Living Grace Church

Living Grace Church Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Living Grace Church, Santa Cruz.

Jesus Christ the same yesterday, and today, and forever. -Hebrews 13:8
10/08/2026

Jesus Christ the same yesterday, and today, and forever. -Hebrews 13:8

10/08/2026

π‚πžπ₯πžπ›π«πšπ­πž π‹πˆπ…π„ π“π¨ππšπ²!

"Lord, why?" is a question in mind when we don't understand why things happen, why our prayers feel unanswered, or why God allows us to walk through certain seasons. Most of us rely on what we can see and understand, and we forget that God is working behind everything and He just wants us to trust Him even when we can't see the whole picture or what is behind that situation. Our understanding is limited, but His wisdom is perfect.

When we start trusting the Lord with all our hearts, we don't need to worry anymore as we surrender all of our plans and worries to Him. We may not understand it all, but God knows what we do not know and sees what we can't see. All we need to do is to acknowledge Him always, in all ways.

Remember that even though we don't know what tomorrow holds, we're blessed because He is the one who holds tomorrow. For as long as God is leading us, we can trust that every step has a purpose. So, let us keep moving forward, not because we know what lies ahead, but because we know that God is already there.

Ephesians 4:13-15[13]Till we all come in the unity of the faith, and of the knowledge of the Son of God, unto a perfect ...
10/08/2026

Ephesians 4:13-15
[13]Till we all come in the unity of the faith, and of the knowledge of the Son of God, unto a perfect man, unto the measure of the stature of the fulness of Christ:
14]That we henceforth be no more children, tossed to and fro, and carried about with every wind of doctrine, by the sleight of men, and cunning craftiness, whereby they lie in wait to deceive;
[15]But speaking the truth in love, may grow up into him in all things, which is the head, even Christ:

04/08/2026

π‚πžπ₯πžπ›π«πšπ­πž π‹πˆπ…π„ π“π¨ππšπ²!

There are moments in our lives when we find ourselves in situations that are difficult, baffling, faith-testing, and overwhelming. Whatever situation we face, we are called to be content. Contentment isn't something we are born with; it is something we learn, often through the most difficult seasons of life.

In those times, God gently reminds us that our strength does not come from ourselves but from Christ alone. The strength that He gives is not merely the power to overcome challenges but also the grace to remain faithful in the midst of every situation. Trusting God instead of relying on our own strength is what changes our perspective.

We may not always understand God's plan, but we can always trust His heart. His faithfulness has never been dependent on our circumstances but on His unchanging character. Know that He who has sustained us in the past is the same God who will faithfully carry us until the very last.

π‚πžπ₯πžπ›π«πšπ­πž π‹πˆπ…π„ π“π¨ππšπ²!May iba't iba tayong kahilingan sa Diyos, tulad ng mga pagpapala, oportunidad, tagumpay, at iba pa....
27/07/2026

π‚πžπ₯πžπ›π«πšπ­πž π‹πˆπ…π„ π“π¨ππšπ²!

May iba't iba tayong kahilingan sa Diyos, tulad ng mga pagpapala, oportunidad, tagumpay, at iba pa. Kapag ipinagkaloob na ng Panginoon ang mga ito sa atin, akala natin ay tapos na ang lahat, ngunit doon pa lamang nagsisimula ang tunay na hamon. Ang tanong ay hindi lamang kung paano natin ito natanggap, kundi kung paano natin ito pangangalagaan.

Hindi natatapos ang Kaniyang pagpapala sa sandaling tinanggap natin ang Kaniyang biyaya; nagpapatuloy ito sa paraan ng ating pamumuhay araw-araw. Ang Diyos ay hindi lamang tumitingin sa dami ng ating natanggap, kundi sa kung paano natin ito ginagamit para sa Kaniyang kaluwalhatian. Ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa dami ng biyaya, kundi sa katapatan nating mamuhay ayon sa Kaniyang kalooban.

Kaya habang patuloy tayong humihiling sa Kaniya ng mga pagpapala, matuto rin tayong humiling ng karunungan, disiplina, at pusong mapagpakumbaba. Ang bawat biyayang ipinagkatiwala Niya sa atin ay isang pagkakataon upang ipakita ang Kaniyang kabutihan sa pamamagitan ng ating buhay. Sapagkat ang Diyos ay hindi lamang naghahanap ng mga taong pinagpapala, kundi ng mga taong mapagkakatiwalaan.

π‚πžπ₯πžπ›π«πšπ­πž π‹πˆπ…π„ π“π¨ππšπ²!May mga bagay sa ating buhay na hindi natin maunawaan kung bakit pinapayagan o ginagawa ito ng Diyo...
20/07/2026

π‚πžπ₯πžπ›π«πšπ­πž π‹πˆπ…π„ π“π¨ππšπ²!

May mga bagay sa ating buhay na hindi natin maunawaan kung bakit pinapayagan o ginagawa ito ng Diyos sa atin. Katulad ni Pedro, madalas tayong magduda kapag hindi tugma sa ating inaasahan ang paraan ng Diyos. Minsan, akala natin na ang paghingi ng tulong ay kahinaan, ngunit ito pala ay pagpapakita ng tunay na relasyon sa Kanya na nangangailangan ng pagpapakumbaba at pagtitiwala.

Ang paghuhugas ng paa ay hindi lamang simpleng paglilingkod; ito rin ay sumasagisag sa paglilinis at pagtanggap sa biyaya ng Diyos. Hindi natin kayang linisin ang ating sarili nang lubusan, kaya kailangan nating hayaan si Jesus na Siya ang magbago, magpagaling, at maglinis sa atin. Kailangan nating magpakumbaba at hayaang si Jesus ang kumilos sa ating buhay.

Sa ating kababaang-loob, mas naipapakita natin ang tunay na paglilingkod at pamumuno; ang kahandaang magsilbi nang walang hinahangad na papuri, kapangyarihan, o posisyon. Ang pagsunod kay Jesus ay pagtalikod sa ating sariling mga hangarin at interes na maging mataas sa paningin ng iba. Ito ay paglilingkod na walang hinihintay na kapalit at may layuning si Jesus lamang ang maitataas at mapapurihan. Sapagkat sa huli, ang tunay na kadakilaan sa kaharian ng Diyos ay hindi matatagpuan sa rurok ng tagumpay o kapangyarihan, kundi sa lalim ng ating pagpapakumbaba, paglilingkod, at katapatan sa Kanya.

π‚πžπ₯πžπ›π«πšπ­πž π‹πˆπ…π„ π“π¨ππšπ²!May mga pagkakataon sa ating buhay na napakadaling magpasalamat, lalo na kapag natutupad ang ating ...
13/07/2026

π‚πžπ₯πžπ›π«πšπ­πž π‹πˆπ…π„ π“π¨ππšπ²!

May mga pagkakataon sa ating buhay na napakadaling magpasalamat, lalo na kapag natutupad ang ating mga pangarap, kapag maayos ang ating kalagayan, o kapag malinaw nating nakikita ang Kaniyang mga pagpapala. Ngunit may mga panahon ding nakakalimot tayong magpasalamat dahil nahaharap tayo sa mabibigat na sitwasyon, puno ng luha ang ating mga mata, at tila tahimik ang langit sa ating mga panalangin. Subalit ang ating pagpapasalamat ay hindi dapat nakabatay sa ating sitwasyon o nararamdaman, kundi sa hindi nagbabagong katangian ng Diyos, sapagkat Siya ay mabuti noon, mabuti ngayon, at mananatiling mabuti magpakailanman.

Ang pag-ibig ng Diyos ay hindi kagaya ng pag-ibig ng tao na maaaring magbago o mawala; ang Kaniyang pag-ibig ay nananatili sa lahat ng panahon. Sa tuwing tayo'y nalulungkot, Siya ang ating mang-aaliw; sa tuwing tayo'y naliligaw, Siya ang ating gabay; at sa tuwing tayo'y nanghihina, Siya ang nagbibigay sa atin ng lakas. Tunay ngang napakaraming dahilan upang tayo ay magpasalamat sa Kaniya.

Nawa'y hindi lamang maging ugali natin ang magpasalamat kapag maganda ang takbo ng ating buhay, kundi maging paraan ito ng ating pamumuhay. Sapagkat habang mas kinikilala natin ang kabutihan ng Diyos, mas lalo nating nauunawaan na ang Kaniyang presensya ang pinakadakilang pagpapalang hindi kailanman mawawala. Sa bawat hininga, sa bawat bagong umaga, at sa bawat pagkakataong ipinagkakaloob ng Diyos, nawa'y patuloy nating ipahayag: "Salamat, Panginoon, sapagkat Ikaw ay mabuti, at ang Iyong tapat na pag-ibig ay magpakailanman."

π‚πžπ₯πžπ›π«πšπ­πž π‹πˆπ…π„ π“π¨ππšπ²!Ang tunay na kalakasan ay hindi nagmumula sa ating sariling kakayahan, kundi sa ating lubos na pagt...
06/07/2026

π‚πžπ₯πžπ›π«πšπ­πž π‹πˆπ…π„ π“π¨ππšπ²!

Ang tunay na kalakasan ay hindi nagmumula sa ating sariling kakayahan, kundi sa ating lubos na pagtitiwala at pagdepende sa Diyos. Hindi natin kailangang itago ang ating mga kahinaan, sapagkat ito ang nagiging daan upang higit na mahayag ang kapangyarihan ng Diyos sa ating buhay. Hindi tayo tinawag ng Diyos upang maging perpekto o maging malakas sa ating sarili.

Nais ng Panginoon na magkaroon tayo ng pusong mapagkumbaba at handang magtiwala sa Kaniya. Sa ating pagpapakumbaba, mas natututo tayong isuko sa Kaniya ang ating mga alalahanin, takot, at mga bagay na hindi natin kayang kontrolin. Kapag ang ating puso ay lubos na nagtitiwala sa Diyos, mas malinaw nating nakikita ang Kaniyang katapatan at kapangyarihang kumikilos sa bawat sitwasyon ng ating buhay.

Hindi sa ating lakas, hindi rin sa ating galing, kundi sa Banal na Espiritu. Ang Banal na Espiritu ang siyang gagabay at magbibigay sa atin ng lakas upang harapin ang mga pagsubok nang may buong pananampalataya at kapayapaan. Sa tuwing tayo'y mahina o may pagkukulang, ang Diyos ang Siyang pupuno sa atin ng Kaniyang biyaya, pag-ibig, at kapangyarihan.

π‚πžπ₯πžπ›π«πšπ­πž π‹πˆπ…π„ π“π¨ππšπ²!Through His grace alone, He gives us the strength, wisdom, and courage to keep moving forward in li...
29/06/2026

π‚πžπ₯πžπ›π«πšπ­πž π‹πˆπ…π„ π“π¨ππšπ²!

Through His grace alone, He gives us the strength, wisdom, and courage to keep moving forward in life. We often think that we need to be strong, capable, and have everything under control before God can use us. However, when we embrace and acknowledge our weaknesses and choose to depend on Him, His power shines the brightest.

God's grace is His unearned favor, love, and mercy poured out upon us, not because we deserve it, but because of who He is. His grace is never limited; it never runs out when we struggle or fail. When our strength reaches its limit, remember that God's grace has only just begun.

We are now living in His grace. It is not about living a perfect life but about living a life that continually depends on His perfect grace. A life lived in God's grace no longer asks, "Am I enough?" because it has learned that Christ is more than enough.

π‚πžπ₯πžπ›π«πšπ­πž π‹πˆπ…π„ π“π¨ππšπ²!Love must be the foundation of everything that we do in our lives. Whether we are studying, working...
22/06/2026

π‚πžπ₯πžπ›π«πšπ­πž π‹πˆπ…π„ π“π¨ππšπ²!

Love must be the foundation of everything that we do in our lives. Whether we are studying, working, interacting with others, bonding with our loved ones, serving in ministry, or anything; our actions should be the reflection of God's love. It is easy to do things out of obligation, recognition, or for personal gains, but God wants us to act with a sincere heart that is motivated by love.

Love isn't just a feeling but rather a choice that is shown through our words, attitudes, and actions. Whenever we choose patience over anger, forgiveness over bitterness, and kindness over selfishness, it is not ourselves; it is God's love and grace that reflects through us. His love will transform our ordinary actions into powerful testimonies of His presence.

Even our simplest gestures of kindness, patience, and compassion can make a big difference in someone's life and bring glory to our God. As we walk through our life, may we be reminded that no act done in love is ever wasted through God's eyes. May His love and peace fill our hearts and minds.

Address

Santa Cruz
4009

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Living Grace Church posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share