08/08/2026
Maulan man ang panahon, hindi magpapatinag ang mga lingkod ng Diyos!
Nakahanda na ang ating mga pusong punong-puno ng pasasalamat, kagalakan, at pananabik na muling magpuri at sumamba sa ating Diyos na buhay!
Napakalaki ng ating kagalakan sapagkat isa na namang linggo ang ating napagtagumpayan, nalagpasan, at nalakbay kasama ang ating Panginoon. Sa bawat pagsubok, tagumpay, at pagkakataon, napatunayan nating hindi Niya tayo iniwan.
Kaya kahit maulan, TULOY ANG PAGSAMBA!
Dahil ang ating pagpupuri ay hindi nakadepende sa panahon, kundi sa kabutihan at katapatan ng ating Diyos!
Magkita-kita tayo bukas!
Sama-sama nating ideklara na ang ating Diyos ay BUHAYβsa lahat ng oras, sa bawat pagkakataon, at sa anumang sitwasyon.