04/02/2023
ILALAGAY ANG IYONG DURA SA PAGITAN NG IYONG MATA KAPAG IKAW AY DUMURA NA NAKAHARAP SA QIBLA❗❗
👉 Sinabi ng Mahal na Propeta: “Sinuman ang magdura sa harap ng Qiblat, pagdating ng araw ng pagkabuhay muli, ang kanyang dura ay nasa sa pagitan ng kanyang mga mata (kanyang mukha” Authentic na Hadith ayon kay Shaikh Albani
👉 Sa ibang salaysay na Hadith: “Huwag dumura ang isa sa inyo sa harap ng kanyang Qiblah, magkagayon siya ay dumura sa bandang kaliwa o sa ilalim ng kanyang paanan” Inulat ni Imam Albukhari
PAALAALA:
☆ Kabilang sa magandahang asal na itinuro ng Islam at kanya itong imungkahi na gawin ay ang pananatili sa kalinisan at kanyang!
☆ Kinamumuhian ang kawalan ng disiplina, pagkakalat ng dumi at ang pagdudura kahit saan.
☆ Hindi ipinahintulot ang pagdudura sa pampublikong lugar higit sa lahat sa mga dinadaanan ng mga tao o sa lugar na kanilang pinagtitipunan (waiting shade etc..).
☆ Ngunit hindi naman ipinagbawal na dumura sa daanan kapag ang dinadaanan ay lupa (alikabok o maputik) maliban kung siya ay maysakit na nakakahawa, Sa ganitong kalagayan ay nararapat niya itong tabunan sa pamamagitan ng kanyang sandalyas o sapatos!
☆ Matinding Ipinagbawal ang pagdura na nakaharap sa Qibla o sa kanyang kanang bahagi.
☆ Kung kinakailangan dumura ay dudura sa kaliwang bahagi o sa ilalim ng kanyang paanan.
👉 Sinabi ni Muazz Bin Jabal: “Simula ng ako ay yumakap sa Islam hinding hindi na ako dumudura sa kanang bahagi”
☆ Hindi lamang pagdudura ang ipinagbawal kundi pati ang pagsusuka at pagdura ng nga-nga (bukod sa ito ay Haram ay nakakasira pa ng kalikasan)
PINAGKUHANAN SA USAPIN:
-حديث: " فلا يَبْزُقَنَّ أحَدُكُمْ قِبَلَ قِبْلَتِهِ، ولَكِنْ عن يَسَارِهِ أوْ تَحْتَ قَدَمَيْه".صحيح البخاري: 405
-و في رواية: " مَنْ تفلَ تِجاهَ القِبْلَةِ ، جاءَ يومَ القيامةِ تفلُهُ بينَ عينيْهِ " صححه الألباني في صحيح الجامع 6160
-وعن معاذ بن جبل: "ما بصقت عن يميني منذ أسلمت"
✍ Zulameen Sarento Puti