18/05/2025
Mula sa kaibuturan ng aming puso,
Ipinaaabot po namin ang aming taos-pusong pasasalamat sa bawat isa sa inyo na naging bahagi ng ating makulay at pinagpalang selebrasyon ng Flores de Mayo. Tunay pong naging isang matagumpay at di malilimutang pagdiriwang ito dahil sa inyong presensya, suporta, at pakikiisa.
Sa mga taong nag-alay ng kanilang talento, oras, at tulong upang maging maayos at maganda ang ating pagdiriwang. Sa mga naghanda ng mga bulaklak, sa mga nag-ayos ng ating simbahan, sa mga tumulong sa prosesyon, at sa lahat ng nagbigay ng kanilang sariling paraan upang makatulong, kayo po ay tunay na kahanga-hanga. π₯Ήπ©·
Sa aming mga pinagpala na Sponsors:
β’ Cong. Ador Pleyto
β’ Kon. Lito Jacinto
β’ Palms & Sands Private Resort
β’ Our yearly florist, Kuya Francis Cristobal
β’ Our artificial flowers provider, Frasca Events & Styling
β’ EIB Chicharon
β’ Toni Rose Santiago
β’ Wenie Cristobal
β’ Ms. BTMS 2025, Hannah Kim Fernandez & Family
β’ Kuya Thon Galura
β’ Santa Maria Tourism Council
β’ Barangay Guyong Tanod
β’ Fiesta Committee
β’ SPPC - Guyong Proper
β’ Altar Servers
β’ Our sound system provider, Ate Jane Sarza
Dalangin namin na ang bawat butil ng inyong kabutihan ay bumalik sa inyo ng masaganang pagpapala, kaligayahan, at walang hanggang biyaya. Hayaan po ninyo na ang Mahal na Ina ang siyang magpala at magbalik ng lahat ng inyong kabutihang loob.
Muli, maraming salamat po sa inyong lahat! Nawaβy maging masagana at puno ng pagpapala ang ating mga buhay. π©·πΈβ¨
SPPC - Guyong Proper and Guyong Youth Organization - GYO with this year's Reyna Delas Flores, Bb. Aika Tenish Cariga ππΈ