10/08/2026
Sa isang kisap mata,
Sa huling pagtunog ng trumpeta
Darating ang Panginoon Hesus.
Sa panahon na abala ang iba sa pag-hahapbuhay at pag-aaral,
Sa panahon na nagsasaya ang iba sa kalayawan,
Sa panahon na nagdurusa ang iba sa problema't pagsubok,
Sa panahon na abala ang iba sa pagpupuri't pagsamba,
Tiyak ang pagdating ng Panginoon.
Matthew 24:37-38
At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. Sapagka't gaya ng mga araw bago nagkagunaw, sila'y nagsisikain at nagsisiinom, at nangagaasawa at pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong.
Ang kanyang pagdating ay tiyak at hayag na, sapagka't ang propesiya at tanda sa Bibliya ay nangyayari't natutupad na (Daniel 7:13, Zech. 14:5, Matt. 25:31).
Sa kanyang muling pagparito, magdidilim ang araw at buwan (Matt. 24:29). Makikita ng lahat ang kanyang kaluwalhatian sa alapaap kasama ang kanyang mga anghel. Ito ay para kuhanin ang kanyang mga tinubos (1 Thess. 1:10).
Kung paanong hindi alam ng tao ang pagdating ng isang magnanakaw sa kanyang tahanan, gayundin naman ang pagdating ng Panginoon, walang nakakaalam ng oras at araw maski ang mga anghel (Matt. 24:36).
Sa kabila nito, ang kanyang muling pagdating ay isang dakilang pag-asa sa kanyang mga hinirang, sapagka't matatapos na ang paghihirap dito sa mundo. Malulubos ang kaligtasan ng mga hinirang.
Ang mga tumanggi't umalipusta at hindi tumalima sa salita ng Diyos ay parurusahan (2 Tim. 4:1, 2 Thess. 1:8-9).
Ang layunin ng pagparito ni Hesus ay dahil sa pag-ibig, upang tubusin ang mga makasalanan, ngunit sa kanyang muling pagdating, siya ay babalik bilang makatarungang hukom.
Kung kaya't kapatid, sa panahon ng saya't lungkot at pagsubok, tayo ay maghanda sa malapit na pagbabalik ng Panginoon Hesus.
God bless!
To God be all the glory!
An excerpt from last Sunday school
(Aug.9, 2026)