23/05/2026
Last Sunday, Ptr. Jhun shared a powerful message titled Recognizing Christ’s Authority Over the Home.
Through Ephesians 1:20–23, we were reminded that Jesus is not only Savior — He is Lord over all. At kapag si Cristo ang tunay na sentro ng tahanan, nagkakaroon ng direksyon, kapayapaan, at matibay na pundasyon ang pamilya.
Minsan gusto nating tayo ang may control sa lahat — sa desisyon, relasyon, at takbo ng buhay. Pero ang tunay na pagbabago nagsisimula kapag isinuko natin kay Jesus ang ating tahanan at pinayagan Siyang mamahala.
Hindi perfect family ang kailangan para kumilos ang Diyos. Ang kailangan ay pusong handang magpasakop at sumunod sa Kanya araw-araw.
Pinapaalala rin sa atin na ang parehong kapangyarihan na bumuhay kay Cristo ay nasa mga sumasampalataya. Kaya hindi tayo dapat mamuhay sa takot o pagkatalo, kundi may pananampalataya at pagtitiwala sa Diyos.