Mahal na Birhen Lourdes Pulong Bayabas Sub-Parish

Mahal na Birhen Lourdes Pulong Bayabas Sub-Parish Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Mahal na Birhen Lourdes Pulong Bayabas Sub-Parish, Religious organisation, Pulong Bayabas, San Rafael.

24/05/2026
18/05/2026

π—›π—œπ—šπ—›π—Ÿπ—œπ—šπ—›π—§π—¦ | Sagalahan at Prusisyon

β€œSapagka't nagsisilakad kami sa pamamagitan ng pananampalataya, hindi sa pamamagitan ng paningin.”
β€” 2 Corinto 5:7

Isang makulay at maringal na pagdiriwang ang sama-samang inialay ng mga deboto ng Barangay Pulong Bayabas para sa taunang Flores de Maria, tampok ang taimtim na pag-aalay ng bulaklak sa Mahal na Ina, kasabay ng Sagalahan at Kapistahan ni San Isidro Labrador, ang patron ng mga magsasaka.

Sa bawat hakbang ng sagalahan at sa bawat panalanging inialay, nasilayan ang matibay na pananampalataya at pagkakaisa bilang pasasalamat sa mga biyaya, masaganang ani, at patuloy na paggabay ni San Isidro Labrador at ng Mahal na Ina.



β€œMapapalad ang mga kamay na masipag, sapagkat sila’y mag-aani ng kasaganaan.”— Kawikaan 10:4Sa ilalim ng ginintuang sina...
15/05/2026

β€œMapapalad ang mga kamay na masipag, sapagkat sila’y mag-aani ng kasaganaan.”
β€” Kawikaan 10:4

Sa ilalim ng ginintuang sinag ng araw at luntiang tanawin ng bukirin, ipinagdiriwang natin ang kapistahan ni San Isidro Labrador na siyang tanglaw at gabay ng mga magsasaka.

Ang bawat masaganang ani at hitik na taniman ay patunay ng pagpapala at biyayang ipinagkaloob sa mga taong buong pusong nagsisikap sa bukid. Sa bawat bunga ng lupa, umaapaw ang pasasalamat para sa kabuhayang dulot ng masipag na paggawa at matibay na pananampalataya.

Patuloy nawa tayong gabayan ni San Isidro Labrador sa pag-aararo ng lupa at pag-aalaga sa ating mga taniman. Nawa’y manatiling luntian ang mga bukid at puno ng pag-asa ang bawat ani ng ating mga magsasaka.

San Isidro Labrador, ipanalangin mo kami!



π—£π—”π—•π—”π—§π—œπ—— | FLORES DE MARIA 2026β€œAt ang isang dakilang tanda ay nakita sa langit: isang babae na nararamtan ng araw, at an...
12/05/2026

π—£π—”π—•π—”π—§π—œπ—— | FLORES DE MARIA 2026

β€œAt ang isang dakilang tanda ay nakita sa langit: isang babae na nararamtan ng araw, at ang buwan ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa, at sa kaniyang ulo ay may isang putong na labindalawang bituin.”
β€” Pahayag 12:1

Mga kapatid sa pananampalataya, sama-sama nating tunghayan ang pamumukadkad ng mga bulaklak na iniaalay at buong pusong handog kay Maria!

Mayo 15, 2026
3:00 N.H. β€” Banal na Misa
3:30 N.H. β€” Pagbabasbas ng mga Kalabaw
4:00 N.H. β€” Sagalahan at Prusisyon
6:00 N.G. β€” Pag-aalay ng Bulaklak

Bilang simbolo ng kadalisayan at ng kalinisang nananalaytay kay Maria, siya’y tinaguriang natatanging babaeng pinagpapala ng Panginoon. Buong puso nating ialay ang ating mga puso sa pinakamagandang bulaklak sa lahatβ€”si Maria.

Kita-kita tayo, bayan ng Diyos!



π•πˆπ€ π‹π”π‚πˆπ’ (π„πšπ¬π­πžπ« 𝐏𝐒π₯𝐠𝐫𝐒𝐦𝐚𝐠𝐞)Si Hesukristo'y nabuhay, s'ya'y ating kaliwanagan. Bilang bahagi ng ating magiging pagdiriw...
07/03/2026

π•πˆπ€ π‹π”π‚πˆπ’ (π„πšπ¬π­πžπ« 𝐏𝐒π₯𝐠𝐫𝐒𝐦𝐚𝐠𝐞)

Si Hesukristo'y nabuhay, s'ya'y ating kaliwanagan. Bilang bahagi ng ating magiging pagdiriwang ng Muling Pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo, tayo na't maglakbay-nilay sa paraan ng VIA LUCIS (Daan ng Ilaw) habang tayo'y lumilibot sa piling simbahan sa Diyosesis ng Imus (Cavite). Ang gawaing ito'y gaganapin sa ika-9 ng Abril at maaari lamang magpalista hanggang MARSO 22.

Ito ay nagkakahalaga ng P1,300.00 bawat tao. Kasama na rito ang transportasyon, pilgrimage t-shirt, at pilgrim's kit. Maaari na po tayo magpalista, makipag-ugnayan lamang po kina Bro. Mark Francisco (0918-602-6903), Sis. Menchie Antonio, Sis. Leni Mercado.

Ang mga tutunguhing simbahan ay ang mga sumusunod:

Pandiyosesis na Dambana ni San Agustin at Parokya ng Sta. Cruz - Tanza, Cavite

Pandiyosesis na Dambana at Parokya ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo Reina Del Caracol - Rosario, Cavite

Pandiyosesis na Dambana at Parokya ni Sta. Maria Magdalena - Kawit, Cavite

Pandiyosesis na Dambana at Parokya ng Mahal na Birhen ng Fatima - Binakayan, Kawit, Cavite

Pandiyosesis na Dambana at Parokya ng Nuestra SeΓ±ora Del Pilar - Imus Cathedral - Imus, Cavite

Pambansang Dambana ng Mahal na Birhen ng La Salette - Silang, Cavite

Parokya ng Mahal na Birhen ng Lourdes - Tagaytay City, Cavite

Kitakits mga Kabalikat. Sama-sama tayong maglakbay-nilay sa darating na April 9, 2026

Panahon ng Kuwaresma β€” panahon ng pagbabalik-loob, pagpapakumbaba, at pagtitiwala sa walang hanggang awa ng Diyos.Sa git...
07/03/2026

Panahon ng Kuwaresma β€” panahon ng pagbabalik-loob, pagpapakumbaba, at pagtitiwala sa walang hanggang awa ng Diyos.

Sa gitna ng ating mga kahinaan at pagkukulang, patuloy tayong inaanyayahan ng Panginoon na lumapit sa Kanya at buksan ang ating puso sa Kanyang kapatawaran.

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa Sakramento ng Kumpisal, ngayong ika-2 nang hapon, ika-7 ng Marso, taong kasalukuyan, sa Bisita ng Mahal na Birhen ng Lourdes. Kung saan matatagpuan natin ang tunay na kapayapaan, paggaling ng puso, at bagong simula sa ating paglalakbay sa pananampalataya.

Halina at magbalik-loob sa Diyos na laging handang magpatawad at umunawa. Sa Kanyang awa, may pag-asa, may kapayapaan, at may panibagong buhay.



18/02/2026

𝗠𝗔π—₯π—œπ—‘π—šπ—”π—Ÿ 𝗑𝗔 𝗣π—₯π—¨π—¦π—œπ—¦π—¬π—’π—‘ | Pebrero 11, 2026

Sama-samang nag-alay ng isang maringal at makabuluhang prusisyon ang lahat ng deboto at mga kabaranggay ng Pulong Bayabas para sa Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Lourdes na ginanap noong ika-5 nang hapon.

Hindi alintana sa mga mananampalataya ang pagod at pagtitiis sa paglakad dahil ginagawa nila umano ito para sa Mahal na Ina. Maririnig ang pagdarasal ng rosaryo sa kahabaan ng paglalakad sa buong baranggay. Sa huli, umuwi nang may ngiti at puno ng biyaya ang bawat isang naniniwala sa Birhen ng Lourdes.



π—£π—”π—šπ—šπ—¨π—‘π—œπ—§π—” 𝗦𝗔 π— π—”π—›π—”π—Ÿ 𝗑𝗔 π—•π—œπ—₯π—›π—˜π—‘ π—‘π—š π—Ÿπ—’π—¨π—₯π——π—˜π—¦ | Pebrero 11, 2026Sa Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Lourdes, sinimulan ang isa...
18/02/2026

π—£π—”π—šπ—šπ—¨π—‘π—œπ—§π—” 𝗦𝗔 π— π—”π—›π—”π—Ÿ 𝗑𝗔 π—•π—œπ—₯π—›π—˜π—‘ π—‘π—š π—Ÿπ—’π—¨π—₯π——π—˜π—¦ | Pebrero 11, 2026

Sa Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Lourdes, sinimulan ang isang mapagpalang araw sa isang Banal na Misa sa ganap na ika-10 nang umaga na pinangunahan ni Rdo. Msgr. Filemon M. Capiral, H.P. (Kura Paroko: Our Lady of Mt. Carmel, Sabang, Baliuag, Bulacan)

Itinanghal sa Banal na Misa ang Banal na Imahen ng Birhen ng Lourdes na siyang patron ng Pulong Bayabas. Namayani sa mga mananampalataya ang kanilang debosyon sa Mahal na Birhen na sinisimbolo ng kanilang taimtim na pagbigkas sa bawat dasal na alay para sa Ina ng Diyos.



π—›π—˜π—”π—Ÿπ—œπ—‘π—š 𝗠𝗔𝗦𝗦 | Pebrero 10, 2026Tingnan ang mga larawang kuha mula sa nagdaang Healing Mass na ginanap noong ika-10 ng Pe...
18/02/2026

π—›π—˜π—”π—Ÿπ—œπ—‘π—š 𝗠𝗔𝗦𝗦 | Pebrero 10, 2026

Tingnan ang mga larawang kuha mula sa nagdaang Healing Mass na ginanap noong ika-10 ng Pebrero, 2026, sa Bisita ng Mahal na Birhen ng Lourdes, Pulong Bayabas. Napaliligiran ng taimtim na panalangin ang buong simbahan dala ng mga mananampalataya.

Ang Banal na Misa ay pinangunahan ni Reb. P. Roberto V. San Diego, na siyang nagtalaga sa mga Opisyal at Kasapi ng Cofradia De La Nuesta De Lourdes, sa ganap na ika-9 nang umaga.

Itinampok sa araw na ito ang maringal na misang inilaan upang ipanalangin ang lahat ng mga nabibigatan, nahihirapan, at nangngailangan ng awa't habag mula sa Maykapal. Sa huli, nagpaalala ito na matuto tayong lumingon pabalik at magpasalamat sa Diyos.



ππ€π†ππ€π“πˆ | Happy Birthday, Sis. Mikaela!For we are God’s handiwork, created in Christ Jesus to do good works, which God p...
07/01/2026

ππ€π†ππ€π“πˆ | Happy Birthday, Sis. Mikaela!

For we are God’s handiwork, created in Christ Jesus to do good works, which God prepared in advance for us to do. β€”Ephesians 2:10

Happiest Birthday, Sis. Mikaela! As God made the heavens, he chose this blessed day for your birth. In his image where you were born and in blessings do you live. May the Lord and the blessed Mama Mary guide you throughout your future. Wishing you a day filled with happy memories and a year with numerous reasons to be thankful about. Keep on serving the Lord, God bless you!

From: Your SPCY and SPPC Family

Address

Pulong Bayabas
San Rafael
3008

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mahal na Birhen Lourdes Pulong Bayabas Sub-Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share