Parokya ng Mahal na Birhen ng Lourdes, San Pedro, Laguna

Parokya ng Mahal na Birhen ng Lourdes, San Pedro, Laguna This is the page of Our Lady of Lourdes Parish (Parokya Ng Mahal Na Birhen Ng Lourdes), United San Pedro Subdivision, San Pedro, Laguna.

Since its birth in June 8, 1997, the Parish of Our Lady of Lourdes continues to struggle in its quest for unity and spiritual perfection. While it may have had and continually has its share of trials and problems, the Parish has steadily grown as the family of God, a fellowship afire and unified by the Holy Spirit, a community of faith, and a familial and welcoming home not only to the parishioner

s of United San Pedro, but the neighboring communities as well. Responsible use of Photographs and Content:
The photos and content made available to the audience are the offerings and contributions of the respective owners to the parish site. Therefore, they may not be used for commercial purposes. We keep watermarks are to a minimum. We encourage sharing.

Salubungin ang araw, salubungin ang biyaya! Sa bawat pag-awit at dasal, muling sumisigla ang pananampalataya. 🎶✨
07/04/2026

Salubungin ang araw, salubungin ang biyaya!

Sa bawat pag-awit at dasal, muling sumisigla ang pananampalataya. 🎶✨

Banal na tubig, banal na simula. Sa bawat pagbabasbas, buhay na panibago ang ating natatanggap. Nawa’y ang bawat patak a...
07/04/2026

Banal na tubig, banal na simula.

Sa bawat pagbabasbas, buhay na panibago ang ating natatanggap. Nawa’y ang bawat patak ay maglinis ng puso, magpalakas ng pananampalataya, at magbigay ng gabay sa ating paglakad sa daan ng Diyos.

Sa binyag, muling sumisibol ang pag-asa, pagmamahal, at biyaya sa ating buhay.

Si Kristo’y muling nabuhay, Siya’y ating kaliwanagan! Sa liwanag na ito, nagsisimula ang panibagong pag-asaAng pagbabasb...
07/04/2026

Si Kristo’y muling nabuhay, Siya’y ating kaliwanagan!

Sa liwanag na ito, nagsisimula ang panibagong pag-asa

Ang pagbabasbas at pagsisindi ng Kandila ng Paskwa ay isang sagradong paalala na ang ating Panginoon ay muling nabuhay at nagtagumpay laban sa kamatayan. Sa gitna ng anumang pagsubok o kadiliman sa ating buhay, ang Kanyang liwanag ang nagsisilbing gabay na kailanman ay hindi magdidilim at hindi mabibigo.

Isang mapagpalang Pasko ng Pagkabuhay sa ating lahat!

04/04/2026

Sa pagpatak ng Sabado de Gloria, muling sumisilay ang liwanag ng pag-asa sa bawat puso. ✨

Sa banal na salubong, kasabay ng marahang awit ng mga anghel, ipinagdiriwang natin ang muling pagkabuhay—tagumpay ng liwanag laban sa dilim, at ng buhay laban sa kamatayan. 🙏
Isang paalala na sa bawat pagtatapos, may bagong simula; sa bawat pagluha, may darating na pagbangon. đź’›

04/04/2026
Kung minsan, sa katahimikan ng pagdurusa, mas naririnig ang tinig ng tunay na pag-ibig. Sa krus, pinili ni Hesus ang mag...
04/04/2026

Kung minsan, sa katahimikan ng pagdurusa, mas naririnig ang tinig ng tunay na pag-ibig. Sa krus, pinili ni Hesus ang magpatawad kaysa magalit, magmahal kaysa sumuko. Ngayong Biyernes Santo, inaanyayahan tayong yakapin ang sakripisyo at maniwala na ang pag-ibig ang laging mananaig.

“Ama, patawarin mo sila…”
— Ang Mabuting Balita ayon kay San Juan

Tingnan:
April 3, 2026
Biyernes Santo
Pagpapakasakit ng Panginoon
Parokya ng Mahal na Birhen ng Lourdes
Ang Pagpaparangal sa Banal na Krus na pinanguhan ni Rev. Fr. Gary N. Almoneda

03/04/2026

Kasama Siya sa bawat hakbang. Prusisyon ng Mahal na Sakramento. 🙏

Kung minsan, sa tahimik na paglilingkod natin nasusukat ang tunay na pag-ibig. Tulad ni Hesus na nagpakumbaba at naghuga...
03/04/2026

Kung minsan, sa tahimik na paglilingkod natin nasusukat ang tunay na pag-ibig. Tulad ni Hesus na nagpakumbaba at naghugas ng paa ng kanyang mga alagad, pinaalala sa atin ngayong Huwebes Santo na ang pagiging dakila ay makikita sa kababaang-loob at paglilingkod sa kapwa.

“Kung akong Panginoon ninyo ay naghugas ng inyong mga paa, dapat din kayong maghugas ng paa ng isa’t isa.”
— Ang Mabuting Balita ayon kay San Juan

Tingnan:
April 2, 2026
Huwebes Santo
Misa ng Huling Hapunan
Parokya ng Mahal na Birhen ng Lourdes
Banal na misa na pinanguhan ni Rev. Fr. Gary N. Almoneda

Miyerkules Santo ✝️Mula sa katahimikan ng Banal na Misa hanggang sa marahang pag-usad ng prusisyon sa mga streets ng USP...
01/04/2026

Miyerkules Santo ✝️

Mula sa katahimikan ng Banal na Misa hanggang sa marahang pag-usad ng prusisyon sa mga streets ng USPS, bawat sandali ay paalala na ang pananampalataya ay hindi lang sinasambit, kundi isinasabuhay. 🙏

Sa bawat ilaw ng kandila, sa bawat hakbang ng debosyon, may kwento ng sakripisyo, pag-ibig, at pag-asa na hindi kailanman nawawala.

Huminto. Magnilay. Makisabay.
Dahil minsan, sa katahimikan natin naririnig ang pinakamahalagang mensahe.

01/04/2026

Chrism Mass: biyaya, bokasyon, at pagkakaisa ng Simbahan. 🙏✨

✨ Isang Misa, Isang Misyon, Isang Pusong Nagkakaisa. 🙏Sa banal na pagdiriwang ng Chrism Mass sa San Pablo Cathedral, nag...
01/04/2026

✨ Isang Misa, Isang Misyon, Isang Pusong Nagkakaisa. 🙏

Sa banal na pagdiriwang ng Chrism Mass sa San Pablo Cathedral, nagtipon ang 182 pari ng Diocese of San Pablo kasama ang kanilang Obispo, Most Rev. Marcelino Antonio Maralit Jr., D.D., hindi lamang bilang mga lingkod, kundi bilang isang Simbahang nagkakaisa sa iisang layunin.

Habang pinagpapala ang mga banal na langis, tanda ng pagpapagaling, pagpapalakas, at pagpapabanal, muling pinagtibay ng mga pari ang kanilang pangakong maglingkod nang buong puso. Sa bawat “oo” na kanilang binigkas, muling sumiklab ang apoy ng bokasyon at pag-ibig sa Diyos at sa Kanyang bayan.

Simple ngunit makapangyarihan: sa Chrism Mass, ang Simbahan ay muling binubuo, pinatitibay, at iniaalay pabalik sa Kanya. 🤍

Mula sa bawat hakbang ng sakripisyo, patungo sa biyayang nagbibigay-buhay. 🙏✨Matapos ang taimtim na Estacion Heneral, an...
01/04/2026

Mula sa bawat hakbang ng sakripisyo, patungo sa biyayang nagbibigay-buhay. 🙏✨

Matapos ang taimtim na Estacion Heneral, ang paglalakbay ng pananampalataya ay nagpatuloy sa isang banal na Street Mass na ginanap sa Matimyas St., Mangubat Residence. Doon, ang mga pusong napagod sa paglalakad ay muling napuno ng biyaya sa pakikipagtagpo sa Panginoon sa Banal na Misa.

Hindi lamang ito pagtatapos ng isang prusisyon, ito ay pagpapatuloy ng mas malalim na pakikipag-ugnayan sa Kanya. Sa katahimikan ng gabi at pagkakaisa ng komunidad, ang bawat kaluluwa ay hinubog, pinatatag, at muling inialay sa Kanyang walang hanggang pag-ibig. 🤍

Address

Marikit Street , United San Pedro Subdivision
San Pedro
4023

Opening Hours

Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Telephone

+63282412357

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Parokya ng Mahal na Birhen ng Lourdes, San Pedro, Laguna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Parokya ng Mahal na Birhen ng Lourdes, San Pedro, Laguna:

Share