30/08/2026
๐ฌ๐ฉ๐จ๐ต๐ฎ๐ฏ๐ฌ๐ณ๐๐ถ ๐ต๐ฎ๐จ๐๐ถ๐ต๐ฎ ๐ณ๐ฐ๐ต๐ฎ๐ฎ๐ถ
๐ด๐๐๐ ๐๐ ๐ฌ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐ ๐๐:๐๐โ๐๐
Nagsimulang ipakita ni Hesus sa kaniyang mga alagad na kailangan niyang pumunta sa Jerusalem at maghirap nang lubos sa kamay ng mga matatanda, mga punong pari, at mga tagapagturo ng Kautusan. Siya ay papatayin ngunit muling mabubuhay sa ikatlong araw.
Kinuha ni Pedro si Hesus nang mag-isa at pinagsabihan siya: โIligtas ka ng Diyos, Panginoon! Huwag na huwag mangyayari iyan sa iyo.โ
Ngunit lumingon si Hesus at sinabi kay Pedro: โLumayo ka sa akin, Satanas! Ikaw ay hadlang sa akin. Hindi ang pag-iisip ng Diyos ang nasa iyo, kundi pag-iisip ng tao.โ
Pagkatapos ay sinabi ni Hesus sa kaniyang mga alagad: โKung nais sinumang sumunod sa akin, itakwil niya ang kaniyang sarili, pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin. Sapagkat kung sino ang nagnais na iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito; ngunit kung sino ang mawalan ng buhay dahil sa akin ay matatagpuan ito. Ano nga bang mapapala ng tao kung makamit niya ang buong sanlibutan ngunit mawala naman ang kaniyang buhay? O ano ang maibabayad ng tao kapalit ng kaniyang buhay? Darating ang Anak ng Tao kasama ang kaniyang mga anghel sa kaluwalhatian ng kaniyang Ama, at gagantimpalaan niya ang bawat isa ayon sa kanilang ginawa.
Gospel Text by: Carlh Jadormio
Translation by: Lheian Joy Sapguian