30/07/2026
Walang boses ang marami habang nasa ilalim pa sila ng paghahari ng mapang-abusong PASTOR. Takot silang magsalita dahil sa banta, panggigipit, o pang-aabuso sa awtoridad.
Kung wala nang paraan para marinig ang makatuwirang hinaing at paulit-ulit nang tinatanggihan ang pagsaway, maaaring piliin ng iba na umalis nang may kapayapaan at magsalita nang may katotohanan at pag-ibig. Baka sakaling may makinig, matauhan, at magkaroon ng tunay na pagbabago.
"Huwag kayong makibahagi sa mga walang bungang gawa ng kadiliman, kundi sa halip ay ilantad ninyo ang mga ito." — Efeso 5:11