11/09/2026
πππππππ ππ ππππππ ππ πππππ ππ πππ
September 10, 2026
Matapos ang tatlong araw ng pananatili sa ating Parokya, taimtim nating hinatid ang Imahen ng Banal na Awa sa susunod nitong hantungan, ang Immaculate Conception Parish sa Santa Cruz, Laguna, noong Setyembre 10, 2026.
Sa maikling panahong ipinagkaloob sa atin ang presensya ng banal na imahen, naging daan ito upang higit nating mapalalim ang ating pananalangin, pagninilay, at pagtitiwala sa walang hanggang awa ng Diyos.
Sa paghayo ng Imahen ng Banal na Awa mula sa ating Parokya, nawaβy hindi lamang isang alaala ang maiwan sa atin, kundi isang patuloy na paanyaya na isabuhay ang habag, pagpapatawad, at pagmamahal ni Hesus sa bawat isa.
Nawaβy magpatuloy ang paglalakbay ng mensahe ng Banal na Awa sa bawat pamayanan at maging daan upang mas marami pang puso ang makatagpo at magtiwala sa walang hanggang pag-ibig ng Diyos.
HESUS, AKO AY NANANALIG SA IYO!