Ang gawain po sa BCFi Langgam ay nag-ugat po sa isang bible study na nagsimula po sa Camella Woodhills. Bevs Claraval, isang kapatiran po natin sa BCFi-SGH ay nasimulan po ang maliit na gawain doon. Nasimulan ito sa pagtitiyagang pagpunta ni Ptr Tony kasama sila Bevs at mga anak niya upang mag cell group sa bahay nila sa Woodhills. Ang mga magulang niya at kapatid sa biyaya ng Diyos ay nakakilala
po sa Panginoong Jesus bilang Tagapagligtas at Panginoon ng kanilang buhay. Fidel pa minsan minsan ay nakakasama rin namin sa aming Cell Group pag siya ay libre at hayagan din niyang binabahagi ang Mabuting Balita ng Diyos sa mga kapatiran doon. Nung nandoon pa kmi sa Camella Woodhills, we are praying na magkaroon sila ng sariling bahay at salamat sa Diyos dahil tinugunan ang panalanging iyon. Pagkalipat po nila ay agad na nagsimula po ulit ang cell group sa kanilang bahay at doon po napasama na sila sis Rose, Precy, Menchu atbp. Hanggang sa kami po ay unti-unting dumami sa pamamagitan po ng mapagpalang kamay ng Diyos ay marami na rin po ang nakakilala kay Jesus bilang Tagapagligtas at Panginoon ng kanilang buhay. Di kalaunan ay nagsimula na po kaming manalangin para sa isang lugar kung saan ay pwede namin gawin di lang cell group kundi “Cell Group Celebration na,” dahil dumadami na ang kapatiran at lalong nagiging masaya ang bawat isa sa tuwing kami ay magsasama sama na magpuri sa Diyos sa pamamagitan ng mga awiting makalangit, magpatotoo sa kabutihan ni Jesus sa aming buhay at kasagutan sa aming mga panalangin, makinig ng Kanyang Buhay na Salita, magpanalanginan at higit sa lahat ang magsalo-salo sa kung anumang pagkain ang ipagkaloob sa amin ng Diyos sa linggong iyon. Ginamit ng Diyos si Sir Pyke Avila kung saan sa pamamagitan niya ay nakilala namin si Sgt. Carolin Bance ng San Pedro Police Station na may-ari ng bahay na atin pong inuupahan at pinagdarausan ng gawain ni Lord. Pinuntahan nila Pastor Vecino at Pastor Tony kasama si Sis Edith upang i-negotiate ang pag-upa namin sa bahay na ito. Sa biyaya ng Diyos, kami ay pinayagang makaupa sa kanilang bahay. Purihin ang Panginoon! Siya po ay patuloy na sumasagot sa mga panalangin ng mga taong nais siyang matagpuan at makasama. At unti-unti pong inayos ng mga kapatiran ang bahay na ito. Mga taga BCF-South Greenheights ang naglagay ng bakod sa pangunguna ni Pastor Vecino at kami naman na dito sa SJ-10 Langgam ang nagayos ng mga pananim, nagpintura at nag decorate ng bahay for the GLORY of our KING. Mula po sa isang maliit na bahay sa Camella Woodhills, napunta sa garahe dito sa Saint Joseph 10 at ngayon po dahil sa Dakilang Pag-ibig at Katapatan ng Diyos ay malaya po kaming nakakapagtipon-tipon sa bahay sambahan ng ating Diyos. Last year ay naipagdiwang po ang 1st year anniversary natin doon po sa ating maliit na worship center, pero masikip po. Kaya naman sa taon na ito, God is Faithful for He had provided a much bigger area kung saan tayo po ay magkasama-sama muli to celebrate ang Kabutihan at Katapatan ng Panginoon sa ating mga buhay dito po sa BCFi-Langgam sa St. Joseph 10. Ngayon po ay may Children’s Ministry na tayo every Saturday 9am sa pangunguna ni sis. Cora at mga volunteered teachers from our mother church. Mas organized na rin ang Women’s Net natin sa pangunguna ni Sis. Gigi, & company; at may Worship Service na po tayo every Sunday at 4pm na nag start last January 2011. We are continuously praying for a new Worship Center na i-provide ni Lord this year or early next year. And hopefully mas maraming kapatiran who would take that step of faith to commit their lives para makatulong po natin for the expansion of God’s Kingdom dito po sa St. Joseph 10 Village. Kaya’t nararapat lamang po napasalamatan si Jesus, ipagdiwang at ipagbunyi ang Kanyang Dakilang Pag-ibig at Katapatan sa bawat araw ng ating mga buhay. Sa Diyos po ang kapurihan! Pagpalain po tayong lahat ng Nag-iisang Hari at Buhay na Diyos!