Hermandad de la Sagrada Pasión y Esperanza Macarena

Hermandad de la Sagrada Pasión y Esperanza Macarena Hermandad y Cofradía de la Sagrada Pasión y María Santísima de la Esperanza Macarena de Filipinas Jaime S.

The HERMANDAD Y COFRADÍA DE LA SAGRADA Y MARÍA SANTÍSIMA DE LA ESPERANZA was established under the auspices of Parish Priest, Mons. García, PC, by the families who own the pasos de misterio for the annual Semana Santa processions of Santa María, Bulacán, to promote devotion to the Sacred Passion of Our Lord and to His Blessed Mother under the advocation of La Virgen Esperanza Macarena by overseeing the commemoration of more than two centuries of Lenten traditions in the historic town. Every year, the Junta de Gobierno chooses an Hermano Mayor de Honor or Honorary President to lead in the solemn festivities of Lent. He or she may be from or outside of Santa María as long as the person is a practicing Catholic and is known for his or her religious devotion. The Real, Ilustre y Fervorosa Hermandad y Cofradía de Nazarenos de Nuestra Señora del Santo Rosario, Nuestro Padre Jesús de la Sentencia y María Santísima de la Esperanza Macarena of Seville, Spain has recognized the Hermandad de la Sagrada Pasión as the 21st hermandad dedicated to the patronage of La Virgen Esperanza Macarena in the whole world, thus making it the first in Asia and the second to be recognized outside of Spain. With this distinction, the Hermandad proudly join the countless brothers which have been honoring La Virgen Macarena for more than four centuries. It is our custom to begin the celebration of Semana Santa on the 4th Friday of Lent with the Solemne Septenario where for seven days of prayers and Masses, each of the Seven Sorrows of Our Blessed Lady are commemorated and preached. It is a devotion that was introduced by the Franciscans but was lost with the passage of time and was revived by the Hermandad. For this event, priests from near and far, known for their devotion to the Blessed Virgin Mary are invited as Main Celebrant and Preacher for each day. The Septenario climaxes on the Friday of the Fifth Week of Lent or the Friday before Palm Sunday, which is hallowed by tradition as Viernes de Dolores, the Fiesta de María Santísima de la Esperanza Macarena – the Queen of Sorrows, where she is honored with a Pontifical Mass and the besamanos [kissing of the hand] lead by the clergy, the HERMANDAD and the faithful in the morning and a Misa Concelebrada and Solemn Procession in the evening. It is on this day that the year’s Hermano Mayor de Honor is solemnly installed according to the established rites. Aside from the customary rites of Holy Week, Santa María takes pride in its Semana Santa Processions, which since the establishment of the HERMANDAD, has been held with greater solemnity and proper decorum proper for these celebrations. Close to 50 pasos of the Lord’s Public Life, Passion and Death - some dating to the Spanish era when the Church of Santa María was still under the Franciscans - are brought out by the families which form the HERMANDAD during the Holy Wednesday and Good Friday Processions. It is an event that is attended not only by the people of Santa María but from neighboring towns as well and from devotees from as far as Manila and nearby provinces. For over twenty years now, the Hermandad has started its procession with an Opening Prayer, led by the clergy then the Presentation of the Pasos, where each paso or carroza are brought to the stage while a narration of the significance of each are read before the people. Upon reaching the stage, the priests incenses and blesses the pasos and their respective Camareras or caretakers. The procession concludes with a closing prayer before the people are sent home. This was a practice that was observed here in Santa María long before it was introduced or set as the norm for the Diocese of Malolos. Like the established Hermandades and Cofradías, the Hermandad also has its Bolsa de Caridad or charity work. On Viernes de Dolores, part of the principal guests of the celebration are the widows and widowers where a special blessing and a simple reception are given them after the Festivities.

𝐋𝐀 𝐅𝐔𝐄𝐑𝐙𝐀 𝐘 𝐀𝐋𝐄𝐆𝐑𝐈𝐀, 𝐚𝐭 𝐋𝐀 𝐄𝐒𝐏𝐄𝐑𝐀𝐍𝐙𝐀Lakas, Kagalakan at Pag-asa ♥️💛💚🇵🇭🇪🇸Maraming salamat sa Servants and Handmaids of Ou...
13/08/2026

𝐋𝐀 𝐅𝐔𝐄𝐑𝐙𝐀 𝐘 𝐀𝐋𝐄𝐆𝐑𝐈𝐀, 𝐚𝐭 𝐋𝐀 𝐄𝐒𝐏𝐄𝐑𝐀𝐍𝐙𝐀
Lakas, Kagalakan at Pag-asa ♥️💛💚🇵🇭🇪🇸

Maraming salamat sa Servants and Handmaids of Our Lady of the Pillar para sa pagiimbita sa Mahal na Virgen de la ESPERANZA MACARENA para sa ika-13 Marian Exhibit ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Pillar - Imus Cathedral na pinamagatang PAMANA NI MARÍA, tampok ang mga debosyon sa Mahal na Virgen na lumaganap sa Filipinas na minana mula sa España.

Magkaibang samahan at advocación sa dalawang titulo ng Mahal na Virgen ngunit pinag-iisa ng iisang pananampalataya, devoción at pagmamahal sa kanya, na naguugat sa pamana na nag-uugnay sa FILIPINAS at ESPAÑA.

Espesyal na pasasalamat kay G. Louis Custodio, at sa mag-asawang G. Norberto at Gng. Ellen Palma-Sosa, camarera ng Virgen del Pilar ng Imus.

Sa ilalim ng kanyang maternal na pagkalinga, nawa’y patuloy nating matagpuan ang FUERZA upang maglingkod, ang ALEGRÍA upang magpuri, at ang ESPERANZA upang magpatuloy sa pananampalataya.

¡Viva la Virgen de la Esperanza Macarena!
¡Esperanza Nuestra! 💚

¡Viva Nuestra Señora del Pilar!
¡Fuerza y Alegría Nuestra! ♥️💛

𝐍𝐀𝐍𝐀 𝐏𝐈𝐋𝐀𝐑 𝐀𝐓 𝐌𝐀𝐂𝐀𝐑𝐄𝐍𝐀 𝐅𝐈𝐋𝐈𝐏𝐈𝐍𝐀 🇵🇭🇪🇸Ang Patrona ng Hispanidad, LA VIRGEN DEL PILAR, at ang Reina ng Sevilla, La Virgen d...
13/08/2026

𝐍𝐀𝐍𝐀 𝐏𝐈𝐋𝐀𝐑 𝐀𝐓 𝐌𝐀𝐂𝐀𝐑𝐄𝐍𝐀 𝐅𝐈𝐋𝐈𝐏𝐈𝐍𝐀 🇵🇭🇪🇸
Ang Patrona ng Hispanidad, LA VIRGEN DEL PILAR, at ang Reina ng Sevilla, La Virgen de la ESPERANZA MACARENA

Ang makasaysayang pagdalaw ng kinikilalang Filipinang replica ng Virgen de la ESPERANZA MACARENA mula sa Santa Maria, Bulacan sa Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Pillar - Imus Cathedral, ang siyang Patrona ng Roman Catholic Diocese of Imus at Ciudad ng Imus — ang Flag Capital ng Filipinas, bayang kinalakihan ng Kanyang Kabunyian Luis Antonio G. Cardinal Tagle, at lupain ng mga bayani — na siyang cabecera ng makasaysayang Provincia ng Cavite.

Isang natatanging pagtatagpo ng pananampalataya, kasaysayan, at pamanang Hispano-Filipino sa ilalim ng pagkalinga ng Mahal na Virgen. Nabubuhay ang isang pamanang nag-uugnay sa ESPAÑA at FILIPINAS na patuloy na namamayani sa puso ng sambayanang Filipino.

PAMANA NI MARÍA
13th Imus Cathedral Marian Exhibit
Tampok ang mga devoción sa Mahal na Virgen na lumaganap sa Filipinas na minana mula sa España

12-23 Agosto 2026 | Chapel of the Saints
Imus Cathedral, City of Imus, Cavite

Ang Fundadora ng Pobres Claras (Order of St. Clare o Poor Clares). Nais ng mga magulang ni Santa Clara ng magandang buha...
11/08/2026

Ang Fundadora ng Pobres Claras (Order of St. Clare o Poor Clares). Nais ng mga magulang ni Santa Clara ng magandang buhay para sa kanilang anak na babae, na ipinanganak sa Assisi sa Italya noong 1194. Ngunit ang gusto nila para kay Santa Clara ay hindi ang nasa isip nito. Sa edad na 15 tumanggi siyang magpakasal. Isang araw narinig niya si San Francisco, na mula rin sa Assisi, Italia na nangangaral. Sa sandaling iyon, alam niya kung ano ang dapat niyang gawin sa kanyang buhay. Alam niyang gusto niyang matulad kay Francis. Mamumuhay siya ng isang mapagpakumbabang buhay na nakatuon Jesús.

Sa edad na 18, tumakas si Santa Clara sa tahanan ng kanyang mga magulang noong Linggo ng Palaspas upang maging isa sa mga tagasunod ni San Francisco de Asís. Dinala siya ni San Francisco sa isang kumbento ng Benedictine. Binigyan si Santa Clara ng kayumangging abito at isang lubid para sa isang sinturon. Pagkalipas ng labing-anim na araw, ang kapatid ni Santa Clara, si Santa Ines ng Assisi, ay sumama sa kanya, na labis na ikinagalit ng kanilang ama. Nagpadala siya ng mga sundalo upang subukang alisin si Ines sa kumbento, ngunit hindi ito umalis.

Sa ilalim ng patnubay ni San Francisco, si Santa Clara ay naging tagapagtatag ng isang orden ng mga madre na Pobres Claras (Poor Clares). Nakatira sila sa isang kumbento sa San Damiano sa Assisi. Ang mga madre ay hindi kumain ng karne at walang suot na sapatos. Natulog sila sa lupa at halos tahimik. Gayunpaman, masaya silang naglilingkod sa Panginoon. Maging ang ina ni Santa Clara, si Ortolana, ay sumali sa orden.

Hinangaan ng mga tao ang buhay panalangin ni Santa Clara at ang kanyang pagtitiwala sa Diyos. Isang beses, dumating ang mga sundalo upang salakayin ang Assisi. Sinabi niya sa mga madre na huwag matakot at magtiwala kay Jesús. Pagkatapos ay nanalangin si Santa Clara sa Diyos para sa proteksyon gamit ang Banal na Sacramento (na karaniwang nakikitang hawak ni Santa Clara sa kanyang mga imahen sa mga simbahan). Agad na tumakas ang mga sundalo!

Namatay siya noong 1253 at na-canonize noong 1255 ni Pope Alexander IV. Noong 1958, si Santa Clara ay pinangalanang patron saint ng telebisyon, dahil, tulad ng ipinaliwanag ni Pope Pius XII, minsan ay sinabi niyang nagkaroon siya ng pangitain noong siya ay may sakit upang umalis sa kanyang k**a. Sa pangitain ay nakita at narinig niya ang Misa nang malinaw na parang pumunta siya sa chapel ng monasteryo.

Siya ay tinaguriang patron para sa magandang panahon sapagkat ang kanyang pangalan, sa salitang Kastila, ay nangangahulugan ng pagliwanang ng panahon matapos ang pag-ulan. Kaya't ang marami sa atin ay may paniniwala pa rin na ang paglalagay ng itlog sa paanan ni Santa Clara ay isang mabisang panalangin upang magliwanag ang masungit na panahon; sapagkat ang pangalang Clara ay halaw sa salitang claro (albumen) o puti ng itlog.

Ang camarera ni Santa Clara na nasa kanang retablo menor ng Hermandad sa Basílica ng La Purísima Concepción ay ang herederos ni ♱ Gng. Erlinda Gerona-Bautista (camarera ng El Bautismo de Jesús).

Sa kauna-unahang pagkakataon, dadalaw sa Provincia ng Cavite ang Virgen de la ESPERANZA MACARENA, para sa pagdiriwang ng...
11/08/2026

Sa kauna-unahang pagkakataon, dadalaw sa Provincia ng Cavite ang Virgen de la ESPERANZA MACARENA, para sa pagdiriwang ng ika-13 Taunang Marian Exhibit ng Catedral ng Imus, ang tahanan ng NUESTRA SEÑORA DEL PILAR, ang Patrona ng Hispanidad at ng Roman Catholic Diocese of Imus.

PAMANA NI MARÍA: Pusong Nakikinig at Sisidlan ng Pananampalataya
13th IMUS CATHEDRAL MARIAN EXHIBIT
📅 12–23 Agosto 2026
📍 Chapel of the Saints | Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Pillar - Imus Cathedral

Ngayong taon, tampok sa exhibit ang mga devoción sa Mahal na Virgen na lumaganap sa Filipinas at minana mula sa España—mga pamana ng pananampalatayang patuloy na buhay at iniingatan sa puso ng sambayanang Filipino.

Isang natatanging pagkakataon upang masilayan at parangalan sa Cavite ang Virgen de la Esperanza Macarena, isa sa mga pinakakilalang imagen ng devoción sa Mahal na Virgen María mula sa Sevilla, España. 💚🇪🇸🇵🇭

12 AGOSTO
🕠 5:30 PM — Santa Misa
🕡 6:30 PM — Pagpapasinaya

23 AGOSTO
🕖 7:00 PM — Santa Misa
🕣 8:30 PM — Pagtatapos

Inaanyayahan ang lahat na makiisa, dumalaw, at tunghayan ang mga Devoción Mariana na nagmula sa iba’t ibang ciudad at provincia sa España naging bahagi ng ating pamanang pananampalataya rito sa Filipinas.

Sa pangunguna ng Servants and Handmaids of Our Lady of the Pillar

🕰️ ORAS NG EXHIBIT

LUNES, MARTES, JUEVES
7:00 AM – 12:00 NN
2:00 PM – 6:00 PM

MIÉRCOLES, VIERNES, SÁBADO
7:00 AM – 12:00 NN
2:00 PM – 7:00 PM

LINGGO
7:00 AM – 12:00 NN
2:00 PM – 8:30 PM

¡Esperanza Nuestra! — Aming Pag-asa! 💚⚓️
¡Viva la Virgen del Pilar! ¡Nuestra Fuerza y Alegría!

📷: Servants and Handmaids of Our Lady of the Pillar, at Raphael Dave Balino

Si Santo Domingo de Guzmán ay ipinanganak sa Caleruega sa España noong 1170. Ang kanyang mga magulang ay sina Felix de G...
08/08/2026

Si Santo Domingo de Guzmán ay ipinanganak sa Caleruega sa España noong 1170. Ang kanyang mga magulang ay sina Felix de Guzman at Beata Juana de Aza. Siya ay isang Kastilang relihiyoso at banal na nagtatag ng (Lat: Ordo Praedicatorum - Order of Preachers o O.P.), o mas kilalang mga DOMINICANO. Itinatag ni Santo Domingo ang orden na ito noong 1215, kasama ang anim na taga-sunod. At sa taon ding ito, nagsadya siya na may isang kasama sa Roma upang hingin ang pagsangayon at bendisyon ng Santo Papa Inocencio III. Enero 1217 nang mabigyan ng “written authority” mula sa bagong Papa Honorio III at naitatag orden ng mga Dominicano.

Sa paglipas ng mga taon, ang mga Dominikano ang may mahalagang naiambag sa pagpapalaganap ng pagdarasal ng Santo Rosario at pagbibigay-diin sa paniniwala ng mga Katoliko sa kapangyarihan ng rosaryo. Si Santo Domingo ay namatay noong Agosto 6, 1221 sa Bologna, Italia. Taong 1234 ang taon ng kanyang Kanonisasyon o pagkakahirang bilang Santo.

Ang mga Dominicano ay kilala sa mahusay na pagpapahayag ng Mabuting Balita at ng debosyon ng Santo Rosario.

Sa kanyang orden din nagmula ang mga kilalang dakilang mga santo, tulad ni Santo Tomas de Aquino, San Vicente Ferrer, San Martín de Porres, Santa Catalina de Siena at ang unang Pilipinong Santo, San Lorenzo Ruiz.

Ang Camarera ni Santo Domingo de Guzmán na nasa retablo ng Virgen ng Macarena sa Basílica ng La Purísima Concepción ay si Bb. Myraflor Carpio Bernardo, Secretaria de la Sagrada Pasión.

Sábado ng umaga, isang pamilyang Filipino-Italian na nakabase sa New York, USA ang bumisita sa Basílica de la Purísima C...
03/08/2026

Sábado ng umaga, isang pamilyang Filipino-Italian na nakabase sa New York, USA ang bumisita sa Basílica de la Purísima Concepción, Santa María, Bulacán upang hanapin ang imagen ng Virgen de la ESPERANZA MACARENA sa dapat na kinaluluklukan nito. Mula roon, sila ay itinuro sa Casa Hermandad, kung saan nila personal na nadalaw ang Mahal na Virgen.

Naging espesyal ang pagbisitang ito dahil sa kanilang anak na si Giuseppe Mendoza, na habang nag-aaral sa Granada, España ay naging bahagi ng Hermandad de la Aurora - Granada. Dahil sa malalim na karanasang iyon sa kultura ng mga hermandad at sa debosyon sa Mahal na Virgen, hiniling niya sa kanyang amang Pilipino na hanapin ang kinaroroonan ng replica sa Filipinas ng Virgen de la ESPERANZA MACARENA, na siya ring Reina ng Sevilla, sa kanilang pag-uwi ngayong taon matapos niya malaman na mayroon palang hermandad ng Macarena sa bansa matapos makita ang Facebook post ng pakikiisa at simpatya sa mga biktima ng lindol sa Mindanao ng mga kapatid natin mula sa Hermandad de la Macarena (Oficial) ng Sevilla noong Junio 8 na kasama ang larawan ng La Macarena Filipina. Nabighani si Giuseppe sa pagkakahawig ng Macarena Filipina sa original na Macarena sa Sevilla na nakita na rin ng kanyang buong pamilya noong 2021.

Ibinahagi ni Giuseppe:

“My first experience of the ‘Virgenes de Vestir’ and the Semana Santa was with Esperanza Macarena during a family trip to Sevilla. And this year I did, while studying abroad in Granada, Spain. Everyday I went out to see as many processions as I could. But one stood out to me the most: that of the Hermandad de la Aurora.
She herself, with her sorrowful yet soft expression, looked upon me with a face that understood me. And from that Holy Thursday, my devotion to "mi Aurora" began. Later, I was able to join the Hermandad proper, even taking part in the procession on Corpus Christi. I was welcomed there with open arms and hearts. I never felt like a stranger there and I am proud to say "soy de la Aurora," to call them all my family, and the church my home. Visiting La Macarena here in the Philippines really solidified the beauty behind the culture of the hermandades. We too were welcomed with open arms and hearts when we went to see Her. Thank you to the Hermandad and the hermanos for welcoming us into their home to visit Our Lady.“

Maraming salamat sa Familia Mendoza sa kanilang pagdalaw at sa pagbabahagi ng kanilang natatanging kuwento ng pananampalataya at debosyon na tunay na tumatawid sa mga hangganan ng mga bansa at karagatan. Nawa’y lalo pang pagpalain ng Mahal na Virgen de la Esperanza Macarena ang inyong buong pamilya.

¡Viva la Esperanza Macarena! 💚⚓️
¡Viva la Virgen de la Aurora!
¡Viva las Hermandades!

Los Hermanos de Betania — Si Santa Marta, na tumanggap sa kanyang tahanan sa Betania, malapit sa Jerusalén, sa Panginoon...
28/07/2026

Los Hermanos de Betania — Si Santa Marta, na tumanggap sa kanyang tahanan sa Betania, malapit sa Jerusalén, sa Panginoong Jesucristo na kung saan ang kanyang kapatid na si Lázaro na binuhay na muli ay nagpahayag na "Ikaw ang Cristo, ang Anak ng Diyos na buhay, na pumarito sa mundo”.

Ginugunita din ang mga Santo na sina San Lázaro, kapatid ni Marta, na noong malaman ng Panginoon na pumanaw ay Kanyang tinangisan at Kanyang binuhay na mag-uli, at si Santa María, na kanyang kapatid, na samantalang si Marta ay nagagahol at abala sa paghahanda, ay naupo sa paanan ng Panginoon, para makinig sa Kanyang mga salita.

(Martirologio Romano 2001)

Ang imagen ni Santa Marta de Betania ay nasa pangangalaga ng FAMILIA ALONZO. Ang imagen naman ni San Lázaro de Betania ay sa FAMILIA LÁPIG Y FLORES. At ang imagen ni Santa María de Betania ay sa FAMILIA MENDOZA — mga hermanos ng Hermandad y Cofradía de la Sagrada Pasión y María Santísima de la Esperanza Macarena.

Taos-puso naming inaalala ang inyong pagtatalaga sa kauna-unahang Junta de Gobierno ng Hermandad noong Viernes de Dolore...
22/07/2026

Taos-puso naming inaalala ang inyong pagtatalaga sa kauna-unahang Junta de Gobierno ng Hermandad noong Viernes de Dolores 2003, isang makasaysayang sandali na naging matibay na pundasyon ng aming kapatiran, at pinahahalagahan ang inyong pagiging ama at gabay hindi lamang sa aming samahan kundi sa buong Diyosesis ng Malolos.

Patuloy naming isinasapuso ang inyong paalala na ipagtanggol, ipalaganap, at mahalin ang debosyon sa Mahal na Virgen. Ang inyong makahulugan at nagbibigay-inspirasyong mga homiliya tuwing kayo ang nagdiriwang ng Banal na Misa para sa Virgen de la Esperanza Macarena ay naging malaking inspirasyon sa pagpapalalim ng aming pananampalataya at pagmamahal sa Mahal na Ina.

Dalangin namin na patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, karunungan, at lakas sa inyong paglilingkod sa Simbahan. Sa pamamagitan ng Nuestra Señora de la Esperanza Macarena, nawa’y pagkalooban pa kayo ng marami pang taon ng mabunga at mapagpalang paglilingkod.

Maligayang Kaarawan po, Archbishop Roly! Ad multos annos! 💚⚓️

Address

0822 Gov. Fortunato Halili Avenue, Santa María
Santa Maria
3022

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Hermandad de la Sagrada Pasión y Esperanza Macarena posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Hermandad de la Sagrada Pasión y Esperanza Macarena:

Shortcuts

Share