20/08/2026
PAANYAYA SA KAPISTAHAN NI SAN BARTOLOME 🙏❤️
Inaanyayahan po ang lahat na makiisa at makidalo sa pagdiriwang ng Kapistahan ni San Bartolome sa Barangay Poblacion, San Pedro City, Laguna ngayong Agosto 24, 2026.
⛪ Fiesta Mass – 9:00 AM
🙏 Prusisyon at Karakol – pagkatapos ng Banal na Misa
Halina’t sama-sama nating ipagdiwang ang ating pananampalataya, humingi ng pagpapala, at magpasalamat sa ating Mahal na Patron na si San Bartolome.
Tara na, mga ka-Barangay! Sama-sama nating ipakita ang ating debosyon at pagkakaisa.
VIVA SAN BARTOLOME! 🙏🎉
Mabuhay ang ating Mahal na Patron!