29/08/2026
ORATIO IMPERATA
Amang Makapangyarihan, itinataas namin sa iyo ang aming mga pusong nagpapasalamat sa kagandahan ng lyong nilikha kung saan kami ay bahagi sa pagkalinga Mong nagtataguyod sa aming mga pangangailangan at sa karunungan Mong gumagabay sa takbo ng daigdig.
Kinikilala namin ang aming pagkakasala sa Iyo at sa sanglinikha. Hindi kami naging mabuting katiwala ng kalikasan. Pinagkamali namin ang lyong utos na pangasiwaan ang daigdig.
Ang kapaligiran ay nagdurusa sa aming kamalian, at ngayon ay aming inaani ang aming pagmamalabis at kawalang pakialam.
Ang "global warming" ay laganap na. Ang mga bagyo, pagbaha, pagputok ng bulkan at iba pang kalamidad tulad ng lindol ay patuloy na tumitindi sa pananalasa.
Lumalapit kami sa Iyo, Mapagmahal na Ama, at humihingi ng kapatawaran sa aming mga kasalanan.
Hinihiling namin na kami, kasama ang aming mga mahal sa buhay at pinagpagurang ari-arian ay ipag-adya sa banta ng kalamidad, likas (tulad ng lindol at ang kinatatakuitang the Big One) o kagagawan man ng tao.
Iniluluhog naming gawin kaming mapanagutang katiwala ng lyong nilikha at maging bukas-palad na kapwa sa mga nangangailangan.
Sa pangalan ni Hesus. AMEN.
Hesus, Kaawaan Mo kami.
Santa Maria, Ipanalangin mo kami.
San Jose, Ipanalangin mo kami.
Santa Ana, Ipanalangin mo kami.
San Joaquin, Ipanalangin mo kami.
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. AMEN.