08/01/2025
Enero 9 2025
NEW GENERATION FOR CHRIST - DEVOTION
Nakatakbo ka na ba sa isang marathon?
Katulad ng isang runner, nagpapamalas ka ng strength sa iyong pagtakbo. Kung ihahalimbawa ang buhay ng isang tao sa isang marathon, sigurado ibat-ibang pagsubok na ang iyong nalampasan sa iyong bawat paghakbang, sigurado malayo na ang iyong narating.
Pero kumusta ka na ba?
Kagaya ba ng isang runner ay unti-unti ka ring nakakaramdam ng panghihina? Marahil minsan na ring sumagi sa isipan mo na baka malayo pa ang finish line at hindi na kayanin ng natitirang lakas na mayroon ka. O baka nagiging marahan din ang epekto ng pagod sa iyong katawan dulot ng walang tigil mong pakikipagsapalaran at pagbitaw sa mga bagay na hindi mo na kailangan sa kalagitnaan ng iyong pagpunta sa destinasyon.
Kapatid, ito ang tandaan mo, kung nakakaranas ka man ng pagod sa kalagitnaan ng pagtakbo, kalungkutan sa pagbitaw, o matinding pangamba patungkol sa kung saan ka papunta, maalala mo nawa na ito ay hindi mo laban na ikaw lang mag-isa.
Oo, hindi ka mag-isa.
Sa kabila ng isang taong patuloy na tinatahak ang direksyong inilaan para sa kaniya, alam kong minsan napapagod ka rin. Normal lang 'yan dahil sabi nila tao ka lang naman, may limitasyon. Ngunit tandaan mo na kagaya ng isang marathon, hindi lang ikaw ang mag-isang tumatakbo, palagi kang may kasama. Isang kasama na magpapaalala sa iyo na okay lang ang mapagod at magpahinga, okay lang umiyak kapag nakakaramdam na ng panghihina. Okay lang mahuli, hindi mo naman kailangang mangamba at subukan na palaging sabayan ang iba.
"Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas"
Sa kabila ng pagod at panghihina ay may nakaabang na pangakong kalakasan.
Dahil minsan, kahit may mga bagay ka man na hindi inaasahan sa panahon ng iyong pagtakbo, may isa namang lakas na aalalay sa iyo.
Kahit na takot ka kung saan ka na papunta at hindi ka na sigurado, matutunan mo sanang huminto at kausapin Siya. Matutunan mo sanang magtiwala at bumangon kasama ang ideya na hindi ka Niya ilalagay sa sitwasyon na hindi mo kaya.
He will strengthen you
He will give you joy
He will let you finish the race
Madapa ka man sa kalagitnaan ng pagtakbo
o kaya'y umiyak sa pagitan ng mga taong nauuna na sa iyo
Hindi ka nag iisa.
God will be there along the journey.
Ang lakas ay nababawasan ngunit hindi mauubos.
Ang pagsubok ay dinadaanan at hindi magiging tahanan.
Dear runner, put your trust in God
for He will always restore you no matter what.
โ๏ธ: Charmel Esteban, Diana V.