23/04/2026
Mga Senyales na kapag malapit nang mawala ang isang tao dito sa mundo, ganito ang makikita mo sa kanya.
Hindi ito para takutin kayo. Ginawa ko ito para magkaroon kayo ng pagkakataon na magpaalam, magpatawad, at higit sa lahat manampalataya at mag-sisi sa Panginoon.
Ipadama sa kapamilya at kaibigan na hindi sila nag-iisa sa huling sandali ng buhay nila. Kasi sa huli, ang tanging maiiwan lang natin dito ay ang pagmamahal na ibinigay natin.
Narito ang 5 Senyales na malapit na siyang mawala:
1. Ang Biglang Pagbabago sa Kanilang Pagkain at Tulog.
Mapapansin mo, wala na silang gana. Kahit yung paborito nilang ulam, ayaw na nila. Mas gusto na lang nilang matulog nang matagal, parang unti-unti na silang humihiwalay sa ingay ng mundo para hanapin yung katahimikan sa loob nila.
2. Nag iba yung kilos niya, na parang Sumigla.
Ito yung nakakamangha pero nakakalungkot. May sandali na bigla silang sisigla. Makikipag-usap, tatawa, kakain na parang walang sakit. Akala natin magaling na sila, pero ang totoo, ito na yung huling "regalo" ng katawan para makapag-paalam sila nang maayos sa atin.
3. Ang Pakikipag-usap sa mga Hindi Natin Nakikita.
Marami ang nagsasabi na "nagdedeliryo" lang sila. Pero para sa kanila, posibleng totoo ang nakikita nila. Binabanggit nila ang pangalan ng mga yumaong magulang o kaibigan. Para bang may sumusundo na sa kanila at sinasabing, "Handa na ang matutuluyan mo."
4. Ang Pagnanais na Mag-ayos ng mga "Unfinished Business"
Mapapansin mo, bigla silang magsasabi ng "Salamat," "Patawad," o "Mahal kita." Gusto nilang linisin ang lahat ng gulo sa puso nila bago sila lumisan. Gusto nilang umalis nang magaan ang loob.
5. Ang Pagbabago sa Kanilang Paghinga at Pagtingin.
Darating yung oras na ang tingin nila ay malayo na. Parang may tinitingnan silang hindi natin maabot. Ang paghinga nila ay nagiging mabagal at may mga pause, isang senyales na ang katawan ay unti-unti nang nagpapahinga.
Alam ko, masakit. Mahirap tanggapin na ang taong kasama mo sa hirap at ginhawa ay bibitaw na. Pero wag nating kalimutan ang pangako ng Panginoon.
Sabi sa Juan 14:1-3,
"Huwag mabagabag ang inyong kalooban; manalig kayo sa Diyos, manalig din kayo sa akin. Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid... pupunta ako roon upang ihanda ang inyong matitirhan. At kung maihanda ko na ang matitirhan ninyo, ako'y babalik at isasama ko kayo upang kung saan ako naroon, ay naroon din kayo."
Ibig sabihin Kung tayo ay Sumampalataya sa Panginoon at naging tapat sa Kanya, ang kamatayang physical ay hindi pa ang katapusan, kundi paglipat lang ito sa isang mas magandang lugar kung saan wala nang sakit, wala nang luha, at wala nang paghihirap.
Kaya kung may mahal ka sa buhay na nakikitaan mo ng mga senyales na 'to... huwag kang umiyak sa harap nila nang may pait. Hawakan mo ang kamay nila nang may Panalangin.
Dahil ang pagkawala ng physical ay hindi ang huling kabanata ng ating buhay, kundi ang simula ng ating walang hanggang kapayapaan ng mga taong sumunod sa Panginoong Hesus.
Ingat kayo lagi. At pangaralan niyo ng Salita ng Diyos ang mga mahal niyo sa buhay habang may oras pa.