04/10/2026
๐ฎ๐ข๐ณ๐ฎ๐ก๐ค๐ฑ ๐ข๐ฆ: ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐
Sa araw na ito, buong pusong ipinagdiriwang ng kapatirang ๐๐ซ๐๐ง๐ฌ๐ข๐ฌ๐ค๐๐ง๐จ ang kapistahan ni San Francisco ng Assisi, huwaran ng kababaang-loob, kapayapaan, pagkakapatiran, at pagmamahal sa buong sangnilikha.
Sa aming mundong puno ng hidwaan, karahasan, kasinungalingan at katiwalian, turuan mo kaming maging mga instrumento ng kapayapaan at kabutihan. Bigyan mo kami ng tapang na manindigan para sa katotohanan, katapatan, katarungan, at kabutihang panlahat, upang ang korapsyon at pang-aabuso ay hindi manaig sa aming lipunan.
Tulungan mo rin kaming maging tunay na tagapangalaga ng kalikasan, tulad ng iyong malalim na pagmamahal sa lahat ng nilalang ng Diyos. Nawaโy matuto kaming igalang, pangalagaan, at ipagtanggol ang ating nag-iisang tahanan, ang mundong ipinagkaloob sa amin ng maykapal
San Francisco, turuan mo kaming mamuhay nang payak, magmahal nang tapat, maglingkod nang may kababaang-loob, makipagkasundo sa kapwa, at maging tagapagdala ng pag-asa sa mundong nangangailangan ng kapayapaan.
San Fransisco ng Assisi, Serapikong Ama,
Ipanalangin mo Kami!
PAX ET BONUM!