29/09/2026
PAPURI AT PASASALAMAT
Salmo 66
Ang Salmo 66 ay isang paanyaya na magbigay ng papuri at pasasalamat sa Diyos dahil sa Kanyang dakilang kapangyarihan, kabutihan, at katapatan. Ipinapaalala nito na ang Diyos ay kumikilos sa ating buhay, hindi lamang sa panahon ng tagumpay kundi pati na rin sa mga pagsubok na ating nararanasan.
Sa bawat sitwasyon, we are reminded to acknowledge Godβs goodness and faithfulness. Kahit dumadaan tayo sa challenges, may dahilan pa rin para magpasalamat dahil ang Diyos ang nagbibigay ng lakas, gabay, at pag-asa.
Sa ating online devotion, sama-sama nating pagnilayan kung paano natin maipapakita ang tunay na papuri at pasasalamat sa Diyos sa pamamagitan ng ating pananampalataya, pagsunod, at pagtitiwala sa Kanya.