12/09/2022
Mga kabataan ng ating parokya, halina at makiisa sa ating kauna-unahang youth camp - ANG NAZARETH YOUTH CAMP.
Magkita-kita tayo mga kapatid!
KABATAAN! HALIKA, SAMA NA SA NAZARETH YOUTH CAMP 2022!
Ang ating Dambana ay dadalawin ng Poong Nazareno ng Quiapo mula ika-22 hanggang ika-26 ng Setyembre ng taong kasalukuyan. Kaugnay nito, gaganapin ng Parish Commission on Youth ang kanilang kauna-unahang youth camp.
Para sa taong kasalukuyan, tatawagin itong Nazareth Youth Camp 2022. Ito ay gaganapin mula 7 P.M. ng ika-23 ng Setyembre 2022 hanggang 7 A.M. ng ika-24 ng Setyembre 2022. Pasisinayaan ang youth camp sa pamamagitan ng isang Banal na Misa na gaganapin sa ating Dambana. Pagkatapos, magdaraos ng youth walk mula sa ating Dambana hanggang sa Renzo Covered Court β Hulo kung saan dito mamamalagi ang mga magsisipagdalo para sa gaganaping youth camp.
Kaya ano pang hinihintay mo? Sama na! Dito, layunin naming ang palalimin ang Pananampalataya ng bawat kabataan sa ating Poong Nazareno. Gayundin, nais naming mapalapit ang mga kabataan sa isaβt isa upang magkaroon ng mga kaibigang maglalapit sa kabutihan ng Diyos.
Para sa mga katanungan, maaring kontakin ang mga sumusunod sa facebook / messenger:
Ardy Mendoza
PCY PRESIDENT
Jose Jr. Castillo
PCY VICE-PRESIDENT
SEE YOU THERE!