Lingkod ng Dambana San Lorenzo Ruiz Parish

Lingkod ng Dambana San Lorenzo Ruiz Parish Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Lingkod ng Dambana San Lorenzo Ruiz Parish, Catholic Church, Pacita 2A & Guevara Subdivisions, San Pedro.

Official page of the Lingkod ng Damabana of San Lorenzo Ruiz Parish, San Pedro, Laguna

Isang samahan na naglilingkod sa dambana katuwang ng pari, nagpapalago ng pananampalataya, at nagsasabuhay ng paglilingkod sa Diyos at kapwa.

10/08/2026

Agosto 11, 2026 | Formation Recap

“Whoever wants to become great among you must be your servant.”
(Matthew 20:26)

Sa pagdiriwang ng Buwan ng Lingkod ng Dambana, matagumpay na isinagawa ng Lingkod ng Dambana ng San Lorenzo Ruiz Parish ang tatlong sesyon ng formation na naglalayong higit pang hubugin, paunlarin, at patatagin ang kaalaman at paglilingkod ng ating mga kapatid na sakristan.

Taos-pusong pasasalamat kay Sem. Erwin Gabion sa kanyang kusang-loob na paglalaan ng oras, kaalaman, at talento upang pangunahan at maging bahagi ng formation ng ating mga kapatid na Lingkod ng Dambana.

Nawa’y ang mga aral at karanasang natutuhan sa formation na ito ay magsilbing gabay sa bawat Lingkod ng Dambana upang patuloy na lumago sa pananampalataya at maging tapat, masipag, at pusong handang maglingkod sa Diyos at sa Simbahan.

Ang formation na ito ay magsisilbing kanilang bitbitin at gabay ng bawat Lingkod ng Dambana sa kanilang araw-araw na buhay at patuloy na paglilingkod sa Diyos at sa Simbahan.




Agosto 8, 2026 | Formation Day 3 “I can do all things through Christ who strengthens me."(Philippians 4:13)Sa ikatlo at ...
09/08/2026

Agosto 8, 2026 | Formation Day 3

“I can do all things through Christ who strengthens me."
(Philippians 4:13)

Sa ikatlo at huling sesyon ng formation, muling nagsama-sama ang Lingkod ng Dambana ng San Lorenzo Ruiz Parish upang isagawa ang pagsusulit bilang pagtatapos ng serye ng formation para sa pagdiriwang ng Buwan ng Lingkod ng Dambana.

Sa sesyong ito, binigyan ng pagkakataon ang bawat sakristan na maipakita ang kanilang kaalaman at pag-unawa sa mga aral at paksang tinalakay sa una at ikalawang sesyon. Ito rin ay naging pagkakataon upang masukat ang kanilang natutuhan at mapagnilayan ang kahalagahan ng mga ito sa kanilang tungkulin bilang Lingkod ng Dambana.

Sa pagtatapos ng formation, nawa’y baunin ng bawat lingkod ang mga aral na kanilang natutuhan at patuloy itong maisabuhay sa kanilang paglilingkod sa Diyos at sa Simbahan.

Ngayon muli pa nating Abangan ang mga susunod pang Activity ng ating mga kapatid para sa pagdiriwang ng Buwan ng Lingkod ng Dambana




Agosto 1, 2026 | Formation Day 2“Speak, Lord, for your servant is listening."(1 Samuel 3:9)Sa ikalawang sesyon ng format...
03/08/2026

Agosto 1, 2026 | Formation Day 2

“Speak, Lord, for your servant is listening."
(1 Samuel 3:9)

Sa ikalawang sesyon ng formation, muling nagsama-sama ang Lingkod ng Dambana ng San Lorenzo Ruiz Parish upang higit pang mapalalim ang kanilang kaalaman at samahan bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Lingkod ng Dambana.

Sa sesyong ito, pinalawak ang pag-unawa ng bawat lingkod sa kanilang ministeryo at patuloy silang hinubog upang maging mga sakristang may disiplina, matibay na pananampalataya, at pusong handang maglingkod sa Diyos at sa Simbahan.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ito sa bawat Lingkod ng Dambana upang patuloy na pagyamanin ang kanilang bokasyon at tapat na paglilingkod sa dambana.

Abangan ang mga susunod pang aktibidad sa pagdiriwang ng Buwan ng Lingkod ng Dambana ngayong Agosto!




𝑨𝙇𝑻𝘼𝑹 𝑺𝙀𝑹𝙑𝑬𝙍𝑺 𝑴𝙊𝑵𝙏𝑯"My youth will be the best shield for the Eucharist." - St. TarcisiusMalugod naming inaanyayahan ang ...
01/08/2026

𝑨𝙇𝑻𝘼𝑹 𝑺𝙀𝑹𝙑𝑬𝙍𝑺 𝑴𝙊𝑵𝙏𝑯

"My youth will be the best shield for the Eucharist." - St. Tarcisius

Malugod naming inaanyayahan ang buong pamayanan na makiisa sa pagdiriwang ng Kapistahan ni San Tarcisio, ang huwaran ng katapatan, kabanalan, at tapat na paglilingkod sa Panginoon.

Sa pagdiriwang na ito, sama-sama nating parangalan ang ating patron at ipanalangin ang lahat ng mga Lingkod ng Dambana, upang patuloy silang maging tapat, mapagkumbaba, at masigasig sa kanilang paglilingkod sa banal na dambana.

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa banal na pagdiriwang bilang bahagi ng Buwan ng mga Lingkod ng Dambana.

San Tarcisio, Patron ng mga Lingkod ng Dambana,
Ipanalangin mo kami!



Hulyo 25, 2026 | Formation Day 1“Whatever you do, work at it with all your heart, as working for the Lord, not for human...
28/07/2026

Hulyo 25, 2026 | Formation Day 1

“Whatever you do, work at it with all your heart, as working for the Lord, not for human masters.” (Colossians 3:23)

Sinimulan na ng Lingkod ng Dambana ng San Lorenzo Ruiz Parish ang unang yugto ng mga gawain para sa pagdiriwang ng Buwan ng Lingkod ng Dambana sa pamamagitan ng unang sesyon ng formation.

Ang unang sesyon ay nakatuon sa muling pagkilala sa Lingkod ng Dambana, kung saan isinariwa at pinalalim ang kaalaman ng bawat lingkod tungkol sa kanilang pagkakakilanlan, mga tungkulin, at responsibilidad bilang mga sakristan. Layunin nitong higit pang patatagin ang kanilang pananampalataya, disiplina, at tapat na paglilingkod sa dambana.

Ito pa lamang ang simula ng mga inihandang gawain ngayong Agosto. Abangan ang mga susunod pang aktibidad sa pagdiriwang ng Buwan ng Lingkod ng Dambana!




Isang pinagpalang araw mula sa matamis na pangalan ni Hesus!Ang LINGKOD NG DAMBANA San Lorenzo Ruiz Parish ay inaanyayah...
24/07/2026

Isang pinagpalang araw mula sa matamis na pangalan ni Hesus!

Ang LINGKOD NG DAMBANA San Lorenzo Ruiz Parish ay inaanyayahan ang mga kabataang lalaki na may edad walo (8) hanggang ika-labing walo (18) na taong gulang, nabinyagan sa Simbahang Katolika, at nakatira malapit sa San Lorenzo Ruiz Parish, partikular sa Barangay Pacita 2 at Barangay San Lorenzo Ruiz na nais maging sakristan o tinatawag ng Diyos upang maging lingkod.

Para sa mga kabataang lalaki, Ang Lingkod ng dambana ay dumudulog sa inyong mga puso upang tanggapin ang tawag ng Diyos.

Para sa iba pang mga detalye maaari kayo magpadala ng mensahe na nakalahad dito:

Contact #: 0924-056-5533

page: Lingkod ng Damabana San Lorenzo Ruiz

Maari din na lumapit sa mga sakristang inyong makikita sa ating Parokya at chapels o magtanong sa ating Parish Office.

Maraming Salamat po.



Maraming Salamat at Binabati namin ang Buong Lingkod ng Dambana, San Lorenzo Ruiz Parish! Taos-puso kaming nagpapasalama...
23/07/2026

Maraming Salamat at Binabati namin ang Buong Lingkod ng Dambana, San Lorenzo Ruiz Parish!

Taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng ating mga Lingkod na buong pusong nakilahok sa LnD VSPA Sportsfest. Maraming salamat sa inyong oras, dedikasyon, at sa pagbabahagi ng inyong mga talento sa iba’t ibang larangan ng palakasan. Ang inyong pakikiisa, disiplina, sportsmanship, at pagkakaisa ang naging susi sa tagumpay ng ating pagdiriwang.

Malugod din naming binabati ang buong Lingkod ng Dambana sa matagumpay na paglahok sa Sportsfest. Ang bawat laban, panalo man o hindi, ay naging patunay ng inyong determinasyon, pagtutulungan, at tunay na diwa ng paglilingkod. Nawa’y patuloy ninyong gamitin ang inyong mga talento hindi lamang sa larangan ng palakasan kundi lalo na sa paglilingkod sa Diyos at sa Kanyang Simbahan.

Para sa iba pang mga larawan ng bawat manlalaro at mga naging kaganapan sa Sportsfest, maaari ninyong bisitahin ang page ng LnD VSPA.

Muli, maraming salamat at congratulations sa buong Lingkod ng Dambana! Patuloy tayong maglingkod nang may pagmamahal, pagkakaisa, at pananampalataya.




Sa pangunguna ng ating Kura Paroko, Rev. Fr. Frederick R. Yapana, isinagawa ang Pagbabasbas para sa gaganaping Sportsfes...
18/07/2026

Sa pangunguna ng ating Kura Paroko, Rev. Fr. Frederick R. Yapana, isinagawa ang Pagbabasbas para sa gaganaping Sportsfest ng ating mga kapatid na Sakristan.

Nawa’y maging ligtas, matagumpay, at puno ng pagkakaisa, disiplina, at tunay na diwa ng paglilingkod ang buong palaro. Pagpalain nawa ng Panginoon ang bawat kalahok at ang lahat ng magiging bahagi ng gawaing ito.




Ngayong araw, handa nang ipamalas ng mga Lingkod ng Dambana ng San Lorenzo Ruiz Parish ang kanilang husay, disiplina, at...
17/07/2026

Ngayong araw, handa nang ipamalas ng mga Lingkod ng Dambana ng San Lorenzo Ruiz Parish ang kanilang husay, disiplina, at pagkakaisa sa Vicariate Sportsfest 2026. Hindi lamang para sa tagumpay, kundi bilang mga lingkod na may pusong mapagkumbaba at may pananampalataya. Sama-sama nating ipagdasal at suportahan ang ating koponan!

Address

Pacita 2A & Guevara Subdivisions
San Pedro
4023

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lingkod ng Dambana San Lorenzo Ruiz Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Lingkod ng Dambana San Lorenzo Ruiz Parish:

Shortcuts

Share