13/01/2026
Ito ay paalala sa atin Ng PANGINOON, lalo na ngayong panahon dahΓl nalalapit na ang Kanyang pagbabalik.
Ang tanong, kapatid, handa ka na ba sa pagbabalik ng ating Panginoon Hesus?
Huwag po tayo magbulag bulagan sa mga nangyayari sa buong Mundo. Ang lahat Ng nangyayari ay napaunang sulat na sa Bibliya .
At kung isa ka sa nagbabasa Ng Bibliya hindi kana dapat nagtataka sa mga nangyayari sa paligid.
Sinasabi ng ilan, "Naku ilang beses niyo ng sinasabing babalik ang Panginoon, namatay na lang mga ninuno ko hanggang ngayon wala parin. "
Alam mo ba kung bakit hindi agad bumabalik ang Panginoon?
DahΓl nais Ng Panginoon na ang lahat ay makapagsisi at magbalik sa Kanya. Hindi nais Ng Diyos na mapahamak ang lahat. Ganun Niya tayo kamahal.
2 PEDRO 3:9
Ang Panginoon ay hindi nagpapabaya sa kanyang pangako gaya ng inaakala ng ilan. Sa halip, nagbibigay siya ng pagkakataon sa lahat sapagkat hindi niya nais na may mapahamak, kundi ang lahat ay makapagsisi at tumalikod sa kasalanan.
Kaya hindi sinasabi Ng Panginoong Jesus kung kailan at kung Anong taon Siya babalik sapagkat nais Niya na tayo ay kusang loob na Magsisi sa lahat ng ating mga kasalanan at tanggapin SIYA bilang Diyos at Tagapagligtas.
Walang nakakaalam ng araw o Oras Ng pagbabalik Ng Panginoon ngunit may mga palatandaan!
( MATEO 24:36-44)
βNgunit tungkol sa araw at oras na iyon ay walang nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit [o maging ang Anak man].[a] Ang Ama lamang ang nakakaalam nito.
Ang pagdating ng Anak ng Tao ay tulad noong panahon ni Noe.
Nang mga araw na iyon, bago bumaha, ang mga tao'y nagsisikain, nag-iinuman, at nagsisipag-asawa hanggang sa araw na pumasok si Noe sa barko.
Hindi nila namamalayan ang nangyayari hanggang sa dumating ang baha at tinangay silang lahat. Gayundin ang mangyayari sa pagdating ng Anak ng Tao.
Sa panahong iyon, may dalawang lalaking nagtatrabaho sa bukid, kukunin ang isa at iiwan ang ikalawa.
May dalawang babaing nagtatrabaho sa gilingan, kukunin ang isa at iiwan ang ikalawa.
Kaya't maging handa kayo dahil hindi ninyo alam kung kailan darating ang inyong Panginoon.
Unawain ninyo ito: kung alam ng may-ari ng bahay kung anong oras sa gabi darating ang magnanakaw, siya'y maghahanda at hindi niya pababayaang pasukin ang kanyang bahay.
Kaya't lagi kayong maging handa, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo inaasahan.β
BABALIK ANG PANGINOON SA ORAS NA HINDI NINYO INAASAHAN!
MAGSISI NA SA LAHAT NG MGA KASALANAN AT TANGGAPIN SI JESUS BILANG DIYOS AT TAGAPAGLIGTAS BAGO MAGING HULI ANG LAHAT!
Mamuhay Ng ayun sa Kanyang kalooban.
Maging handa palagi!