24/02/2026
Today, our hearts are heavy as we remember a young life that made such a beautiful impact on our church.
You were a youth full of creativity, passion, and talent. Sa sayaw, sa mga ideas, at sa bawat gawaing may kinalaman sa ministry, kitang-kita ang puso mo para sa Panginoon. Masipag kang mag-aral, masipag magtrabaho, at laging handang tumulong.
Isa kang leader in the making. Marami sa amin ang naniniwalang malayo pa ang mararating mo at isa ka sana mga naging Youth Leader ng church. Hindi man ito nangyari, alam naming ang puso mong naglilingkod ay nakita at pinarangalan ng Diyos.
Salamat sa buhay mo. Salamat sa inspirasyon. Salamat sa mga alaala.
Hindi ka namin makakalimutan.
Hanggang sa muli nating pagkikita sa presensya ng Panginoon. 🤍
R. Tubig