19/04/2026
๐๐ก๐ ๐๐๐ฌ๐ฎ๐ซ๐ซ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ญ๐ก๐๐ญ ๐๐ก๐๐ง๐ ๐๐ฌ ๐๐ฏ๐๐ซ๐ฒ๐ญ๐ก๐ข๐ง๐
Rev. Felix Quindoza | Sunday Service
-
12Ngayon, kung ipinapangaral naming si Cristo'y muling nabuhay, bakit sinasabi ng ilan sa inyo na hindi bubuhaying muli ang mga patay? 13Kung totoo iyan, lilitaw na hindi muling binuhay si Cristo. 14At kung si Cristo'y hindi muling binuhay, walang kabuluhan ang aming pangangaral at walang katuturan ang inyong pananampalataya. 15Kung ganoon, lilitaw na kami'y mga sinungaling na saksi ng Diyos dahil pinatotohanan namin na muling binuhay ng Diyos si Cristo ngunit hindi naman pala, kung talagang walang muling pagkabuhay ng mga patay. 16Kung hindi muling binuhay ang mga patay, hindi rin muling binuhay si Cristo. 17At kung hindi muling binuhay si Cristo, kayo'y hindi pa nalilinis sa inyong mga kasalanan at walang katuturan ang inyong pananampalataya. 18Hindi lamang iyan, lilitaw pa na ang lahat ng namatay na sumasampalataya kay Cristo ay napahamak. 19Kung ang pag-asa natin kay Cristo ay para lamang sa buhay na ito, tayo na ang pinakakawawa sa lahat ng tao. 20Ngunit ngayong si Cristo'y muling binuhay, ito'y katibayan na muling bubuhayin ang mga patay.
-
1 Mga Taga-Corinto 15:12-20