01/02/2026
👉 Sa pagpapatuloy ng ating sermon series mula John 12–20, inaanyayahan tayo ng Salita ng Diyos na mas lalong makilala kung sino tayo kay Cristo.
Sa gitna ng dilim, kalituhan, at pressure ng mundo, si Jesus ang Ilaw na nagbibigay-linaw sa ating pagkatao at direksyon. 💡
Kapag tayo ay secured sa ating identity kay Christ, hindi na tayo alipin ng takot, opinyon ng iba, o kahapon ng ating pagkukulang. Sa paglakad natin sa Kanyang liwanag, natututo tayong mamuhay bilang mga anak ng Diyos—may katiyakan, may layunin, at may pag-asa. 🙌
Halina’t sabay-sabay nating pagnilayan ang katotohanang ito at magpatuloy sa ating paglalakbay kasama si Jesus.
✨ Sunday Worship Service ✨
📖 Series: Ang Ilaw ng Daigdig Part 1 (John 12–20)
🕘 Service starts at 9:00 AM
🎤 Preacher: Pastor Pam
📍 On-site: Riverside House Church
💻 Live here on New Home Mission Church page