SPCY Pantubig

SPCY Pantubig Official FB Page of SPCY Pantubig - San Antonio de Padua

PAGBATI!Binabati namin ang isa sa aming kapamilya sa SPCY Pantubig, Noeve Princess V. Perez sa kanyang pagkapanalo ng Un...
12/03/2024

PAGBATI!

Binabati namin ang isa sa aming kapamilya sa SPCY Pantubig, Noeve Princess V. Perez sa kanyang pagkapanalo ng Unang Gantimpala sa Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita sa ginanap na EDDIS Level Secondary Schools Press Conference.

Masaya kami sa iyong naging tagumpay, Noeve! Huwag ka sanang maaalis ang iyong paa sa lupa at nawa ay ipagpasalamat mo sa Ama ang lahat.

Muli, pagbati Noeve! Gabayan ka pa nawa sa mga susunod na laban na iying susuungin. ✏️

-mula sa iyong SPCY Pantubig family



PALASPAS FOR SALE!Sa papalapit na Linggo ng Palaspas, muli pong nagbukas ang Komisyon ng Kabataan ng isang aktibidad, an...
10/03/2024

PALASPAS FOR SALE!

Sa papalapit na Linggo ng Palaspas, muli pong nagbukas ang Komisyon ng Kabataan ng isang aktibidad, ang Palaspas for Sale.

Mula sa araw na ito hanggang sa Marso 19, maaari na kayong magpareserba ng inyong mga palaspas sa mga kabataan ni San Antonio de Padua.

Ang palaspas ay nagkakahalagang Php 35.00 kada piraso at Php 100.00 para sa tatlong piraso.

Makikita sa larawan ang mga taong maaaring lapitan para sa pagrereserba ng inyong mga palaspas.

Tara na! Order na! 🌿



03.08.2024GABI NG KABATAAN, G KAMI DYAN!Matagumpay na nakilahok ang mga kabataan ni San Antonio de Padua sa Gabi ng Kaba...
09/03/2024

03.08.2024

GABI NG KABATAAN, G KAMI DYAN!

Matagumpay na nakilahok ang mga kabataan ni San Antonio de Padua sa Gabi ng Kabataan na ginanap kahapon ng gabi, Marso 8 sa Colegio de San Juan de Dios.

Ang Gabi ng Kabataan ay isang aktibidad ng Pamparokyang Komisyon ng Kabataan kung saan ipinapakita ng bawat kabataan ang kani-kanilang talento at kakayahan.

Ang SPCY Pantubig ay nagpapasalamat sa lahat ng mga taong nasa likod ng matagumpay na aktibidad na ito para sa Kapistahan ni San Juan de Dios. Sa mga opisyales ng PCY San Rafael, sa mga kaparian ng ating parokya, sa aming mga SPPC at sa Hermanidad ng Kapistahan sa taong ito, Ate Lyn Veneracion at pamilya, maraming salamat po!

Sabi nga ni Nicki Minaj, “the night is still young, and so are we”. Kaya tara na! Huwag ka nang magpahuli pa! Maging bahagi na ng aming lumalaking pamilya!

Viva San Juan de Dios! Viva!



03.06.2024OOPS, Bawal akong kalimutan! 😉Binabati namin ang aming kasamang si Raiza Marie Raymundo ng isang maligayang ka...
06/03/2024

03.06.2024

OOPS, Bawal akong kalimutan! 😉

Binabati namin ang aming kasamang si Raiza Marie Raymundo ng isang maligayang kaarawan!

Nawa ay patuloy ka naming makita naglilingkod sa kapwa at sa ating Panginoon. Manatili nawa ang iying nag-aalab na paglilingkod sa ating parokya at kapilya.

Muli, happy birthday Raiza! Enjoy your day!

- from your SPCY Pantubig family 💜💛



03.06.2024Ang SENTRO ng LINGGONG ito ay ang BDAY KO! 🥳Isang maligayang kaarawan sa aming munting chikadora ng SPCY Pantu...
05/03/2024

03.06.2024

Ang SENTRO ng LINGGONG ito ay ang BDAY KO! 🥳

Isang maligayang kaarawan sa aming munting chikadora ng SPCY Pantubig, Noeve Princess Perez.

Nawa ay gabayan ka pa ng Panginoon sa mga landasing iyong tinatahak at tatahakin pa lamang. Hindi sana mawala ang naglalagablab mong paglilingkod sa ating bisita, simbahan at sa Kaniya.

Enjoy your special day Noeve daldal! We love you so much!

- from your SPCY Pantubig family 💜💛



03.02.2024“No love is greater than Yours” - Rev. Fr. DayritDinaluhan ng ating mga kabataan ni San Antonio de Padua ang P...
02/03/2024

03.02.2024

“No love is greater than Yours” - Rev. Fr. Dayrit

Dinaluhan ng ating mga kabataan ni San Antonio de Padua ang Parish Lenten Recollection na ginanap ngayong Sabado, Marso 02 sa San Juan de Dios Parish.

Ang recollection ay pinangunahan ni Rev. Fr. Edrylle Dayrit, Parochial Vicar ng Immaculate Conception Cathedral ng Diocese ng Cubao.

Ang nasabing aktibidad ay naglalayong muling tawagin at pukawin ang buhay Kristiyano ng ating mga kapatid sa papalapit na Semana Santa.



03.01.2024START YOUR MONTH WITH MY SPECIAL DAY! 😚Binabati namin ang isa sa aming masipag na SPCY member, Irish Infante n...
01/03/2024

03.01.2024

START YOUR MONTH WITH MY SPECIAL DAY! 😚

Binabati namin ang isa sa aming masipag na SPCY member, Irish Infante ng maligayang kaarawan!

Nawa ay ipagpatuloy mo ang nagliliyab mong pagsisilbi sa ating Panginoon. Makita ka pa rin nawa namin bilang ehemplo sa ating mga kabataan.

Kaya sa pagbubukas ng buwan ng Marso, sa’yo ang araw na ito!

Happy birthday, Irish! Enjoy ur day mwaaa!

- from your SPCY Pantubig family 💜💛



02.24.2024“Kaya mong magbago kahit ikaw ay natatakot o nalilito dahil kasama mo si Hesukristo”Sa pag-usad ng mga araw pa...
24/02/2024

02.24.2024

“Kaya mong magbago kahit ikaw ay natatakot o nalilito dahil kasama mo si Hesukristo”

Sa pag-usad ng mga araw papalapit sa Semana Santa, hindi napapagod ang ating Birhen ng Fatima na dalawin ang mga tahanan at kumustahin ang Kanyang mga anak.

Maraming salamat po sa pamilya Vendication-Portillo sa pagtanggap sa ating Ina na isang buong linggo.

Kasalukuyan pong nasa tahanan ng pamilyang Contreras - Del Carmen ang ating Ina.

Sa mga nais na mapagdalhan ng ating Birhen ng Fatima o nais maging bahagi ng SPCY Pantubig, makipag-ugnayan lang po kayo sa amin.



02.18.2024Dinaluhan ng mga bagong talagang mga tagapamuno ng SPCY Pantubig ang unang opisyal na pagpupulong na handog ng...
19/02/2024

02.18.2024

Dinaluhan ng mga bagong talagang mga tagapamuno ng SPCY Pantubig ang unang opisyal na pagpupulong na handog ng ating PCY San Rafael kahapon, Pebrero 18 na ginanap sa Bulwagan ng Kabataan ng Parokya ni San Juan de Dios.

Ang pagpupulong ay naglalaman ng dalawang partikular na layunin: ang paghahanda para sa Kapistahan ni San Juan de Dios at ang Semana Sanata.

Kinamusta rin ng mga opisyales ng PCY San Rafael ang bawat lider ng bawat SPCY na kanilang nasasakupan upang makamusta ang mga gawain na isinasagawa nila na may kaugnayan sa simbahan.



02.17.2024Kasabay ng pagsisimula ng Kuwaresma, nagsimula na ring magbahay-bahay ng ating Birhen.Nagsimula nang dumalaw n...
17/02/2024

02.17.2024

Kasabay ng pagsisimula ng Kuwaresma, nagsimula na ring magbahay-bahay ng ating Birhen.

Nagsimula nang dumalaw ng ating Ina sa tahanan ng pamilyang Caly.

Matapos sa tahanan ng pamilyang Caly, nagtungo naman ang ating Ina sa tahanan ng pamilyang Vendication-Portillo.

Sa mga kabataan na nais na makasama kaming magdasal at maging bahagi ng aming pamilya, magkita-kita tayo sa darating na Sabado, Pebrero 24.



02.14.2024Anong ARAW NG MGA PUSO?! ARAW KO ‘TO!Kasabay ng Ash Wednesday at Araw ng mga Puso, binabati namin ang aming ka...
14/02/2024

02.14.2024

Anong ARAW NG MGA PUSO?! ARAW KO ‘TO!

Kasabay ng Ash Wednesday at Araw ng mga Puso, binabati namin ang aming kasaping si Noe Kobe Caly ng isang punong-puno ng pagmamahal na maligayang kaarawan!

Nakita namin ang iyong paglilingkod Kuya Kobe sa ating bisita at sa simbahan sa bawat taong dumaraan, kaya nawa sa panibagong taong ipinagkaloob Niya, manatili nawa ang naglalagablab mong pananampalataya sa Kanya.

Mahal na mahal ka namin Kuya Kobe! Nawa ang araw na ito ay maging mas espesyal para sa’yo.

Muli, happiest birthday Kuya Kobe!

-from your SPCY Pantubig family 💛💜



Address

San Rafael
3008

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SPCY Pantubig posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to SPCY Pantubig:

Share