04/10/2026
Sa buhay ng mga Santo, makikita natin na ang kabanalan ay nasa simpleng pamumuhay, pagtulong, pagmamahal, pagsasakripisyo, at pagsunod sa Diyos araw-araw.
Kaya naman, muling inihahandog ng Komisyon ng Kabataan ng Blessed Sacrament Parish ang isang exhibit para sa isang makabuluhang paglalakbay sa pananampalataya: ang 𝑨𝒍𝒍 𝑺𝒂𝒊𝒏𝒕𝒔’ 𝑫𝒂𝒚 𝑬𝒙𝒉𝒊𝒃𝒊𝒕: 𝑳𝒊𝒗𝒊𝒏𝒈 𝒕𝒉𝒆 𝑼𝒍𝒕𝒊𝒎𝒂𝒕𝒆 𝑱𝒐𝒖𝒓𝒏𝒆𝒚 𝟐.𝟎 na gaganapin sa Blessed Sacrament Parish sa ika-8 ng Nobyembre.
Sa pamamagitan ng iba’t ibang istasyon, inaanyayahan namin kayong mas kilalanin ang buhay at pananampalataya ng ating mga Santo. Sa paglalakbay na ito, matutuklasan natin ang kanilang mga kwento, mga pagsubok, sakripisyo, at mga aral na maaari rin nating dalhin sa sarili nating buhay.
⚜ ALL SAINTS’ DAY EXHIBIT: LIVING THE ULTIMATE JOURNEY 2.0
📍 Blessed Sacrament Parish
⏱ November 8, 2026
Maaari po kayong pumili ng oras sa pagbisita:
⏱: 9:00 AM - 11:00 AM
2:00 PM - 4:00 PM
7:00 PM - 9:00 PM
Ang bawat ticket po ay nagkakahalaga ng ₱100. Ang lahat ng malilikom mula sa aktibidad na ito ay ilalaan para sa Panunuluyan 2026 at sa mga susunod na programa at gawain ng Komisyon ng Kabataan.
🎟 Para sa mga nais makiisa sa exhibit, maaari kayong mag-avail ng tickets sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe sa aming page o magpunta sa aming Ticket Booth Corner na matatagpuan sa labas ng Blessed Sacrament Parish tuwing araw ng Linggo, sa mga oras ng Banal na Misa.