12/07/2020
God will never stop in revealing Himself. We should not stop in revealing God.
God will never stop in revealing himself. He knows that His word when it is planted, it will yield a fruitful harvest. Batid niya na sa kanyang Banal na Salita - magkakaroon ng pagbabago sa isang mananampalataya na ang buhay ay kasalungat ng kanyang pinaniniwalaan. Hindi man sa unang anihan, darating ang panahon, magkakabunga ang Salitang kaniyang itinanim sa bawat isa. Hindi man magbunga sa pangalawa at pangatlong taniman, ang Diyos hindi titigil na magtanim ulit. Hindi siya magsasawa sapagkat darating ang panahon, magkakabunga rin ang kaniyang itinanim. Kaya si Propeta Isaias, kaniyang inihantulad ang Salita Diyos sa ulan at niyebeng nagdidilig sa lupang tigang at nagpapayaman sa buhay ng mga tao. Mabisa ang Salita ng Diyos at kaya nitong mapangyari ang anumang ninanais ng P**n Maykapal. “My word that goes forth out out of my mouth, it will not return to me idle, but it shall accomplish my will, the purpose for which it has been sent.”
Ang salita ng Diyos, iba’t iba ang bisa nito sa buhay ng tao sapagkat iba’t iba ang paraan ng pagtanggap ng kaniyang banal na salita. Iba’t iba man ang bisa nito sa buhay ng tao, hindi siya titigil na magtanim ulit. Ang Salita ng Diyos ay paulit ulit na maririnig sa taong ayaw magkabunga. Ito ay isang paalala na baguhin na ang kinagisnang buhay,. Magbago na sapagkat hindi titigil ang Diyos na kanyang pagpapaalala.
Sa isang mananamplataya na ayaw maging isang mabuting lupa para magkabunga, ang baluktot na buhay ay hindi na maitutuwid, ang kamailang nagawa ay mangyayari ulit, ang nais na pagbabago ay magpakailanman na nakalutang. Kung nais na maglaho ang ganitong buhay, itanim ang Salita ng Diyos sa isang mabuting lupa. Hindi sapat na tumubo lang ito, kailangan magkabunga.
Ang ginagawa ng Diyos para magkabunga ang tao, maging inspirasyon ito sa buhay. Huwag sumuko sa pangangaral sa iba katulad ng ginagawa ng Diyos. Let us continue to be good and do good to others. Hindi agad nakikita ang pagbabago. Hindi agad epektibo ang pangangaral. Hindi lahat susunod sa mga pangaral na sinabi. Maging aral ang talinghaga na narinig sa Linggong ito. Iba’t ibang klase ng lupa kung saan nahulog ang binhi, kaya may nagkabunga, may tumubo lang at may agad namatay. Ito ay isang katotohan sa pangangaral sa iba, ngunit hindi ito ang dahilan para itigil ang pagpapahyag ng Salita ng Diyos, hindi ito dahilan para itigil ang pangangaral sa iba. Magkakabunga din ang lahat sa takdang panahon. Huwag lang sumuko. Huwag mawalan ng pag-asa. Magkakabunga din sa takdang panahon.