24/09/2026
❗𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗❗
(Setyembre 25, 2026)
Bilang pagsasaalang-alang sa masamang panahon tuwing hapon at sa kaligtasan ng lahat, ipinababatid po namin na ipagpapaliban muna bukas ang Banal na Oras (Holy Hour) at paglulukob ng kapa ni San Pedro.
Samantala, ang pagdarasal ng Santo Rosaryo at nobena sa karangalan ni San Lorenzo Ruiz ay gaganapin sa ganap na ika-4 ng hapon.Ang Banal na Misa po ay gaganapin sa ika-5 ng hapon na agad namang susundan ng Parish Quarterly Recollection.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa. Nawa'y manatili po tayong ligtas at mag-ingat sa lahat ng oras.