21/07/2025
𝙎𝙋𝘼𝙍𝙀 𝙐𝙎, 𝙇𝙊𝙍𝘿.
Sa kabila ng takot at pag-aalalang dulot ng mga balita at nararanasan nating kalamidad, huwag nating kalimutan na mayroon tayong tapat at makapangyarihang Diyos na kailanma’y hindi nagpapabaya.
Sa patuloy na pagbuhos ng ulan, pagtaas ng tubig, paghampas ng hangin, at pagguho ng lupa, magpakatatag tayo sa pananampalataya. Sikapin nating manatiling kalmado at ipagkatiwala sa Diyos ang ating pamilya, tahanan, at buong komunidad. Idulog natin sa Kanya ang ating panalangin para sa kaligtasan at proteksyon.
Panalangin:
Dakilang Diyos,
Sa harap ng panganib na dulot ng bagyo at habagat, hinihiling po namin ang Iyong habag at proteksyon. Ilayo Mo kami sa sakuna—sa baha, landslide, pagkawala ng kuryente, at iba pang panganib sa aming paligid. Ingatan Mo ang bawat pamilya, lalo na ang mga nasa mabababang lugar, walang masisilungan, o walang kakayahang lumikas.
Pagpalain Mo ang mga rescuer, frontliners, at mga pinunong nagsisilbi sa gitna ng unos. Samahan Mo kami at patatagin ang aming pananampalataya, kahit sa gitna ng hindi naming nauunawaan. Turuan Mo kaming magtiwala, manalig, at manahimik sa Iyong piling. Spare us, Lord! Nawa’y manatili kaming panatag sa gitna ng panganib, sapagkat Ikaw ang aming kanlungan—ngayon at kailanman. Ito po ang aming panalangin, sa pangalan ni Hesus. Amen.
(c) Light TV - God's Channel of Blessings