02/03/2024
𝑺𝒊 𝑨𝒏𝒈𝒆𝒍𝒆𝒔 𝒔𝒂 𝑨𝒏𝒊𝒍𝒂𝒈
Halina’t ating samahan ang ating Ina, Reyna at Patrona ng ating bayang Santa Maria, Nuestra Señora delos Angeles, sa kanyang pakikiisa sa Marian Procession na lalahukan ng ibat ibang Birhen sa Laguna sa pagsisismula ng Anilag Festival na gaganapin sa March 10, 2024.
Ang prusisyon ay sa ganap na ika-4 ng umaga at magmumula sa Immaculate Conception Parish, Santa Cruz, Laguna sa salubungin ang Ina ng Lawa ng Laguna ang Mahal na Birhen ng Turumba at tutungo sa Anilag Festival ground. Pagkatapos ay magkakaroon ng Banal na Misa na pangunguna ni Mons, Rev. Jerry Bitoon sa ganap na ika-7 ng umaga.
Ang lahat po ay inaanyayahan na makiisa!
Viva Virgen delos Angeles!