29/08/2026
𝗢𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢 𝗜𝗠𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗕𝗜𝗦 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚-𝗨𝗟𝗔𝗡
Ama naming makapangyarihan,
Ikaw ang aming kanlungan at lakas.
Sa gitna ng malakas na ulan at habagat,
lingapin Mo ang Iyong bayan.
Patahimikin Mo ang unos,
pahupain ang tubig na umaapaw,
at ilayo sa kapahamakan
ang bawat tahanan at pamayanan.
Tulad ng mga alagad na tumawag sa Iyo sa gitna ng bagyo,
kami rin ay buong tiwalang sumisigaw:
“Panginoon, iligtas Mo kami!” (Mt 8:25)
Ipadama Mo ang Iyong awa sa mga nangangamba,
kalakasan sa mga naglilingkod,
at pag-asa sa mga nasalanta.
Sa Iyong salita, Panginoon,
“Pinatatahimik Mo ang unos,
at humuhupa ang mga alon.” (Awit 107:29)
Sa pamamagitan ni Hesukristo kasama
ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Amen.
N. Panginoon naming Diyos, ipakita Mo na ang pag-ibig Mong wagas.
B. Kami ay lingapin at sa kahirapan ay Iyong iligtas.
La Purisima Concepcion, ipanalangin mo kami.
San Miguel Arkanghel, ipanalangin mo kami.
San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami.
San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami.