SPCY Pantubig

Directions

SPCY Pantubig The official page of SPCY Pantubig.

Oktubre 7Paggunita sa Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo Noong siglo 16, sinalakay ng mga Turko ang maraming bansa hanggan...
07/10/2026

Oktubre 7
Paggunita sa Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo

Noong siglo 16, sinalakay ng mga Turko ang maraming bansa hanggang sa panganib na mahulog sa kamay nila ang buong Europa at malupig ng Mahumetanismo ang Kristiyanismo. Si Papa Pio V ay nanawagan sa mga haring Kristiyano upang magkaisang sugpuin ang panganib na iyon, ang mga hukbo ng Espanya at Venice ay inilagay sa pamumuno ni Don Juan ng Austria.

Bago sila tumulak sa kanilang banal na layunin, lahat ng kawal ay nagsimba at nakinabang at taglay ang bendisyon ng Papa na si San Pio V, sila'y nagtungo sa Lepanto, Greece upang bakahin ang nakararaming hukbo ni Selim II. Ang sangka-Kristiyanuhan ay inanyayahan ng Papa upang dumalangin sa Mahal na Birhen sa pamamagitan ng walang patid na pagdarasal ng Santo Rosaryo, gayon din ang ginawa ng mga kawal ni Don Juan ng Austria sa kanilang mga daong.

Noong Oktubre 7, 1571 samantalang nakikipanayam si Papa Pio V sa kanyang mga kardinal, ibinalita niya ang pagtatagumpay ng mga hukbong Kristiyano sa Lepanto Sa oras ding iyon, nagwagi ang mga hukbo ni Don Juan sa ilalim ng pag-aampon ng INA NG SANTO ROSARYO15 daong na kaaway ang lumubog; 20,000 Turko ang namatay; 12,000 bihag na Kristiyano ang napalaya; sa panig ng mga Kristiyano: 17 ang lumubog na bapor at 7,000 ang namatay.

Dahil sa pagwawaging ito sa Lepanto, itinatag ng Papa ang pista ng Nuestra Seรฑora de las Victorias na pagkaraan ay naging pista ng NUESTRA SEร‘ORA DEL SANTISIMO ROSARIO. Sa litanya ng Birhen ay ipinadugtong rin ang taguring - "Tagapag-ampon ng mga Kristiyano, ipanalangin mo kami." Lalong sumigla ang pamimintuho ng sambayanang Katoliko sa Mahal na Birhen at sa debosyon ng Santo Rosaryo. Dito sa ating bayan, inaari ring biyaya ng Mahal na Ina ang pagwawagi ng mga Kastila at Pilipino laban sa mga Holandes noong 1646.



26/09/2026

Pabatid para sa lahat.

โ€œAno ang ibig sabihin ng pagsunod kay Kristo?โ€Noong Lunes, ginanap ang Block Rosary sa tahanan ng Pamilya Galvez, kung s...
01/09/2026

โ€œAno ang ibig sabihin ng pagsunod kay Kristo?โ€

Noong Lunes, ginanap ang Block Rosary sa tahanan ng Pamilya Galvez, kung saan muling nagkaisa ang mga kabataang mananampalataya ng Pantubig sa panalangin at paglilingkod sa Mahal na Birheng Maria.

Sa Mabuting Balita, sinabi ni Hesus, โ€œPasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin.โ€ Ipinapaalala nito sa atin na ang tunay na pagsunod kay Kristo ay nangangailangan ng sakripisyo, pagtitiis, at katapatan.

Bilang mga kabataan, nawaโ€™y matuto tayong pasanin ang ating mga krus nang may pananampalataya at patuloy na sumunod kay Kristo sa pamamagitan ng panalangin, paglilingkod, at paggawa ng mabuti.


TINGNAN:Noong Linggo, Agosto 23, isinagawa sa Parokya ng San Juan de Dios ang Sunday School na dinaluhan ng mga kabataan...
24/08/2026

TINGNAN:

Noong Linggo, Agosto 23, isinagawa sa Parokya ng San Juan de Dios ang Sunday School na dinaluhan ng mga kabataan mula sa Metro Poblacion.

Para sa araw na ito, ang nakaatas na manguna sa pagtuturo ay ang mga kabataan mula sa SPCY Pantubig. Pinangunahan ito ng nanunungkulang pangulo na si Bro. Robin Del Carmen, kasama ang mga kabataang naglaan ng kanilang oras upang magbahagi ng kaalaman tungkol sa pananampalataya.

Sa pagtalakay sa Mabuting Balita tungkol sa tanong ni Hesus na, โ€œKayo naman, ano ang sabi ninyo? Sino ako?โ€, hinamon ang bawat kabataan na hindi lamang makilala si Kristo sa pamamagitan ng mga aral ng Simbahan, kundi Siya ay makilala at maranasan sa kanilang sariling buhay.



โ€œSino si Kristo para sa atin?โ€Noong Sabado, matagumpay na isinagawa ng mga kabataang mananampalataya ng Pantubig ang Blo...
24/08/2026

โ€œSino si Kristo para sa atin?โ€

Noong Sabado, matagumpay na isinagawa ng mga kabataang mananampalataya ng Pantubig ang Block Rosary. Sa kabila ng ulan, patuloy na nagkaisa ang kabataan sa panalangin at paglilingkod sa Mahal na Birheng Maria.

Sa Mabuting Balita, tinanong ni Hesus ang kanyang mga alagad, โ€œKayo naman, ano ang sabi ninyo? Sino ako?โ€ Sa tanong na ito, ipinahayag ni Pedro ang kanyang pananampalataya: si Hesus ang Kristo, ang Anak ng Diyos na buhay.

Sa ating paglalakbay bilang mga kabataan, hindi lamang natin kailangang kilalanin si Kristo sa pangalan. Tinatawag din tayong kilalanin siya sa ating buhay bilang ating tagapagligtas, gabay, at saligan ng ating pananampalataya. Sa bawat panalangin at paglilingkod, nawaโ€™y mas makilala natin kung sino si Kristo at mas maipakita sa ating mga gawa kung sino siya para sa atin.


โ€œSa gitna ng matinding ulan, tulad ni Pedro, lumakad tayo nang may pananalig.โ€Noong Sabado, matagumpay na isinagawa ang ...
08/08/2026

โ€œSa gitna ng matinding ulan, tulad ni Pedro, lumakad tayo nang may pananalig.โ€

Noong Sabado, matagumpay na isinagawa ang Block Rosary ng mga kabataang mananampalataya ng Pantubig. Sa kabila ng banta ng ulan, tulad ni Pedro na lumakad patungo kay Hesus sa gitna ng malalakas na alon, nanatiling matatag ang kabataan sa kanilang pananalig, pagkakaisa, at paglilingkod sa Mahal na Birheng Maria.

Sa kasalukuyan, nananahan ang Mahal na Birhen ng Fatima sa tahanan ni Sister Angel Inovero at ng kanyang pamilya.


๐Ÿฉทโœจ CALLING ALL DANCERS!โœจ๐ŸฉทDo you have the passion to dance and the heart to inspire? ๐Ÿ’ƒ๐Ÿ•Š๏ธBe part of the Pantubig Angel Fes...
07/07/2026

๐Ÿฉทโœจ CALLING ALL DANCERS!โœจ๐Ÿฉท

Do you have the passion to dance and the heart to inspire? ๐Ÿ’ƒ๐Ÿ•Š๏ธ

Be part of the Pantubig Angel Festival โ€“ Silver Jubilee Celebration as we celebrate 25 years of faith, unity, and tradition!

๐Ÿ“ Venue:Pantubig Covered Court, Barangay Pantubig, San Rafael, Bulacan

๐Ÿ‘ฅ Who Can Join: Open to all San Rafael residents ,15 years old and above

๐Ÿ“… Audition Date: July 14, 2026 (Tuesday)

๐Ÿ•• Time: 6:00 PM

Whether you're an experienced dancer or simply have the passion to perform, this is your chance to shine on stage and be part of one of Pantubig's most anticipated celebrations.

๐ŸŒŸ Dance. Inspire. Celebrate. Be an Angel. Be Pantubig Proud! ๐ŸŒŸ

๐Ÿ“ฉ Register now:

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLScwACsw_DXoLpDeFP63YejRgKlWG9fjnv-_r3G75cbzpkDzMg/alreadyresponded

For inquiries, contact:
SK Charity Torayo

"Tuhog na bulaklak sadyang salit - salit.Sa mahal mong noo'y aming ikakapit.Lubos ang pag - asa't, sayo'y pananalig.Tang...
27/06/2026

"Tuhog na bulaklak sadyang salit - salit.
Sa mahal mong noo'y aming ikakapit.
Lubos ang pag - asa't, sayo'y pananalig.
Tanggapin mo handog, lubos na pag - ibig."

Halina at ating saksihan ang Pagtatalaga ng Hermanidad ng Flores de Maria 2027 sa katauhan nina G. Manuel Francisco at Bb. Noeve Princess Perez , bukas, Hunyo 28,2026 matapos ang Banal na Misa sa ganap na ika - 6 ng gabi.

Ang pagtatalaga ay pangungunahan ng Kura Paroko ng Parokya ng San Juan de Dios, Rdo. P. Gerry Fortunato.




Maraming salamat PCY San Rafael - Parokya ng San Juan de Dios sa tiwalang ipinagkaloob ninyo sa SPCY Pantubig upang pang...
07/06/2026

Maraming salamat PCY San Rafael - Parokya ng San Juan de Dios sa tiwalang ipinagkaloob ninyo sa SPCY Pantubig upang pangunahan ang gawaing ito. โค๏ธ

Lubos naming ipinagmamalaki ang ating mga kinatawan mula sa PCY San Rafael sa kanilang kahanga-hangang pagganap sa Mr. & Miss Sportsfest 2026, isa sa mga tampok na aktibidad ng VCY Sportsfest 2026.โฃ
โฃ
๐Œ๐š๐ง๐ฎ๐ž๐ฅ ๐Œ. ๐…๐ซ๐š๐ง๐œ๐ข๐ฌ๐œ๐จ โฃ
PCY San Rafael Representative โฃ
๐˜”๐˜ณ. ๐˜š๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ต๐˜ด๐˜ง๐˜ฆ๐˜ด๐˜ต 2026 - ๐˜๐˜ช๐˜ณ๐˜ด๐˜ต ๐˜™๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ณ-๐˜œ๐˜ฑ โฃ โฃ
๐˜‰๐˜ฆ๐˜ด๐˜ต ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜Š๐˜ข๐˜ด๐˜ถ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ž๐˜ฆ๐˜ข๐˜ณ โฃ
๐˜”๐˜ณ. ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ต๐˜บ โฃ
๐˜‹๐˜ข๐˜ณ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜Š๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ธ๐˜ฅโฃ
โฃ
๐๐จ๐ž๐ฏ๐ž ๐๐ซ๐ข๐ง๐œ๐ž๐ฌ๐ฌ ๐•. ๐๐ž๐ซ๐ž๐ณ โฃ
PCY San Rafael Representativeโฃ
โฃ
Ang inyong sipag, dedikasyon, at pagtitiwala sa Diyos ay naging daan upang maipakita ninyo ang inyong talento at kakayahan. Higit pa sa mga parangal at pagkilala, ang inyong mabuting asal, sportsmanship, at pagiging huwaran bilang mga kabataang Kristiyano ang tunay na tagumpay na inyong ipinamalas.โฃ
โฃ
Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa SPCY Pantubig sa kanilang buong pusong suporta, panalangin, at paghikayat sa ating mga kinatawan sa buong paglalakbay ng kompetisyong ito. Ang inyong pagmamahal at suporta ay naging malaking bahagi ng tagumpay na ito.โฃ
โฃ
Maraming salamat sa pagdadala ng karangalan sa ating parokya at sa pagiging inspirasyon sa kapwa kabataan. Nawa'y patuloy kayong gabayan at pagpalain ng Panginoon sa inyong mga susunod pang hakbang at tagumpay sa buhay.โฃ
โฃ
Para sa Diyos, para sa Simbahan, at para sa Kabataan! ๐Ÿ™โฃ
โฃ
Mabuhay ang kabataang naglilingkod para kay Kristo! โฃ
โฃ
Muli, binabati namin kayo sa inyong tagumpay!โฃ
โฃ

29/05/2026

Address

San Rafael
3008

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SPCY Pantubig posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share