15/02/2026
K U M U S T A A N G I Y O N G P U S O? ♥️.................................
Natagpuan mo na ba ang 'the one'? Ang tunay na Pag-ibig na ninanais mo?
Inaanyayahan kitang basahin ang 1 John 4:9–11, malinaw na ipinahayag na ang tunay na pag-ibig ay matatagpuan sa Diyos. Ipinakita Niya ang Kanyang pag-ibig nang isinugo Niya ang Kanyang bugtong na Anak upang tayo’y magkaroon ng buhay sa pamamagitan Niya. Hindi tayo ang unang umibig; ang Diyos ang unang nagmahal sa atin. Ayon sa 🏷️Isaiah 63:9, sa lahat ng ating kapighatian ay hindi Niya tayo iniwan—dahil sa Kanyang pag-ibig at habag ay Kanyang iniligtas at kinalong tayo. At gaya ng sinasabi sa 🏷️Efeso 1:5, tayo ay Kanyang pinili at inampon bilang Kanyang mga anak dahil sa Kanyang dakilang pag-ibig.
Kung gayon, kanino matatagpuan ang tunay na pag-ibig? Sa Diyos lamang—ang pag-ibig na handang magsakripisyo, magpatawad, at magligtas. Kaya bilang mga tumanggap ng Kanyang pag-ibig, tayo rin ay tinatawag na magmahalan. Tulad ng hamon sa 🔥Efeso 5:2, mamuhay tayo sa pag-ibig, gaya ni Kristo na nagmahal at naghandog ng Kanyang sarili para sa atin. Ang tunay na pag-ibig ay hindi lamang salita, kundi isang buhay na handang magbigay para sa iba.
02.14.2026
♥️🔥