21/06/2026
TINGNAN | PROJECT JORDAN - LIBRENG BINYAG
Nasa 40 na mga bata ang nabinyagan noong Hunyo 20, 2026 sa pamamagitan ng ating Project Jordan. Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta at tumangkilik sa ating kalendaryo, na siyang naging daan upang maisakatuparan ang programang ito.
Sa mga magulang, ninong, at ninang ng mga batang nabinyagan, nawa’y patuloy ninyo silang gabayan at akayin sa landas ni Kristo. Hangad natin na sila’y lumaking may matibay na pananampalataya at maging mabubuting Kristiyano.
Muli, maraming salamat po sa inyong suporta.
CSPP Lectors and Commentators Ministry