18/08/2026
PANALANGIN KAY SAN RAFAEL ARKANGHEL
O maawaing Ama, ipagkaloob mo sa amin, sa tulong ni San Rafael, ang kinakailangan at kagalingan ng aming katawan, katugunan sa aming suliranin, kaayusan sa aming tahanan, tagumpay sa aming pag-aaral, kaganapan ng aming mga pangarap at kaligtasan ng aming kaluluwa.
Marapatin mo, O mahabaging Diyos na kami ay tumulad kay San Rafael upang makapaghatid ng liwanag, kalakasan, kapatawaran at pag-asa sa aming kapwa naglalakbay sa buhay na ito. Sa aming pagdalangin, makamtan nawa namin ang biyayang aming hinihiling. Sa pamamagitan ni Jesukristo, kasama ng Espiritu Santo, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.