27/02/2026
HOPE IN THE FACE OF SIN
Lord, I have sinned again.
Nagkasala nanaman ako.
Sa salita, Sa isipan at sa gawa.
How many times did you asked yourself?
"Bakit minsan nauulit ko paring ginagawa?"
"Bakit minsan kumakagat parin ako sa kasalanan?"
"Bakit minsan napaka-hirap?"
"Baka hindi talaga ako ligtas?"
I’m tired of failing God daily. 🧎🏻♂️😭
Nasasawa na ako,
Nakakahiya na ako,
Paulit-ulit nalang.
As I grew in my Christian walk, sobrang dami ng pumapasok sa isipan ko.
“Tama pa ba ginagawa ko?”
“Napapasaya ko pa ba ang Diyos?”
Personally, I struggle on my sin.
Minsan sobrang unaware na ako sa mga kasalanan ko at most of the time sobrang aware ako. Well, you see, I’m not trying to be holy, but to live holy for His glory.
Should i condemn myself? Of course not!
Should i Judge my other fellow brethren? Of course not!
Nakakatuwa lang Bakit?
Di na tulad ng dati kapag nakakagawa ng kasalanan sa halip na humingi ng tawad nagpapatuloy pa.
Pero ngayon kapag nakagawa ng kasalanan
nag aalala na tayo baka galit na ang Diyos o baka nasasaktan na siya, kaya agad humihingi tayo ng kapatawaran sa kanya at nangangako na hindi na uulitin pa.
Ang layo na sa dating tayo no?
Kapatid, we have to know that we still sin because we are still fallen human beings.
Kahit ano ka pa,
Kahit sino ka pa dika exempted sa kasalanan.
Sabi nga sa (Romans 7:18)
“For I know that nothing good dwells in me, that is, in my flesh. For I have the desire to do what is right, but not the ability to carry it out.”
Kaya you don’t need to condemn yourself dahil nagkasala ka. Kumalma ka.
Normal ang masaktan.
Normal ang ma guilty.
Normal ang matakot.
Alam mo yung hindi normal?
Yung wala ka ng pake sa mga kasalanan mo.
Yung sumasabay kana sa alon ng mundo.
Sabi sa 1 John 1:9
If we confess our sins, he is faithful and just and will forgive us our sins and purify us from all unrighteousness.
Pero kung feeling mo guilty ka pa rin sa kasalanan mo after you prayed, after you repented, kinocondemn mo parin ang sarili mo.
THAT'S THE LIE OF THE ENEMY!
(Wag ka makinig sa bulong ng kaaway kapatid!)
Ang Diyos hindi nakatingin sa kung gaano kalaki ang nagawa mong kasalanan.
Nakatinging ang Diyos sa taong may willingness mag repent.
And since na ask mo na sa Lord ang forgiveness na hinihingi mo sa kanya.
Sabi ni Jesus Christ sa John 14:14
You may ask me for anything in my name, and I will do it.
So ibig sabihin kung nag ask na tayo sa Lord ng Forgiveness sa specific sin na hiningian natin ng patawad.
Jesus Christ will immediately Forgive us. ❤️
Sabi nga sa Mark 11:24
Therefore I tell you, whatever you ask for in prayer, believe that you have received it, and it will be yours.
Ibig sabihin kapag humingi tayo ng kapatawaran sa kasalanang nagawa natin kailangan maniwala tayo na natanggap na natin ito.
Dapat maniwala ka na napatawad kana ng Lord.
Dahil magkakaroon lang ito ng buhay sa buhay natin if we believe on it.
Kaya, magpatuloy parin tayo.
Walang pinagkaiba ang pinag-dadaanan ko at sa’yo. We are all stumble.
Nagkakasala parin tayo but a true follower of Christ will always SEEK FOR HIS HELP.
SO BELIEVE WHAT YOU PRAYED FOR.
God Bless you Kapatid!!🙌🏻☝🏻✨