPENDIENTE (Simbahang Aglipay)
DIYOSESIS NG LAGUNA PARA SA ANILAG FESTIVAL
Marso 15, 2023

Sa amin pong pinagpipitaganang Ama ng Lalawigan, Sa aming pangalawang Gobernador, sa mga kasapi ng Sangguniang Panlalawigan, Sa lupon ng Anilag na nangunguna at walang pagod sa pagsasaayos ng pagdiriwang na ito, sa lahat ng mga department heads at kawani sa ating Kapitolyo, Maraming salamat po sa pagkakataong ipinagkaloob ninyo sa ating simbahan na makapagdiwang at maging bahagi ng pagdiriwang na ito.
Marami din pong salamat sa aking mga kasamahang Kaparian ng Laguna na buong kasiyahang nakipagbahagi at nakiiisa sa pagdiriwang na ito. Sa aming mga kasapian na buong pananabik na andito ngayon sapagkat kami ay naimbitahang makiisa sa pagdiriwang na ito. Amin po ang kagalakan, amin po ang karangalang makibahagi dito at amin po ang pasasalamat at ito po ay taus puso naming ipinaaabot sa kinauukulan lalung lalo na sa ating gobernador na hindi kami pinababayaan kung kami ay may natatanging araw na gawain.
Nais ko pong umpisahan ang aking mensahe mula sa sinasabi ng Bibliya sa aklat ng Genesis1:31 na nagsasabi ng ganito, “ Pinagmasdan ng Diyos ang lahat Niyang ginawa at lubos siyang nasiyahan” .Sa NIV Translation, ganito po ang sinasabi “God saw all that he had made, and it was very good!”
Bago ko po gawin ang mensaheng ito ay pumasok muna ako sa opisina ng mga taga Katedral dito sa Sta. Cruz at aking natagpuan ang dalawang kabataan ng Simbahan. Si Luke Marco Palero at si Evol Oca. Tinanong ko si Marko, “ano ang turo o kaalaman mo, bakit natin ipinagdiriwang ang ANILAG?” Sumagot siya, “Ang pagdiriwang po na ito ay pasasalamat ng buong lalawigan sa mga ani at biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa buong Laguna.” Ang mga batang ito ay nasa murang kaisipan subalit naniniwala akong sa darating na panahon ay sila ang mga kabataang magpapatuloy ng gawaing ito at magpapaliwanag sa mga darating pang henerasyon na hindi lamang ito basta pagdiriwang kundi unang- una sa lahat ay ating pasasalamat sa Dakilang Lumikha.
Mahal tayo ng Diyos! Sa aking binanggit sa unang bahagi, ang sabi ng Diyos, All things created by Him was VERY GOOD! At talaga pong very good sapagkat dito sa Laguna, ang Pangalang Laguna ay kanyang katangian kung ano siya. Ito ay pinangalanang La Laguna ng mga Kastila na hango sa salitang Espanyol na “lago” na ang ibig sabihin ay lawa. Ang lawa ng Laguna ang pinakamalaking lawa sa buong Pilipinas. Biniyayaan din ito ng malalaking ilog na ang lahat ng tubig ay patungo sa malaking lawa. Biniyayaan din ito ng malagong kagubatan na pinamamahayan ng mga ibon, at iba’t- ibang uri ng hayop. May malalaki din itong niyugan na kinukunan ng kabuhayan ng mga taga- Laguna. May mga malaki itong bundok na sumasagka sa malalakas na bagyo. Tayo ay napapalibutan ng malalaking bundok na katulad ng Banahaw sa pagitan ng Laguna at Quezon at Sierra Madre sa may pagitan ng Rizal at Laguna. Alam po ba ninyo na napakabait ng Diyos sa ating lalawigan. Kaya po totoo yung isinisigaw ng mga tao pagkatapos ng bagyo na salamat sa Seirra Madre, salamat sa Bundok Banahaw na bumabangga sa malalakas na bagyo na nanggagaling sa katimugang bahagi ng ating bansa. May napakalaking lawa na pinagkukunan ng lamang dagat na siyang ikinabubuhay ng mga mangingisda. May mga ilog na siyang nagdadala ng tubig upang ang mga halaman sa buong Laguna ay mabuhay at magkaroon ng matatabang lupa upang maging masagana ang ani. May mga lugar na malalamig at mga tubig na siyang pinagkukunan ng ekonomiya ng Lagunense sapagkat andito sa atin ang napakaraming resort na tabang o nanggagaling sa ilog ang tubig. At higit nga salahat ay ang napakalaking lawa na makasaysayan.

Mga Kapatid, uulitin ko po ang sinabi ng Diyos matapos likhain ang mundo. IT WAS VERY GOOD!
Ang lalawigan ng Laguna ay isang perpektong nilkha ng Diyos sa sa ating lahat. Meron tayong 7 lungsod para sa komersiyalismo at meron tayong malaking bahagi ng kabundukan na ating pinagkukunan ng ating yaman. Ang Diyos ay tunay na napakabuti sapagkat ang lalawigang ito ay pinuno ng yaman at pinuno ng biyaya. Ang ANILAG o pagdiriwang na ito ay isang napakagandang paalala sa ating lahat na tayo ay mahal ng Diyos dahil sa napakagandang paglikha Niya dito. Tama ang tinuran ni Marco na ang Anilag ay pasasalamat sa Diyos dahil sa Kanyang pagmamahal sa atin sa pamamagitan ng mga ani at biyayang ibinigay Niya sa atin. Samakatuwid, ang Anilag ay hindi lamang pangpamahalaang pagdiriwang kundi unang-una sa lahat ay isang pang-relihiyong pagdiriwang dahil ito ay tumutukoy sa Kadakilaan ng Dakilang Maykapal sa mga taga Laguna.
Muli ko po tinanong ang batang si Marco, kung wala ng ani o maaani dito sa Laguna, may rason pa ba tayo na magdiwang ng Anilag?….ang sagot po niya, “wala na po sapagka’t sira na ang kalikasang ibinigay ng Diyos sa atin.” Tinanong ko muli siya, “hindi ka ba naiinggit o nahihili sa iyong Lola na nakapaligo sa ilog ng Sta. Cruz nung unang panahong ito ay malinis pa?” “Naiinggit nga po, bawal na po kami maligo sa ilog na iyan dahil madumi na po.”
Mga Kapatid, mula po sa panayam ko sa batang ito, sana po ay makapagnilay po tayo. Ang dalawang batang ito ang kumakatawan sa susunod na henerasyon. Hindi na po mapigilan ang pagdumi ng mga ilog at maging ang lawa natin dito sa Laguna. Ang mga isda na ating hinuhuli sa lawa ng Laguna ay hindi na malinis dahil sa duming itinatapon ng tao mula Maynila at mga kalapit nating lalawigan. Pinayagan din po natin ang Ahunan Dam na siyang makakaapekto sa humigit kumulang na 300 ektaryang lupain at sa mga tubig na iinumin ng mga tao. Ang nasabing gagawing Dam ay makakaapekto nang malaki sa pagkasira ng Sierra Madre na nagpoprotekta sa ating mga taga-Laguna tuwing may malakas na bagyo. Ang paggawa ng dam na ito ay maaring ikapipinsala ng mga kalapit bayan at maaring magdulot ng malaking baha na maaring ikamatay ng maramng tao. Pero ang tanong, sino at ilan lamang po ba ang makikinabang sa mga ito. Hindi po ba ang may puhunan lamang na pilit na sumisiil sa mga consumers? Kung pahihintulutan po natin ang pagkalbo sa ating kagubatan, marami po ang masisira sa kalikasan at mawawasak ang mga niyugan, palayan at iba pang magiging ani sa ating lalawigan. Kung pahihintulutan natin ito, magiging masaya pa kaya ang ating pagdiriwang ng Anilag sa darating na panahon? Kung wala ng ani, may anilag pa kaya? Baka kung wala ng puno at ilog ay pawang larawan at videos na lang ang ating makikita sa darating na panahon.
Mga kapatid, ang IFI ay kumikilala at nagmamahal sa nilikha ng Diyos. Kung kaya po ang aming simbahan ay tumututol sa anumang bagay na maaring sumira sa nilikha ng Diyos katulad ng pagtatayo ng malalaking dam na katulad ng Ahunan Dan, pagmimina, pagpuputol ng kahoy sa kagubatan at pagtatapon ng mga dumi at pagkasira ng ating mga kailugan. Kami po ay nakikiusap sa kinaukulan na sana ay huwag nating kasuhan at patahimikin ang mga taong sumisigaw upang ipaglaban ang pagmamahal sa kalikasang ginawa ng Diyos.
Brothers and sisters, we are all stewards of creation. Ang tungkulin natin ay pangalagaan at payabungin ang nilikha ng Diyos at hindi ang sirain ito. Napakalaki ng kasalanan ng mga tao sa Diyos dahil sa pagkasira ng Kanyang nilikha. Kung mahal natin ang Diyos, mahalin po sana natin ang lahat ng bagay na nilikha Niya.
Sa atin pong lahat, sana po ang Anilag na ito ay hindi lamang maging kasiyahan ng walang kuwentang bagay kundi sana ay maging daluyan ito ng ating pagpupuri sa ating Dakilang Lumikha bilang pagpapakita ng pagpapahalaga sa yamang Kanyang ibinigay sa atin. Tayo po sanang lahat na nakikiisa at hindi nakikiisa sa pagdiriwang na ito ay magkaisa upang patuloy na pangalagaan ang kalikasang ibinigay sa atin ng ating Dakilang Lumikha. Kung mahal natin ang Diyos dapat mahalin din natin ang Kanyang nilikha.
Ako po ay dumadalangin na sana’y pagtuunan ng pansin ng kinauukulan ang pangangalaga sa ating kalikasan na siyang nagbibigay sa atin ng pagdiriwang na ito. At nawa ang Espiritu ng Diyos ay lukuban ang sanlibutan upang muling maibalik ang ganda ng mga likas na yamang ito. Ang Diyos ay hindi magma-magic, kundi tayong mga tao ang may tungkuling pagtulungan ang pangangalaga ng sangnilikha. Nawa ang Diyos ay samahan tayo sa adbokasiyang ito at huwag nawa Niyang pahintulutang mapahamak ang mga taong labis na nagmamahal sa Kanyang nilikha.


19/08/2022

Address

Cathedral Of Our Lady Of Maulawin
Santa Rosa
4009

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when IFI Diocese of Laguna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share