Lighthouse International Church - Philippines

Lighthouse International Church - Philippines ✨ A place to belong, grow, and encounter God
🙏 Weekly Worship | Midweek | Cell Groups
📍 Join us onsite or online
💬 Message us – we’d love to pray for you

28/08/2026

Baka hindi mo kailangan ng sagot ngayon. Baka ang kailangan mo lang ay PRESENSYA NG DIYOS. 🙏❤️

Minsan, nahihirapan tayong lumapit kay Lord kasi ang dami nating bitbit.

Ang daming problema.
Ang daming worries.
Ang daming pain.
Ang daming tanong.
Ang daming bagay na gusto nating ipresent sa Kanya.

Parang ang bigat-bigat na… hindi mo na kaya.

Pero alam mo ba? Hindi mo kailangang dalhin lahat bago ka lumapit sa Diyos.

Come as you are.

Kapag nasa presensya ka ng Diyos, huwag mong ituon ang mata mo sa laki ng problema mo. Tingnan mo ang laki ng Diyos mo.

Ang kaluwalhatian at kabutihan Niya ang dapat mong makita.

Siya ang babalot sa problema mo.
Siya ang hahawak sa bigat ng puso mo.
Siya ang tutunaw sa mga alalahaning matagal mo nang pasan.

Because when you are assured of the love of God, you will realize that nothing else is greater than His love.

Pwede mong sabihin:

“Lord, mawala man ang lahat sa akin, basta nandito ang pag-ibig Mo, okay lang ako.”

Maaaring mawala ang pera.
Maaaring mawala ang mga bagay na pinaghirapan mo.
Maaaring may mga taong umalis.
Maaaring magbago ang mga sitwasyon.

Pero ang Diyos? Hindi Siya mawawala.

Kaya come.
Lumapit ka kay Lord.
Ibigay mo sa Kanya ang lahat ng bigat na matagal mo nang pasan.

You don't have to carry it all.
His presence is enough.

At sa presensya Niya, makakatagpo ka ng kapahingahan. 🤍

“Come to Me… and I will give you rest.” — Matthew 11:28

🙏 Lord, today, we choose Your presence over our problems.


28/08/2026

KAYA HINDI NATIN NARIRINIG ANG DIYOS.

Masyado lang tayong maingay at abala. Marami tayong ginagawa, maraming iniisip, maraming priorities—kaya kahit nagsasalita na ang Diyos, hindi natin Siya naririnig.

God is speaking. The question is: Are we willing to stop and listen?

Tingnan natin ang buhay ni Hesus. He lived a disciplined life. May panahon Siya para manalangin, mag-isa, makinig sa Ama, at sundin ang kalooban ng Diyos.

Ganoon din dapat tayo.

Pero ang disiplina ay hindi madali. Mahirap kapag tinatama ka. Mahirap kapag itinutuwid ka. Mahirap kapag sinasanay ka ng Diyos na gawin ang mga bagay na hindi ka sanay gawin.

Pero iyon ang purpose ng discipline—para masanay tayo sa pagsunod.

Hindi lahat ng gusto natin ay tama. Hindi lahat ng madali ay kalooban ng Diyos. Minsan, kailangan nating huminto, isantabi ang distractions, at matutong makinig.

Kung gusto nating marinig ang Diyos, kailangan nating magkaroon ng pusong handang makinig at buhay na handang sumunod.

Like Jesus, let us live a disciplined life.
Disiplina sa panalangin. Disiplina sa Salita. Disiplina sa pagsunod. Disiplina sa paggawa ng tama kahit mahirap.

Dahil minsan, ang kailangan natin ay hindi mas malakas na boses mula sa Diyos—
kundi mas tahimik na puso na handang makinig.


23/08/2026

Join us LIVE!

19/08/2026

Kung nasa atin ang mind of Christ, makikita ito sa paraan ng ating pamumuhay. ✨

Sunday Service Replay 🙏“We Have The Mind of Christ.” — 1 Corinthians 2:9What changes when we begin to think not accordin...
19/08/2026

Sunday Service Replay 🙏

“We Have The Mind of Christ.” — 1 Corinthians 2:9

What changes when we begin to think not according to the world, but according to Christ? 🧠❤️

Be blessed and encouraged as you listen to this message. Watch the replay and let God renew your mind!

🎥 Watch here: youtube.com/watch?si=Pzu9M0u9FnD6Qfez&fbclid=IwY2xjawTylwpwZG9mBWV4dG4DYWVtAjEwAGJyaWQRMTkwZVUwdXFXUnZsY0FKR25zcnRjBmFwcF9pZBAyMjIwMzkxNzg4MjAwODkyAAEejZJs4jr8tjDPCMS-EfhPcRUaOLwnm74Sb6IMjDSXLI4ocgKdmNmn4trSoy8_aem_-98V_6Ej3kMaw05j7UbV4g&v=SSNkeJUe4NY&feature=youtu.be

This message is for anyone needing encouragement, spiritual guidanc...

19/08/2026

Ang Holy Spirit ang nagbibigay sa atin ng kakayahang magkaroon ng kaisipan ni Cristo 🙌✨

Come and join us this Sunday, August 16, 2026, as we gather together to worship, hear God’s Word, and experience His pre...
15/08/2026

Come and join us this Sunday, August 16, 2026, as we gather together to worship, hear God’s Word, and experience His presence!

Let’s come with open hearts and minds, ready to receive what God has prepared for us.

Service starts at 10:00 AM
5th Floor, ETG Building, Mabini St.
San Pedro, Laguna

A beautiful Sunday awaits! 💙
Bring your family and friends, and let’s worship Jesus together! 🙌

14/08/2026

Huwag Mong Tingnan ang Problema, Tingnan Mo ang Diyos 🙏

"Hindi natin laging mababago ang sitwasyon, pero maaari nating baguhin kung saan tayo nakatingin. Kapag pinili nating tumingin sa Salita ng Diyos, makakahanap tayo ng kapayapaan kahit nasa gitna ng pagsubok."

13/08/2026

Lev Musar: Ang Pusong Marunong Tumanggap ng Disiplina ❤️

"Ang disiplina ay hindi lamang tungkol sa pagsaway o parusa. Ito ay pagtuturo sa puso na makinig, matuto, tumanggap ng correction, at piliing lumakad sa tamang landas."

12/08/2026

Hindi Sapat ang Sarili Mong Karunungan

"Maaaring makahanap tayo ng pansamantalang solusyon gamit ang karunungan ng mundo, ngunit hindi ibig sabihin na nalutas na talaga ang problema. Ang tunay na pagbabago ay nagsisimula kapag natuto tayong lumapit sa Diyos at makinig sa Kanyang karunungan."

Address

Level 5 ETG Business Center, A. Mabini Street, Baranggay Poblacion
San Pedro
4023

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lighthouse International Church - Philippines posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Lighthouse International Church - Philippines:

Shortcuts

Share