St. Michael The Archangel Parish - Santa Cruz, Zambales

St. Michael The Archangel Parish -  Santa Cruz, Zambales Mass Hours:
Mon,Tue,Thurs,Fri - 6:30 am
Wednesday - 4:30 pm
Sat - 6:30am & 7:00pm (Anticipated Mass)
(2)

Mga kuhang larawan mula sa Banal na Misa ng Pagtatalaga sa ating Kura Paroko, Reb. P. John Abille ArgaPart 2
31/08/2026

Mga kuhang larawan mula sa Banal na Misa ng Pagtatalaga sa ating Kura Paroko, Reb. P. John Abille Arga
Part 2

Mga kuhang larawan mula sa Banal na Misa ng Pagtatalaga sa ating Kura Paroko, Reb. P. John Abille ArgaPart 1
31/08/2026

Mga kuhang larawan mula sa Banal na Misa ng Pagtatalaga sa ating Kura Paroko, Reb. P. John Abille Arga

Part 1

PABATIDIpinababatid po sa ating lahat na sa Lunes, Agosto 31, ay magsisimula na ang ating taunang Lakbay-Dasal—ang pagda...
30/08/2026

PABATID

Ipinababatid po sa ating lahat na sa Lunes, Agosto 31, ay magsisimula na ang ating taunang Lakbay-Dasal—ang pagdalaw ng imahen ng ating patron, San Miguel Arkanghel, sa iba’t ibang barangay at pamayanang nasasakupan ng ating parokya.

Kaugnay nito, wala po munang pagdiriwang ng Banal na Misa tuwing hapon, mula Lunes hanggang Biyernes, upang bigyang-daan ang nasabing gawain at ang ating sama-samang pananalangin kasama ng mga pamayanang ating bibisitahin.

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa Lakbay-Dasal at samantalahin ang pagkakataong ito upang sama-samang manalangin, humingi ng patnubay at proteksiyon ng Diyos sa pamamagitan ng ating patron na si San Miguel Arkanghel. Maraming salamat po.

San Miguel Arkanghel, ilipyas mo cami sa salban ao - anib!

Sa pusong puno ng pasasalamat sa Diyos, binabati natin si Rev. Fr. John Abille Arga sa kanyang Banal na Pagtatalaga bila...
30/08/2026

Sa pusong puno ng pasasalamat sa Diyos, binabati natin si Rev. Fr. John Abille Arga sa kanyang Banal na Pagtatalaga bilang Kura Paroko ng St. Michael the Archangel Parish.

Ang pagiging isang kura paroko ay hindi lamang isang tungkulin o posisyon, kundi isang banal na pagtawag upang maging pastol ng kawan ng Diyos - isang buhay na iniaalay sa paglilingkod, pagpapabanal, pagtuturo, at paggabay sa Kanyang bayan.

Sa araw na ito, hindi lamang tayo bumabati; sinasamahan natin siya ng ating mga panalangin.

Dalangin natin na sa bawat araw ng kanyang paglilingkod, manatili siyang malapit sa Puso ni Kristo—ang Mabuting Pastol. Nawa’y maging sa kanya ang puso ni Kristo upang siya ay maging maibiging ama na marunong umunawa at kumalinga, mahinahong pastol na may tiyaga sa paggabay sa kawan, at matalinong g**o na tapat na naghahatid ng Salita at Katotohanan ng Diyos.

Nawa’y sa mga sandali ng pagod ay maging lakas niya ang Panginoon; sa mga sandali ng pangamba ay maging sandigan niya ang pananampalataya; at sa bawat pagpapasya ay lagi niyang hanapin ang kalooban ng Diyos.

Panginoon, pagkalooban Mo po ang aming Kura Paroko ng pusong katulad ng sa Iyong Anak.
Gawin Mo siyang instrumento ng Iyong awa, kapayapaan, pagpapatawad, at pag-ibig.
Sa pamamagitan ng kanyang paglilingkod, nawa’y mas marami ang muling makakilala, magmahal, at manalig sa Iyo.

Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng banal na pagdiriwang na ito — sa mga naglaan ng panahon, lakas, talento, serbisyo, at mga panalangin. Sa bawat tulong at sakripisyo, nakita natin ang pagkakaisa ng ating pamayanang patuloy na naglilingkod sa Diyos at sa Kanyang Simbahan.

At ngayong nagsisimula ang panibagong yugto ng kanyang ministeryo, huwag nating tigilan ang pagdarasal para sa kanya.

Nawa’y sa bawat hakbang ng iyong paglalakbay bilang aming Kura Paroko, lagi mong madama na ang Diyos ang tumawag, ang Diyos ang gumagabay, at ang Diyos ang siyang nagpapalakas.

San Miguel Arkanghel, aming patron, ipanalangin mo kami.
San Juan Maria Vianney, huwaran ng mga kura paroko, ipanalangin mo ang aming pari.

30/08/2026

BANAL NA MISA AT RITU NG PAGTATALAGA KAY REB. PD. JOHN ABILLE ARGA BILANG KURA PAROKO NI SAN MIGUEAL ARCANGHEL AT VIKAR FORANE NG BIKARIYA NG SAN ANDRES

30/08/2026
PABATIDLAKBAY DASAL NI AMA SAN MIGUELPatungo sa Kapistahan ng Ating Mahal na PatronBilang paghahanda sa nalalapit na Kap...
29/08/2026

PABATID

LAKBAY DASAL NI AMA SAN MIGUEL
Patungo sa Kapistahan ng Ating Mahal na Patron

Bilang paghahanda sa nalalapit na Kapistahan ni San Miguel Arkanghel, Patron ng ating Parokya, isasagawa ang Lakbay Dasal ni Ama San Miguel sa iba’t ibang barangay ng ating pamayanan.

Ang pagdalaw ni Ama San Miguel sa ating mga barangay ay isang paanyaya sa ating lahat na maglakbay nang magkakasama sa pananampalataya—bilang mga pamilya, magkakapitbahay, at higit sa lahat, bilang isang Simbahan at isang bayan ng Diyos.

Sa bawat barangay na kanyang dadalawin, tanggapin natin si Ama San Miguel hindi lamang bilang larawan ng ating Patron, kundi bilang paalala ng ating iisang pananampalataya at pananalig sa Diyos.

Sa sama-sama nating pagtanggap, pakikiisa, at pananalangin, nawa’y mas makilala natin si San Miguel, higit nating maunawaan ang kanyang katapatan sa Diyos, at lalong lumalim ang ating debosyon sa kanya bilang ating tagapagtanggol at gabay sa pakikipaglaban para sa kabutihan at pananampalataya.

Kaugnay ng tema ng ating kapistahan ngayong taon: "Milalamo, Milalabi" —maglakbay tayo nang magkakasama.
Tanggapin natin ang pagdalaw.
Makibahagi sa panalangin.
Magkaisa bilang Simbahan.
At sama-samang maglakbay tungo sa ating Panginoon.

Tingnan ang kalakip na schedule para sa kumpletong iskedyul ng pagdalaw ni Ama San Miguel sa bawat barangay.

Inaanyayahan ang lahat ng pamilya at mananampalataya na makiisa at maging bahagi ng Lakbay Dasal. Huwag nating palampasin ang pagkakataong sama-samang manalangin at ipakita ang ating pagmamahal at debosyon sa ating Mahal na Patron.

San Miguel Arkanghel, ipanalangin mo kami!
San Miguel Arkanghel, ilipyas mo cam sa salban ao - anib!

𝗢𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢 𝗜𝗠𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢Amang Makapangyarihan, nilikha Mo at nilagyan ng kaayusan ang mundong walang hugis sa...
28/08/2026

𝗢𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢 𝗜𝗠𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢

Amang Makapangyarihan, nilikha Mo at nilagyan ng kaayusan ang mundong walang hugis sa simula. Nang ang mga alagad ng iyong Anak ay naharap sa malakas na unos sa dagat sa Galilea, inutusan niyang huminto ito. Ang unos ay tumalima at ang mga alagad ay napanatag.

Ngayong kami’y nahaharap sa sunod-sunod na ulan dala ng bagyo't habagat, dasal nami’y ipagsanggalang kami sa hagupit ng unos at pinsalang dulot ng bagyo, bigyan ng kapanatagan ang aming kalooban at sa iyong kapangyarihan, ibalik ang kaayusan at kapayapaan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

San Miguel Arkanghel, ilipias mo cami sa salban ao - anib!

PABATIDBilang paghahanda sa papalapit na Kapistahan ni Ama San Miguel Arkanghel, inilulunsad ang ating Fiesta Shirt 2026...
25/08/2026

PABATID

Bilang paghahanda sa papalapit na Kapistahan ni Ama San Miguel Arkanghel, inilulunsad ang ating Fiesta Shirt 2026 bilang pagpapakita ng pagkakaisa, pananampalataya, at pagmamahal sa ating patron.

Sa pamamagitan ng pagbili at pagsusuot ng ating Fiesta Shirt, hindi lamang tayo nakikiisa sa makabuluhang pagdiriwang—nakakatulong din tayo sa ating mga kabataan.

Ang malilikom po na pondo mula sa Fiesta Shirt 2026 ay ilalaan para sa mga programa at pangangailangan ng mga kabataan, bilang suporta sa pag-unlad, talento, at aktibong pakikilahok sa ating pamayanan at parokya.

Kaya naman, hinihikayat ang bawat isa na makibahagi, bumili, at magsuot ng Fiesta Shirt 2026 bilang tanda ng ating sama-samang debosyon at malasakit sa susunod na henerasyon.

Isang damit para sa pananampalataya, isang ambag para sa kabataan.

Viva, Ama San Miguel!
Para sa pananampalataya. Para sa pagkakaisa. Para sa kabataan.

“MILALAMO, MILALABI”

Para sa iba pang impormasyon, maaring makipag-ugnayan kay Warren Misa(https://www.facebook.com/share/1cJCDwNtLs/?mibextid=wwXIfr ), BPC President, Barangay Youth Coordinators.

Address

Poblacion South
Santa Cruz
2213

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 2pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St. Michael The Archangel Parish - Santa Cruz, Zambales posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to St. Michael The Archangel Parish - Santa Cruz, Zambales:

Shortcuts

Share