Saint Michael the Archangel Parish Youth Ministry - Sta. Cruz, Zambales

Saint Michael the Archangel Parish Youth Ministry - Sta. Cruz, Zambales Empowering youth, spreading love. St.

Michael the Archangel Parish Youth Ministry is dedicated to fostering spiritual growth and community service among young people. ๐Ÿ™๐ŸŒŸ

email : [email protected]
contact number : 09557550457

29/08/2026
FIESTA SHIRT 2026 UPDATE Available na po ang first batch ng ating FIESTA SHIRT 2026, ngunit limited sizes only po ang av...
29/08/2026

FIESTA SHIRT 2026 UPDATE

Available na po ang first batch ng ating FIESTA SHIRT 2026, ngunit limited sizes only po ang available sa ngayon.

Para po sa mga nais pang mag-avail, maaari po kayong pumunta sa Parish Office at makipag-ugnayan sa aming opisina.

Available rin po ang kid sizes through pre-order para sa mga magulang na nais ding mabilhan ang kanilang mga anak.

Makikita po sa ibaba ang size chart para sa inyong reference.

Isang damit para sa pananampalataya, isang ambag para sa kabataan.

Viva, Ama San Miguel!
Para sa pananampalataya. Para sa pagkakaisa. Para sa kabataan.

โ€œMILALAMO, MILALABIโ€

Para sa iba pang impormasyon, maaring makipag-ugnayan kay Warren Misa(https://www.facebook.com/share/1cJCDwNtLs/?mibextid=wwXIfr ), BPC President, Barangay Youth Coordinators.

Maraming salamat po, Godbless and Keep Safe po!

28/08/2026

๐—ข๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข ๐—œ๐— ๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ง๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—›๐—ข๐—ก ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—š๐—ฌ๐—ข

Amang Makapangyarihan, nilikha Mo at nilagyan ng kaayusan ang mundong walang hugis sa simula. Nang ang mga alagad ng iyong Anak ay naharap sa malakas na unos sa dagat sa Galilea, inutusan niyang huminto ito. Ang unos ay tumalima at ang mga alagad ay napanatag.

Ngayong kamiโ€™y nahaharap sa sunod-sunod na ulan dala ng bagyo't habagat, dasal namiโ€™y ipagsanggalang kami sa hagupit ng unos at pinsalang dulot ng bagyo, bigyan ng kapanatagan ang aming kalooban at sa iyong kapangyarihan, ibalik ang kaayusan at kapayapaan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

San Miguel Arkanghel, ilipias mo cami sa salban ao - anib!

PABATIDBilang paghahanda sa papalapit na Kapistahan ni Ama San Miguel Arkanghel, inilulunsad ang ating Fiesta Shirt 2026...
25/08/2026

PABATID

Bilang paghahanda sa papalapit na Kapistahan ni Ama San Miguel Arkanghel, inilulunsad ang ating Fiesta Shirt 2026 bilang pagpapakita ng pagkakaisa, pananampalataya, at pagmamahal sa ating patron.

Sa pamamagitan ng pagbili at pagsusuot ng ating Fiesta Shirt, hindi lamang tayo nakikiisa sa makabuluhang pagdiriwangโ€”nakakatulong din tayo sa ating mga kabataan.

Ang malilikom po na pondo mula sa Fiesta Shirt 2026 ay ilalaan para sa mga programa at pangangailangan ng mga kabataan, bilang suporta sa pag-unlad, talento, at aktibong pakikilahok sa ating pamayanan at parokya.

Kaya naman, hinihikayat ang bawat isa na makibahagi, bumili, at magsuot ng Fiesta Shirt 2026 bilang tanda ng ating sama-samang debosyon at malasakit sa susunod na henerasyon.

Isang damit para sa pananampalataya, isang ambag para sa kabataan.

Viva, Ama San Miguel!
Para sa pananampalataya. Para sa pagkakaisa. Para sa kabataan.

โ€œMILALAMO, MILALABIโ€

Para sa iba pang impormasyon, maaring makipag-ugnayan kay Warren Misa(https://www.facebook.com/share/1cJCDwNtLs/?mibextid=wwXIfr ), BPC President, Barangay Youth Coordinators.

"Ang tunay na pamumuno ay hindi nagsisimula sa kagustuhang manguna, kundi sa kahandaang maglingkod at magsakripisyo." Ay...
24/08/2026

"Ang tunay na pamumuno ay hindi nagsisimula sa kagustuhang manguna, kundi sa kahandaang maglingkod at magsakripisyo."

Ayon kay Maโ€™am Edna M. Misola (Parish Youth Adviser), ang pagiging isang leader ay hindi madaling pagsubok. Sa bawat hakbang, kinakailangan ang pagsasakripisyoโ€”sa sarili, sa lipunan, at maging sa pakikipagkaibigan. Higit sa lahat, ang isang mahusay na pinuno ay marunong munang sumunod bago magpasunod.

Nawa'y maging paalala ito sa bawat kabataan na ang paglilingkod sa Diyos at kapwa ay patuloy na paghubog ng ating puso at pagkatao.

IN PHOTOS | PYGA 2026 Kamusta mga Kasangkay?Narito ang mga kuhang larawan sa natapos na Parish Youth General Assembly no...
24/08/2026

IN PHOTOS | PYGA 2026

Kamusta mga Kasangkay?

Narito ang mga kuhang larawan sa natapos na Parish Youth General Assembly noong nakaraang araw, nagkaroon ba kayo ng mga bagong kaibigan?

Tunay ngang mas masaya ang paglilingkod kapag kasama ang mga bagong kaibigan at kapwa kabataan sa pananampalataya. Sama-sama nating balikan ang masasayang sandali, tawanan, kwentuhan, at mga bagong alaala na ating nabuo.

Maraming salamat sa lahat ng nakibahagi at naging bahagi ng ating pagtitipon! Nawaโ€™y magsilbing simula ito ng mas matibay na pagkakaibigan at mas aktibong paglilingkod sa ating Parokya.

Kaya, mga Kasangkay, hanapin ang inyong mga larawan at i-tag ang inyong mga kaibigan!

โ€œSama-sama tayong maglakbay bilang kabataan ng Diyos.โ€ Isang makabuluhang mensahe mula sa ating Parish Youth Director, F...
23/08/2026

โ€œSama-sama tayong maglakbay bilang kabataan ng Diyos.โ€

Isang makabuluhang mensahe mula sa ating Parish Youth Director, Fr. Ton Donayre, sa naganap na Parish Youth General Assembly kahapon.

Nawaโ€™y patuloy tayong magkaisa, maglingkod, at maglakbay bilang isang kabataan ng Diyos. Sa bawat pagsubok, sakripisyo, at pagsisikap, nawaโ€™y maging bunga ito hindi lamang sa harap ng Diyos, kundi maging sa harap ng bawat isa sa atin.

IN PHOTOS | PYGA 2026 ~ PILGRIMAGE WITH SANGKAY Kamusta mga Kasangkay? Sa naganap na paglalakbay kahapon nawa ay ating n...
23/08/2026

IN PHOTOS | PYGA 2026 ~ PILGRIMAGE WITH SANGKAY

Kamusta mga Kasangkay?

Sa naganap na paglalakbay kahapon nawa ay ating napagtibay si Hesukristo bilang ating tunay na SANGKAY, na kasama nating naglalakbay sa ating pananampalataya at misyon.

Sana ay mas nadama natin ang tunay na pakikipagkaibigan kay Hesus sa pamamagitan ng mga personal na patotoo, pagbabahagi ng pananampalataya, at pakikisama sa ating mga kapwa lider ng kabataan sa ating parokya, nawa rin ang aktibidad na ito ay magbigay-inspirasyon sa isa't isa upang maging mga misyonerong disipulo.

โ€œI have called you Friendsโ€
-John 15:15

๐—” ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜† ๐—•๐—ฒ๐—น๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐—ฑ ๐—›๐—ฎ๐—ฝ๐—ฝ๐˜† ๐—•๐—ถ๐—ฟ๐˜๐—ต๐—ฑ๐—ฎ๐˜† ๐˜๐—ผ ๐—ž๐—ฎ๐˜๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ฎ!๐ŸฅณThe ๐™Ž๐™ฉ. ๐™ˆ๐™ž๐™˜๐™๐™–๐™š๐™ก ๐™ฉ๐™๐™š ๐˜ผ๐™ง๐™˜๐™๐™–๐™ฃ๐™œ๐™š๐™ก ๐™‹๐™–๐™ง๐™ž๐™จ๐™ ๐™”๐™ค๐™ช๐™ฉ๐™ ๐™ˆ๐™ž๐™ฃ๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™ง๐™ฎ is so grateful for your ti...
21/08/2026

๐—” ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜† ๐—•๐—ฒ๐—น๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐—ฑ ๐—›๐—ฎ๐—ฝ๐—ฝ๐˜† ๐—•๐—ถ๐—ฟ๐˜๐—ต๐—ฑ๐—ฎ๐˜† ๐˜๐—ผ ๐—ž๐—ฎ๐˜๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ฎ!๐Ÿฅณ

The ๐™Ž๐™ฉ. ๐™ˆ๐™ž๐™˜๐™๐™–๐™š๐™ก ๐™ฉ๐™๐™š ๐˜ผ๐™ง๐™˜๐™๐™–๐™ฃ๐™œ๐™š๐™ก ๐™‹๐™–๐™ง๐™ž๐™จ๐™ ๐™”๐™ค๐™ช๐™ฉ๐™ ๐™ˆ๐™ž๐™ฃ๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™ง๐™ฎ is so grateful for your time, energy, and service as our ๐‘ท๐’‚๐’“๐’Š๐’”๐’‰ ๐’€๐’๐’–๐’•๐’‰ ๐‘ป๐’“๐’†๐’‚๐’”๐’–๐’“๐’†๐’“.

May God continue to guide your steps, fulfill the desires of your heart, and shower you with His grace in the year ahead! ๐ŸŽ‚

ps. nalimutan ko po sorreh uwu. peaceโœŒ๏ธ

Address

Brgy. Poblacion South Sta Cruz Zambales
Santa Cruz
2213

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Saint Michael the Archangel Parish Youth Ministry - Sta. Cruz, Zambales posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share