Parish Commission on Youth - Sto. Niño Parish of Parada

Parish Commission on Youth - Sto. Niño Parish of Parada This is the official page of PCY Parada.

Mobile Photography - Entry  #4"Kapit Lang"- Warren L. PolicarpioDescription: (by the Artist)Ang kuhang larawan ay sumisi...
11/03/2021

Mobile Photography - Entry #4

"Kapit Lang"
- Warren L. Policarpio

Description: (by the Artist)

Ang kuhang larawan ay sumisimbulo sa patuloy na pagkapit ng bawat isa sa kanilang pananampalataya sa kabila ng mga problemang nararanasan sa kasalukuyan at mga taong patuloy na binibiyayaan ng lakas upang patuloy na magbahagi ng mabuting balita sa kapwa at umakay sa mga taong nadarapa o nawawala sa kanilang pananampalataya.

In this link, you'll see the Official Theme Song (with choreography) of Sto. Niño Parish, Parada, Santa Maria, Bulacan e...
06/01/2019

In this link, you'll see the Official Theme Song (with choreography) of Sto. Niño Parish, Parada, Santa Maria, Bulacan entitled MAHAL NAMING SANTO NIÑO.

Official Theme Song of Sto. Niño Parish, Parada, Santa Maria, Bulacan

MABUTING BALITAMateo 6, 1-6. 16-18Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San MateoNoong panahong iyon, sinabi ni Hesu...
28/02/2017

MABUTING BALITA
Mateo 6, 1-6. 16-18

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Pag-ingatan ninyo na huwag maging pakitang-tao lamang ang paggawa ninyo ng mabuti. Kapag ganyan ang ginawa ninyo, wala kayong matatamong gantimpala buhat sa inyong Amang nasa langit.

“Kaya nga, kapag naglilimos ka, huwag mo nang ipagmakaingay ito, katulad ng ginagawa ng mga mapagpaimbabaw doon sa sinagoga at sa mga lansangan. Ginagawa nila ito upang purihin sila ng mga tao. Sinasabi ko sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Ngunit kung naglilimos ka, huwag mo nang ipaalam ito kahit sa iyong pinakamatalik na kaibigan upang malihim ang iyong paglilimos. At gagantihin ka ng iyong Amang nakakikita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim.

“At kapag nananalangin kayom huwag kayong tumulad sa mga mapagpaimbabaw. Mahilig silang manalangin nang patayo sa mga sinagoga at sa mga panukalang-daan, upang makita ng mga tao. Sinasabi ko sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Amang hindi mo nakikita, at gagantihin ka ng iyong Amang nakakikita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim.

“Kapag nag-aayuno kayo, huwag kayong magmukhang malungkot, tulad ng mga mapagimbabaw. Hindi sila nag-aayos upang malaman ng mga tao na sila’y nag-aayuno. Sinasabi ko sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Kapag ikaw ay nag-aayuno, mag-ayos ka ng buhok at maghilamos upang huwag mapansin ng mga tao na nag-aayuno ka. Ang iyong Amang hindi mo nakikita ang siya lamang nakaaalam nito. Siya, na nakakikita ng kabutihang ginagawa mo ng lihim, ang gaganti sa iyo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

1 Corinto 13: 1-13Ang Pag-ibig               1 Makapagsalita man ako sa mga wika ng mga tao at ng mga anghel, kung wala ...
28/02/2017

1 Corinto 13: 1-13
Ang Pag-ibig
1 Makapagsalita man ako sa mga wika ng mga tao at ng mga anghel, kung wala naman akong pag-ibig, para lamang akong kampanang umaalingawngaw o pompiyang na kumakalampag. 2 Kung ako man ay may kakayahang magpahayag ng salita ng Diyos at umunawa sa lahat ng hiwaga, kung mayroon man ako ng lahat ng kaalaman at ng malaking pananampalataya na anupa't nakakapagpalipat ako ng mga bundok, ngunit kung wala naman akong pag-ibig, wala akong kabuluhan. 3 At kung ipamigay ko man ang lahat ng aking mga ari-arian at ialay ang aking katawan upang sunugin, a ngunit wala naman akong pag-ibig, wala rin akong mapapala!
4 Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man, 5 hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim sa kapwa. 6 Hindi niya ikinatutuwa ang gawaing masama, ngunit ikinagagalak ang katotohanan. 7 Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at mapagtiis hanggang wakas.
8 Matatapos ang kakayahang magpahayag ng salita ng Diyos, titigil rin ang kakayahang magsalita sa iba't ibang mga wika, mawawala ang kaalaman, ngunit ang pag-ibig ay walang hanggan. 9 Hindi pa lubos ang ating kaalaman at ang kakayahan nating magpahayag ng mensaheng mula sa Diyos, 10 ngunit pagdating ng ganap, mawawala na ang di-ganap.
11 Noong ako'y bata pa, ako'y nagsasalita, nag-iisip at nangangatwirang tulad ng bata. Ngayong ako'y mayroon nang sapat na gulang, iniwanan ko na ang mga asal ng bata. 12 Sa kasalukuyan, tila malabong larawan ang nakikita natin sa salamin, ngunit darating ang araw na harapan nating makikilala ang Diyos. Bahagya lamang ang nalalaman ko ngayon, ngunit darating ang araw na malulubos ang kaalamang ito, tulad ng lubos na pagkakilala niya sa akin.
13 Kaya't ang tatlong ito'y nananatili: ang pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig, ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.

1 Corinto 13: 1-13Ang Pag-ibig               1 Makapagsalita man ako sa mga wika ng mga tao at ng mga anghel, kung wala ...
26/02/2017

20/04/2016

Pananampalataya? Pagsamba? Tatlong Persona? Sino nga ba si Maria? Sinasamba nga ba natin sya? Iyan lamang ang ilan sa katanungan na nais namin sagutin sa ating darating na buwanang pagtitipon. Kaya kayo ay iniimbitahan namin upang makisalamuha sa iba pang mga kabataan ng ating parokya.
What: Youth Fellowship
About: To Jesus through Mary
When: April 23, Saturday
Where: Sto. Nino Parish Church
Samahan nyo kami at unti-unti pang mas makilala ang ating Inang si Maria. Hope to see you there mga kapatid! :)

May forever ba talaga? O lifetime kaya?Totoo ba ang true love? Bakit ko kailangang maghintay?Pwede na ba akong mag-boyfr...
06/02/2016

May forever ba talaga? O lifetime kaya?
Totoo ba ang true love? Bakit ko kailangang maghintay?
Pwede na ba akong mag-boyfriend?
Handa na ba akong mag-girlfriend?
Am I living to find my another half? Or am I already whole?
What is love ba?
Pagdating sa panliligaw, ano ba ang mga dapat at hindi dapat? Ano ang pagkakaiba ng virginity sa chastity?
What is right: to wait for her... or to wait with her?
Right Person? Right Time? Right Place? Right Job?
Real love or need love?

These are the questions na maaaring tumatakbo sa isip mo ngayon KABATAAN. Handa ka na ba sa mga kasagutan? Simple lamang ang kailangan mong gawin. Tara! Tuklasin natin ang TUNAY NA KAHULUGAN NG PAG-IBIG ngayong buwan ng mga puso. WALA ITONG BAYAD. It's FREE! Kung SINGLE ka, ayain mo na mga kaibigan at mga kabarkada mo. Kung IN A RELATIONSHIP naman, isama mo si boyfriend o girlfriend at magkasamang matuto, kung IT'S COMPLICATED, baka panahon na para sa clarifications. :)

We invited an amazing speaker and a real love advocate from Las Piñas and Youth For Life. So, what are you waiting for? Mark your calendar now at siguradong your February 27 afternoon is worth attending for. :)

Praying for you,
Parish Commission on Youth - Sto. Niño Parish of Parada

02/02/2016

Join us! :)

Address

Sto. Niño Parish Of Parada
Santa Maria
3022

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Parish Commission on Youth - Sto. Niño Parish of Parada posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share