Ministry of Altar Servers - Parokya ni San Juan de Dios

Ministry of Altar Servers - Parokya ni San Juan de Dios Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Ministry of Altar Servers - Parokya ni San Juan de Dios, Religious organisation, San Rafael.

โ€œ๐๐š๐ ๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ค๐ฎ๐ซ๐š๐ง ๐ง๐ข๐ง๐ฒ๐จ ๐ง๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฒ ๐ค๐š๐ ๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐งโ€- ๐’๐š๐ฅ๐ฆ๐จ ๐Ÿ๐ŸŽ๐ŸŽ: ๐ŸIsang mapagpalang pagbati sa aming minamahal na kapat...
02/09/2026

โ€œ๐๐š๐ ๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ค๐ฎ๐ซ๐š๐ง ๐ง๐ข๐ง๐ฒ๐จ ๐ง๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฒ ๐ค๐š๐ ๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐งโ€
- ๐’๐š๐ฅ๐ฆ๐จ ๐Ÿ๐ŸŽ๐ŸŽ: ๐Ÿ

Isang mapagpalang pagbati sa aming minamahal na kapatid sa paglilingkod, Sem. Arjay!

Ang buong ministri ay lubos na nagpapasalamat sa iyong kabutihan, katapatan, at malasakit na siyang tunay na nagbibigay-inspirasyon sa lahat. Maraming salamat sa pagiging isang tapat na Lingkod ng Dambana.

Nawaโ€™y patuloy kang pagpalain ng Panginoon, gabayan sa bawat hakbang, at pagkalooban ng lakas, karunungan, at pusong laging handang maglingkod.



โ€œ๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’•๐’‚๐’•๐’‚๐’๐’‚๐’ˆ๐’‚ ๐’‚๐’• ๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’”๐’‚๐’”๐’‚๐’“๐’Š๐’˜๐’‚ 2026โ€"I am not capable of doing big things, but I want to do everything, even the smallest t...
24/08/2026

โ€œ๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’•๐’‚๐’•๐’‚๐’๐’‚๐’ˆ๐’‚ ๐’‚๐’• ๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’”๐’‚๐’”๐’‚๐’“๐’Š๐’˜๐’‚ 2026โ€

"I am not capable of doing big things, but I want to do everything, even the smallest things, for the greater glory of God." ~ Dominic Savio

Narito ang ilang kuhang larawan mula sa Pagbabasbas ng mga Alba at Pagtatalaga ng mga Lingkod sa Dambana, habang buong puso nilang tinatanggap ang tawag na maglingkod sa Panginoon at sa Kanyang sambayanan.

2/2



โ€œ๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’•๐’‚๐’•๐’‚๐’๐’‚๐’ˆ๐’‚ ๐’‚๐’• ๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’”๐’‚๐’”๐’‚๐’“๐’Š๐’˜๐’‚ 2026โ€"I am not capable of doing big things, but I want to do everything, even the smallest t...
24/08/2026

โ€œ๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’•๐’‚๐’•๐’‚๐’๐’‚๐’ˆ๐’‚ ๐’‚๐’• ๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’”๐’‚๐’”๐’‚๐’“๐’Š๐’˜๐’‚ 2026โ€

"I am not capable of doing big things, but I want to do everything, even the smallest things, for the greater glory of God." ~ Dominic Savio

Narito ang ilang kuhang larawan mula sa Pagbabasbas ng mga Alba at Pagtatalaga ng mga Lingkod sa Dambana, habang buong puso nilang tinatanggap ang tawag na maglingkod sa Panginoon at sa Kanyang sambayanan.

1/2



โ€œ๐Œ๐š๐ ๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ค๐จ๐ ๐ค๐š๐ฒ๐จ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง ๐ง๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฒ ๐ค๐š๐ ๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ง.โ€ โ€” ๐€๐ฐ๐ข๐ญ 100:2 Isang pusong handang maglingkod, isang pangakong tapat s...
22/08/2026

โ€œ๐Œ๐š๐ ๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ค๐จ๐ ๐ค๐š๐ฒ๐จ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง ๐ง๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฒ ๐ค๐š๐ ๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ง.โ€ โ€” ๐€๐ฐ๐ข๐ญ 100:2

Isang pusong handang maglingkod, isang pangakong tapat sa Diyos! Halinaโ€™t makiisa at saksihan ang pagtatalaga at pagsasariwa ng pangako ng ating mga Lingkod sa Dambana.

๐€๐ง๐  ๐๐š๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐Œ๐ข๐ฌ๐š ๐š๐ญ ๐๐š๐ ๐ญ๐š๐ญ๐š๐ฅ๐š๐ ๐š ๐š๐ญ ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ซ๐ข๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ค๐จ๐ ๐ฌ๐š ๐ƒ๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐š

Sa ika-4:30 ng Hapon | Agosto 23, 2026
Sa Parokya ng San Juan de Dios, Poblacion, San Rafael, Bulacan



Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ng Mahal na Birheng MariaSa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat s...
15/08/2026

Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ng Mahal na Birheng Maria

Sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ng Mahal na Birheng Maria, buong galak nating ginugunita ang kanyang maringal na pag-akyat sa langit bilang tanda ng pag-asa at pangako ng Diyos sa mga nananatiling tapat sa Kanya.

Nawaโ€™y sa halimbawa ni Maria, matutuhan nating buong kababaang-loob na magtiwala at tumugon sa kalooban ng Diyos, at patuloy na mamuhay nang may pananampalataya, pag-asa, at pagmamahal.

Mahal na Birheng Maria, Ina ng Diyos at Ina namin, ipanalangin mo kami!



๐๐€๐‘๐Ž๐‚๐‡๐ˆ๐€๐‹ ๐Œ๐€๐’ ๐‘๐„๐‚๐Ž๐‹๐‹๐„๐‚๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”Kasabay ng pagdiriwang ng ating Simbahan ang Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit ...
15/08/2026

๐๐€๐‘๐Ž๐‚๐‡๐ˆ๐€๐‹ ๐Œ๐€๐’ ๐‘๐„๐‚๐Ž๐‹๐‹๐„๐‚๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Kasabay ng pagdiriwang ng ating Simbahan ang Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit sa Mahan na Birheng Maria at Paggunita sa kapistahan ni San Tarcisio ng Roma, ay matagumpay na naisagawa ang Parochial MAS Recollection 2026 bilang paghahanda sa nalalapit na Pagtatalaga ng mga Bagong Kasapi at Pagsasariwa ng Pangako ng mga Lingkod Dambana, na pinangunahan ng ating guest speaker na si Rev. Fr. Ariz Vargas De Castro, Bikaryo Paroko ng Parokya ng San Pedro de Alcantara, Taal, Bocaue, Bulacan.

Ang bawat inihanda at nakatatandang mga lingkod dambana ay nagnilay patungkol sa paglilingkod at pagiging mabuting lingkod dambana, hindi lamang sa simbahan kundi sa Simbahan. Ayon kay Fr. Ariz, โ€œThere is humility, forsee, flexibility, and focusโ€ na nangangahulugang hindi lamang ito sa paglilingkod sa simbahan, bagkus sa paglilingkod sa Diyos at sa Simbahan.

Muli, kami ay nagpapasalamat kay Rev. Fr. Ariz, sa kaniyang pagbibigay ng oras at pagninilay tungkol sa aming tungkulin bilang lingkod dambana, at nawaโ€™y ang bawat salitang nasambit ay tumimo sa bawat puso at maging inspirasyon ng bawat isa.



Maligayang Kapistahan, San Tarcisio!Ang iyong pananampalataya at pagmamahal sa Banal na Eukaristiya ay naging halimbawa ...
15/08/2026

Maligayang Kapistahan, San Tarcisio!

Ang iyong pananampalataya at pagmamahal sa Banal na Eukaristiya ay naging halimbawa sa aming lahat upang maipagpatuloy namin ang misyon sa loob at labas ng dambana. Ipaalala mo sa amin na lagi kaming maglingkod ng may respeto, dedikasyon, at kababaang-loob na sumisimbolo sa pagkakakilanlan ng isang sakristan. Nawaโ€™y lagi naming isabuhay ang iyong debosyon na maglingkod sa tao at sa Diyos ng buong puso.

San Tarcisio ng Roma, aming patron,
ipanalangin mo kami!

Happy Altar Serverโ€™s Day po sa lahat!



Isang taos-pusong pagbati sa ika-11 Anibersaryo ng iyong Episcopal Ordination, Most Rev. Dennis C. Villarojo, D.D.! Kami...
10/08/2026

Isang taos-pusong pagbati sa ika-11 Anibersaryo ng iyong Episcopal Ordination, Most Rev. Dennis C. Villarojo, D.D.!

Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa inyong walang sawang paglilingkod at pagtuggon sa tawag ng Diyos na magsilbing pastol sa kanโ€™yang bayan.

Nawaโ€™y patuloy kayong pagkalooban ng Panginoon ng lakas, karunungan, at biyaya sa inyong banal na bokasyon. Maraming salamat po!



PANAWAGAN SA MGA TESTIMONYA KAUGNAY NG PAGDEDEBOSYON KAY SAN RAFAEL ARKANGHEL. Mayroon ka bang kuwento ng panalanging si...
04/08/2026

PANAWAGAN SA MGA TESTIMONYA KAUGNAY NG PAGDEDEBOSYON KAY SAN RAFAEL ARKANGHEL.

Mayroon ka bang kuwento ng panalanging sinagot, kagalingan, paggabay, proteksiyon, o biyayang natanggap sa pamamagitan ng debosyon kay San Rafael Arkanghel?

Inaanyayahan ka naming ibahagi ang iyong personal na testimonya upang maging inspirasyon, pag-asa, at pagpapatibay ng pananampalataya sa marami.

Maaaring ang iyong simpleng kuwento ang maging daan upang mas marami pang makilala at maranasan ang mapagmahal na paggabay ng ating Patron na si San Rafael Arkanghel.

Maaring Ipadala ang inyong testimonya sa mga sumusunod:
Email: [email protected]
Facebook: GRANADA-San Juan de Dios Parish
o iwan ito sa Opisina ng ating Parokya.

"Ang iyong kwento ay maaaring maging inspirasyon at pag-asa sa iba pang mananampalataya."


Address

San Rafael
3008

Telephone

+639995266846

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ministry of Altar Servers - Parokya ni San Juan de Dios posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share