17/05/2026
Ang maringal na prusisyon at sagalahan sa Dambana ng Puso ngayong Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat ng Panginoong Jesus at Pamparokyang Kapistahan ng Mahal na Birhen de Las Flores sa pangunguna ng ating Hermana Mayor 2026, Tita Leonida V. De Ocampo at Pamilya.
Pasasalamat po ang aming ipinaabot sa lahat ng nakiisa sa banal nagawaing ito bilang pagpaparangal natin sa ating Mahal na Birheng Maria, Reyna ng mga Bulaklak.
Narito po ang mensahe ng ating Hermana Mayor:
Magandang gabi po sa ating lahat.
Kaisa po ng aking buong pamilya, ang puso ko po ay nagagalak sa ating katangi-tanging pagtitipon na ito upang dakilain ang Diyos at parangalan ang Mahal na Birheng Maria.
Bilang Hermana Mayor ng pagdiriwang ng Flores de Mayo ngayong taong 2025, taos-puso po akong nagpapasalamat sa Panginoon at sa Mahal na Birheng Maria sa biyayang ipinagkaloob Niya upang maisakatuparan natin ang makabuluhang pagdiriwang na ito.
Maraming salamat po sa ating Rektor at Kura Paroko - Fr. Mar Lucas at sa ating Attached Priest - Fr. Vic Saraza na patuloy na gumagabay sa atin sa pananampalataya at walang sawang naglilingkod sa sambayanan ng Diyos. Gayun din po sa kanilang pangunguna sa ating Banal na misa kasama ng ating mga panauhing pari.
Sa Parish Council, Sub-Council, at sa lahat ng mga Mandated Church Organizations, maraming salamat po sa inyong pagtutulungan, pakiisa, at sakripisyo upang maging maayos at matagumpay ang ating pagdiriwang.
Sa ating mga magagandang sagalas at kanilang mga consortes, kasama ang inyong mga magulang at pamilya, maraming salamat po sa inyong paglalaan ng oras, pagsisikap, at pakikiisa upang mapanatili nating buhay ang magandang tradisyon ng Flores de Mayo bilang pagpupugay sa Mahal na Birheng Maria.
Lubos din po akong nagpapasalamat sa ating mga camareros at camareras ng mga banal na larawan na buong pusong nag-aalaga at naglilingkod bilang tagapangalaga ng ating mga sagradong imahen.
Ang inyong debosyon at pagmamahal ay tunay na inspirasyon sa ating pamayanan.
At higit sa lahat, salamat po sa lahat ng narito ngayong gabi โ sa inyong presensya, panalangin, at pakikiisa. Ang Flores de Mayo ay hindi lamang isang tradisyon kundi isang pagpapakita ng ating pananampalataya, pagkakaisa, at pagmamahal sa Diyos at sa Mahal na Birhen.
Nawaโy patuloy tayong pagpalain ng P**ng Maykapal ang Banal na Puso ni Jesus at patnubayan ng Mahal na Birheng Maria upang manatiling buhay ang ating pananampalataya at paglilingkod.
Maraming maraming salamat po at magandang gabi sa ating lahat at Mabuhay ang Mahal na Birheng Maria, Reyna na mga bulaklak.