St. Ignatius De Loyola Youth Choir

St. Ignatius De Loyola Youth Choir Servants of God who have been united by the calling of music to serve

23 AUGUST 2026 IKA-21 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON Mateo 16, 13-20Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San MateoNoo...
23/08/2026

23 AUGUST 2026

IKA-21 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON

Mateo 16, 13-20

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, dumating si Hesus sa lupain ng Cesarea ng Filipos. Tinanong niya ang kanyang mga alagad, “Sino raw ang Anak ng Tao, ayon sa mga tao?” At sumagot sila, “Ang sabi po ng ilan ay si Juan Bautista kayo. Sabi naman ng iba, si Elias kayo. At may nagsasabi pang si Jeremias kayo o isa sa mga propeta.” “Kayo naman, ano ang sabi ninyo? Sino ako?” tanong niya sa kanila. Sumagot si Simon Pedro, “Kayo po ang Kristo, ang Anak ng Diyos na buhay.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Mapalad ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat ang katotohanang ito’y hindi inihayag sa iyo ng sinumang tao kundi ng aking Amang nasa langit. At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking simbahan, at hindi makapananaig sa kanya kahit ang kapangyarihan ng kamatayan. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot mo sa lupa ay ipahihintulot sa langit.” At mahigpit niyang tinagubilinan ang kanyang mga alagad na huwag sabihin kaninuman na siya ang Kristo.

#𝐀𝐦𝐚𝐫𝐞𝐄𝐭𝐒𝐞𝐫𝐯𝐢𝐫𝐞

Wishing a very Happy Birthday to an amazing soprano! May your year ahead be full of high notes, perfect pitch, and endle...
23/08/2026

Wishing a very Happy Birthday to an amazing soprano! May your year ahead be full of high notes, perfect pitch, and endless joy. Keep shining brightly on and off the stage!

Happy Birthday!🥳🥳Your voice brings so much richness and soul to every song we prepare, whether we are singing in English...
19/08/2026

Happy Birthday!🥳🥳

Your voice brings so much richness and soul to every song we prepare, whether we are singing in English, Tagalog, or any other language we tackle. Wishing you a year of great health, happiness, and perfect pitch! 🥳🥳🥳

09 August 2026Ika 19 Linggo sa Karaniwang PanahonMateo 14, 22-33Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San MateoNoong...
09/08/2026

09 August 2026

Ika 19 Linggo sa Karaniwang Panahon

Mateo 14, 22-33

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, matapos pakainin ang mga tao, agad pinakasakay ni Hesus sa bangka ang kanyang mga alagad at pinauna sa kabilang ibayo samantalang pinauuwi niya ang mga tao. Pagkaalis ng mga ito, umahon siya sa burol upang manalangin. Nag-iisa siyang inabot doon ng gabi. Samantala, nasa laot na noon ang bangka at sinasalpok ng mga alon sapagkat pasalungat sa hangin. At nang madaling araw na’y sumunod sa kanila si Hesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Kinilabutan sa takot ang mga alagad nang makita nilang may lumalakad sa ibabaw ng tubig. “Multo!” sigaw nila. Ngunit agad siyang nagsalita at sinabi sa kanila, “Huwag kayong matakot; si Hesus ito!” At nagsalita si Pedro, “Panginoon, kung talagang kayo iyan, papariyanin ninyo ako sa ibabaw ng tubig.” Sumagot siya, “Halika.” Kaya’t lumunsad si Pedro sa bangka at lumakad sa ibabaw ng tubig, palapit kay Hesus. Ngunit nang mapansin niya ang hangin, siya’y natakot at nagsimulang lumubog. “Sagipin ninyo ako, Panginoon!” sigaw niya. Agad siyang inabot ni Hesus. “Napakaliit ng iyong pananalig!” sabi niya kay Pedro. “Bakit ka nag-alinlangan?” Pagkasakay nila sa bangka, tumigil ang hangin. At sinamba siya ng mga nasa bangka. “Tunay na kayo ang Anak ng Diyos!” sabi nila.

Maulan man at bumabagyo ,
patuloy na nag lilingkod

#𝐀𝐦𝐚𝐫𝐞𝐄𝐭𝐒𝐞𝐫𝐯𝐢𝐫𝐞

Happy Birthday, Mariel! 🎉Wishing you a day filled with good vibes, great company, and moments that make you smile long a...
30/07/2026

Happy Birthday, Mariel! 🎉
Wishing you a day filled with good vibes, great company, and moments that make you smile long after today. May this year bring you new opportunities, solid wins, and plenty of reasons to celebrate.

Enjoy your day—you’ve earned it. 🎂

15 LINGGO SA KARANIWANG PANAHONMateo 13, 44-52Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San MateoNoong panahong iyon, si...
26/07/2026

15 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON

Mateo 13, 44-52

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao: “Ang paghahari ng Diyos ay katulad ng kayamanang nakabaon sa isang bukid. Nahukay ito ng isang tao at tinabunan uli. Sa laking tuwa, siya’y humayo at ipinagbili ang lahat ng ari-arian niya at binili ang bukid na iyon.

Gayun din naman, ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: may isang mangangalakal na naghahanap ng mamahaling perlas. Nang makakita ng isang perlas na napakahalaga, siya’y humayo at ipinagbili ang lahat ng kanyang ari-arian at binili iyon.

“Ang paghahari ng Diyos ay katulad din ng isang malaking lambat na inihagis sa dagat at nakahuli ng sari-saring isda. Nang mapuno ay hinila ito sa pampang. At naupo ang mga tao upang pagbukud-bukirin ang mga isda: tinipon nila sa mga sisidlan ang mabubuti, ngunit itinapon ang mga walang kuwenta. Gayun din ang mangyayari sa katapusan ng daigdig. Darating ang mga anghel at ihihiwalay ang mga makasalanan sa mga banal, at ihahagis ang mga makasalanan sa maningas na pugon. Doo’y mananangis sila at magngangalit ang kanilang ngipin.

“Nauunawaan na ba ninyo ang lahat ng ito?” tanong ni Hesus. “Opo,” sagot nila. At sinabi niya sa kanila, “Kaya nga, ang bawat eskriba na kumikilala sa paghahari ng Diyos ay tulad ng isang puno ng sambahayan na kumukuha ng mga bagay na bago at luma sa kanyang taguan.”

#𝐀𝐦𝐚𝐫𝐞𝐄𝐭𝐒𝐞𝐫𝐯𝐢𝐫𝐞

Maligayang Kaarawan po, Rdo. Padre Ruel Arcega!Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng Panginoon ng mabuting kalusugan, lakas...
23/07/2026

Maligayang Kaarawan po, Rdo. Padre Ruel Arcega!

Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng Panginoon ng mabuting kalusugan, lakas, karunungan, at kagalakan sa inyong paglilingkod. Maraming salamat po sa inyong pagmamahal, paggabay, at tapat na paglilingkod sa aming pamayanan.

Dalangin namin na patuloy kayong ingatan at pagpalain ng Diyos sa marami pang taon.

#𝐀𝐦𝐚𝐫𝐞𝐄𝐭𝐒𝐞𝐫𝐯𝐢𝐫𝐞

SUNDAY MASS SERVEMATEO 13 1-9“May isang magsasakang lumabas upang maghasik. Sa kanyang paghahasik ay may binhing nalagla...
12/07/2026

SUNDAY MASS SERVE
MATEO 13 1-9

“May isang magsasakang lumabas upang maghasik. Sa kanyang paghahasik ay may binhing nalaglag sa tabi ng daan. Dumating ang mga ibon at tinuka ang mga iyon. May binhi namang nalaglag sa kabatuhan. Sapagkat manipis lang ang lupa roon, sumibol agad ang binhing iyon, ngunit nang mapabilad sa matinding sikat ng araw ay natuyo, palibhasa’y walang gaanong ugat. May binhi namang nalaglag sa dawagan; lumago ang mga dawag at ininis ang mga iyon. Ngunit ang binhing nalaglag sa mabuting lupa ay nag-uhay: may tigsasandaan, may tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpung butil ang bawat uhay. Ang may pandinig ay makinig!”

#𝐀𝐦𝐚𝐫𝐞𝐄𝐭𝐒𝐞𝐫𝐯𝐢𝐫𝐞

28 JUNE 2026Sunday Mass Serve "Amare et Servire"Mateo 10, 37-42Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San MateoNoong ...
28/06/2026

28 JUNE 2026

Sunday Mass Serve
"Amare et Servire"

Mateo 10, 37-42

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga apostol: “Ang umiibig sa ama o sa ina nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. At ang umiibig sa anak na lalaki o babae na higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang hindi nagpapasan ng kanyang krus at sumusunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang nag-iingat ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito, at ang nawawalan ng kanyang buhay dahil sa akin ay magkakamit nito.

“Ang tumatanggap sa inyo ay tumatanggap sa akin, at ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin. Ang tumatanggap sa isang propeta dahil sa siya’y propeta ay tatanggap ng gantimpala ukol sa propeta. At ang tumatanggap sa isang taong matuwid dahil sa siya’y matuwid ay tatanggap ng gantimpalang nauukol sa taong matuwid. At sinumang magbigay ng kahit isang basong tubig na malamig sa isa sa maliliit na ito dahil sa ito’y alagad ko – tinitiyak ko sa inyong tatanggap siya ng gantimpala.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Happy Birthday, Aaron! 🎉Wishing you a day filled with good vibes, great company, and moments that make you smile long af...
17/06/2026

Happy Birthday, Aaron! 🎉
Wishing you a day filled with good vibes, great company, and moments that make you smile long after today. May this year bring you new opportunities, solid wins, and plenty of reasons to celebrate.
Enjoy your day—you’ve earned it. 🎂

Address

Sto Nino Parish, Parada , Bulacan
Santa Maria

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St. Ignatius De Loyola Youth Choir posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share