15/08/2023
Pagkaing Espirituwal Ngayong Miyerkules
Agosto 16, 2023
Pamagat: ๐ป๐ช๐๐ช๐๐ค๐๐
---------------------------------------------
Visit https://filipino-odb.org/ and https://odb.org/ for more focused daily devotions.
---------------------------------------------
๐๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ณ๐ฆ๐ญ๐ช๐ฉ๐ช๐บ๐ฐ๐ด๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ช๐ต๐ช๐ฏ๐ถ๐ต๐ถ๐ณ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข ๐ฅ๐ข๐ญ๐ช๐ด๐ข๐บ ๐ข๐ต ๐ธ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฑ๐ช๐ฏ๐ต๐ข๐ด๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐ฐ๐ด ๐๐ฎ๐ข ๐ข๐บ ๐ช๐ต๐ฐ: ๐๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ๐ต๐ถ๐ญ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ด๐ข ๐ฎ๐จ๐ข ๐ถ๐ญ๐ช๐ญ๐ข ๐ข๐ต ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฃ๐ช๐บ๐ถ๐ฅ๐ข ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ฉ๐ช๐ณ๐ข๐ฑ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช๐ญ๐ข. โ ๐๐ข๐ฏ๐ต๐ช๐ข๐จ๐ฐ 1:27
Basahin: Santiago 2:14โ26
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
14 Mga kapatid, ano bang mapapala ng isang tao kung sabihin niyang mayroon siyang pananampalataya, pero wala naman siyang mabuting gawa? Maliligtas ba siya ng ganyang pananampalataya?
15 Halimbawa, walang maisuot at walang makain ang isang kapatid,
16 at sasabihan mo, โPagpalain ka ng Dios at hindi ka sana ginawin at magutom,โ pero hindi mo naman siya binigyan ng kailangan niya, may nagawa ba itong mabuti?
17 Ganito rin naman ang pananampalataya; kung hindi ito kinakikitaan ng mabuting gawa, wala itong kabuluhan.
18 Kung talagang may magsasabi, โMay pananampalataya ako, at ikaw naman ay may mabuting gawa.โ Ito naman ang isasagot ko, paano ko makikita ang pananampalataya mo kung wala ka namang mabuting gawa? Ipapakita ko sa iyo na may pananampalataya ako sa pamamagitan ng mabuti kong gawa.
19 Naniniwala ka na may iisang Dios? Mabuti iyan! Pero kahit ang masasamang espiritu man ay naniniwala rin, at nanginginig pa nga sa takot.
20 Ikaw na walang pang-unawa, gusto mo bang patunayan ko na walang kabuluhan ang pananampalataya kung walang mabuting gawa?
21 Hindi baสผt itinuring na matuwid ng Dios ang ninuno nating si Abraham dahil sa mabuti niyang gawa nang ihandog niya sa altar ang anak niyang si Isaac?
22 Makikita mo na ang pananampalataya niyaสผy may kasamang mabuting gawa. Naipakita na tunay ang pananampalataya niya sa pamamagitan ng mabuting gawa.
23 Natupad ang sinasabi ng Kasulatan, โSumampalataya si Abraham sa Dios, at dahil dito, itinuring siyang matuwid. Tinawag pa nga siyang kaibigan ng Dios.โ
24 Dito nสผyo makikita na itinuturing na matuwid ng Dios ang tao dahil sa mabuti nitong gawa at hindi dahil sa pananampalataya lamang.
25 Ganoon din si Rahab, ang babaeng bayaran. Itinuring siyang matuwid dahil itinago niya ang mga espiya ng mga Israelita at itinuro ang ibang daan para makatakas sila.
26 Kung paanong patay ang katawang walang espiritu, patay din ang pananampalataya kung walang mabuting gawa.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Copyright ยฉ 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ยฎ
Used by permission of Biblica, Inc.ยฎ All rights reserved worldwide.
Dahil sa kudeta, nawalan ng trabaho ang tatay ni Sam. Dahil doon, hindi na nila mabili ang gamot na kailangan ng kapatid ni Sam. Naitanong tuloy ni Sam sa Dios, โAno ang nagawa namin upang maghirap kami ng ganito?โ
Nalaman ng isang sumasampalataya kay Jesus ang tungkol sa problema ng pamilya ni Sam. Binili niya ang mga kailangang gamot ng kapatid ni Sam at ibinigay sa kanila. Nagkaroon ng malaking epekto sa pamilya ni Sam ang pagtulong na ito ng isang taong hindi naman nila kilala. Sinabi ng nanay ni Sam, โSa darating na Linggo ay magsisimba tayo sa kanilang simbahan.โ Unti-unting nawala ang galit sa puso ni Sam at bawat isa sa kanyang pamilya ay nagtiwala kay Jesus.
May isinulat din naman si Santiago tungkol sa kahalagahan ng pagtulong sa iba ng isang mananampalataya. โHalimbawa, walang maisuot at walang makain ang isang kapatid, at sasabihan mo, โPagpalain ka ng Dios at hindi ka sana ginawin at magutom,โ pero hindi mo naman siya binigyan ng kailangan niya, may nagawa ba itong mabuti?โ (2:15-16).
Ipinapakita ng ating mga ginagawa kung tunay ang ating pananampalataya sa Dios. Maaaring magkaroon ng epekto ang mga ginagawa natin upang ang ibang tao ay magtiwala rin sa Dios. Katulad na lamang ni Sam naging pastor siya sa tulong ng iba. Kinilala ni Sam ang taong iyon bilang taong nagpakita sa kanila ng pagmamahal ni Jesus.
๐๐ข๐ข๐ฏ๐ฐ ๐ฎ๐ฐ ๐ฏ๐ข๐ณ๐ข๐ณ๐ข๐ฏ๐ข๐ด๐ข๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐ฉ๐ข๐ญ ๐ฏ๐ช ๐๐ฆ๐ด๐ถ๐ด ๐ด๐ข ๐ช๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ถ๐ฉ๐ข๐บ?
- Tim Gustafson
๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐ฐ๐๐๐.
React, Share, and post your reflections.
Follow us on Twitter: twitter.com/odbpilipinas
and on Instagram: instagram.com/ourdailybreadpilipinas
Visit filipino-odb.org to learn more about Our Daily Bread Ministries and our resources
Copyright ยฉ 2023 Our Daily Bread Ministries, All rights reserved.
Disclaimer: Please note that internet browsers and online platforms may have built-in translation features that may inadvertently change the meaning and overall thought of our content.