Lolo Uweng Shrine

Lolo Uweng Shrine Official page of the Shrine of Jesus in the Holy Sepulchre, Landayan, City of San Pedro, Laguna.

Home to the miraculous image of the Santo Entierro — Lolo Uweng ng Landayan. This page is being managed by the Social Communications Ministry.

23/05/2026
05232026 | Ikaapat na Araw ng Misa Nobenaryo sa Karangalan ni Lolo UwengAng Banal na Misa ay pinangunahan ni Reb. P. Osm...
23/05/2026

05232026 | Ikaapat na Araw ng Misa Nobenaryo sa Karangalan ni Lolo Uweng
Ang Banal na Misa ay pinangunahan ni Reb. P. Osmundo Monterola,
Parochial Vicar, San Pedro Apostol Parish, City of San Pedro, Laguna

TEMA | “Sa Ilalim ng Kampanang 1836: Lumusong at Sumulong sa Panibagong Hamon"

SHRINE OF JESUS IN THE HOLY SEPULCHRE
Sto. Sepulcro Parish
Brgy. Landayan, City of San Pedro, Laguna







Commission on Social Communications

22/05/2026

Ikaapat na Araw ng Misa Nobenaryo sa Karangalan ni Lolo Uweng

6:00NU Misa Nobenaryo | Punong Tagapagdiwang, Reb. P. Osmundo Monterola,
Parochial Vicar, San Pedro Apostol Parish, City of San Pedro, Laguna

Tema | "Sa Ilalim ng Kampanang 1836: Lumusong at Sumulong sa Panibagong Hamon"

SHRINE OF JESUS IN THE HOLY SEPULCHRE
Sto. Sepulcro Parish
Brgy. Landayan, City of San Pedro Laguna






Commission on Social Communications

Panalangin sa ikaapat na araw ng pagsisiyam kay Lolo Uweng, si Hesus sa Banal na LibinganHesus na katamis-tamisan na nag...
22/05/2026

Panalangin sa ikaapat na araw ng pagsisiyam kay Lolo Uweng, si Hesus sa Banal na Libingan

Hesus na katamis-tamisan na nagtiis ng maraming pasakit ng pag-alimura, masasamang wika at pag-ayop ng mga nagsihuli, humampas, nagputong ng tinik, at nagpako, bilang aral ng kanyang walang pantay na kabanalan, isinasamo namin sa Iyo, P**n sa Santo Sepulkro, sa pagpapatirapa sa ilalim ng paanan Mo, na itong banal na pagtitiis ay ipagkaloob Mo sa amin, kalakip ang aming hinihingi sa nobenang ito, ng kami ay tunay na sumang-ayon sa kabanal- banalan Mong kalooban sa anumang mangyayari sa aming buhay, at makamit namin ang kaluwalhatiang walang katapusan. Siya nawa.

Ama Namin. Aba Ginoong Maria. Luwalhati.

SHRINE OF JESUS IN THE HOLY SEPULCHRE
Sto. Sepulcro Parish
Brgy. Landayan, City of San Pedro, Laguna








Commission on Social Communications

Panalangin sa ikatlong araw ng pagsisiyam kay Lolo Uweng, si Hesus sa Banal na LibinganHesus na maawain na nagpahintulot...
22/05/2026

Panalangin sa ikatlong araw ng pagsisiyam kay Lolo Uweng, si Hesus sa Banal na Libingan

Hesus na maawain na nagpahintulot na mahagkan ni Hudas, gapusin ng malulupit na tao at papagtiisin ng mga mababangis na berdugo; ipagkaloob Mo P**n sa Santo Sepulkro na kami ay matutong magtiis ng mga pahirap ng mga nangingimbulo sa amin. Nawa'y mabata namin ang mga karalitaang ibinibigay
ng mga nagpapahirap sa amin, nang kami ay mangyaring magkamit ng aming kahilingan sa nobenang ito, at gayundin naman ng kaluwalhatian sa langit. Siya nawa.

Ama Namin. Aba Ginoong Maria. Luwalhati.

SHRINE OF JESUS IN THE HOLY SEPULCHRE
Sto. Sepulcro Parish
Brgy. Landayan, City of San Pedro, Laguna








Commission on Social Communications

𝐒𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐦𝐮𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 - Mayo 23, 2026Sabado sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay_________________________________________...
22/05/2026

𝐒𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐦𝐮𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 - Mayo 23, 2026
Sabado sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
_______________________________________________
UNANG PAGBASA
Mga Gawa 28, 16-20. 30-31

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Pagdating namin sa Roma, si Pablo’y pinahintulutang umupa ng sariling tirahan kasama ang isang kawal na pinakatanod niya.

Makaraan ang tatlong araw, inanyayahan ni Pablo sa isang pulong ng mga pangunahing Judio sa lungsod. Nang magkatipon na sila, sinabi niya, “Mga kapatid, bagamat wala akong ginawa laban sa ating bansa o sa mga kaugalian ng ating mga ninuno, hinuli ako sa Jerusalem at isinakdal sa kinatawan ng pamahalaang Romano. Matapos akong litisin, ako sana’y palalayain na sapagkat wala naman akong ginawa na dapat parusahan ng kamatayan. Ngunit tumutol ang mga Judio, kaya’t napilitan akong dumulog sa Emperador, bagamat wala akong sakdal laban sa ating mga kababayan. Nagagapos ako ng tanikalang ito dahil kay Hesus, ang pag-asa ng Israel. Iyan ang dahilan kung bakit hiniling kong makausap kayo.”

Humigit-kumulang sa dalawang taong nanirahan si Pablo sa Roma, sa bahay na kanyang inuupahan, at tinanggap niya ang lahat ng nagsadya sa kanya. Hayagan at walang sagabal na nangangaral siya tungkol sa paghahari ng Diyos at sa Panginoong Hesukristo.

Ang Salita ng Diyos.
_______________________________________________
SALMONG TUGUNAN
Salmo 10, 4. 5 at 7

P**n, ang mga mabuti
ay kapiling mo parati.

o kaya: Aleluya!

Ang Panginoong Diyos ay matatagpuan sa banal na templo,
at doon naman sa mataas na langit, naroon ang trono;
at magbuhat doon ay pinagmamasdan ang lahat ng tao,
walang maliligid anuman ang gawin ng lahat ng ito.

P**n, ang mga mabuti
ay kapiling mo parati.

Lahat ng mabuti pati ang masama ay sinisiyasat,
namumuhing lubos siya sa suwail na wala nang batas.
Ang P**n ay tapat, sa gawang mabuti siya’y nalulugod
at sa piling niya, mabubuhay silang sa kanya’y sumunod.

P**n, ang mga mabuti
ay kapiling mo parati.
_______________________________________________
ALELUYA
Juan 16, 7. 13

Aleluya! Aleluya!
Espiritung isusugo
totoo ang ituturo,
pangako ni Kristong G**o.
Aleluya! Aleluya!
______________________________________________
MABUTING BALITA
Juan 20, 19-23

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Kinagabihan ng Linggo ding iyon, ang mga alagad ay nagkakatipon. Nakapinid ang mga pinto ng bahay na kanilang pinagtitipunan dahil sa takot nila sa mga Judio. Dumating si Hesus at tumayo sa gitna nila. “Sumainyo ang kapayapaan!” sabi niya. Pagkasabi nito, ipinakita niya ang kanyang mga kamay at ang kanyang tagiliran. Tuwang-tuwa ang mga alagad nang makita ang Panginoon. Sinabi na naman ni Hesus, “Sumainyo ang kapayapaan! Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayun din naman, sinusugo ko kayo.” Pagkatapos, sila’y hiningahan niya at sinabi, “Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo. Ang patawarin ninyo sa kanilang mga kasalanan ay pinatawag na nga; ang hindi ninyo patawarin ay hindi nga pinatawad.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Sanggunian:
(1) Mga Pagbasa Ngayong Araw: awitatpapuri.com

SHRINE OF JESUS IN THE HOLY SEPULCHRE
Sto. Sepulcro Parish
Brgy.Landayan, City of San Pedro Laguna






Commission on Social Communications

05222026 | Ikatlong Araw ng Misa Nobenaryo sa Karangalan ni Lolo UwengAng Banal na Misa ay pinangunahan ni Reb. P. Chris...
22/05/2026

05222026 | Ikatlong Araw ng Misa Nobenaryo sa Karangalan ni Lolo Uweng

Ang Banal na Misa ay pinangunahan ni Reb. P. Christian Pajutan, Parochial Vicar, Parokya ng Risen Lord, Biñan City

TEMA | “Sa Ilalim ng Kampanang 1836: Lumusong at Sumulong sa Panibagong Hamon"

SHRINE OF JESUS IN THE HOLY SEPULCHRE
Sto. Sepulcro Parish
Brgy. Landayan, City of San Pedro, Laguna







Commission on Social Communications

05222026 | Friday DevotionSHRINE OF JESUS IN THE HOLY SEPULCHRESto. Sepulcro ParishBrgy. Landayan, City of San Pedro Lag...
22/05/2026

05222026 | Friday Devotion

SHRINE OF JESUS IN THE HOLY SEPULCHRE
Sto. Sepulcro Parish
Brgy. Landayan, City of San Pedro Laguna






Commission on Social Communications

22/05/2026

Ikatlong Araw ng Misa Nobenaryo sa Karangalan ni Lolo Uweng

6:00NG Misa Nobenaryo | Punong Tagapagdiwang, Reb. P. Christian Pajutan,
Parochial Vicar, Parokya ng Risen Lord, Biñan City

Tema | "Sa Ilalim ng Kampanang 1836: Lumusong at Sumulong sa Panibagong Hamon"

SHRINE OF JESUS IN THE HOLY SEPULCHRE
Sto. Sepulcro Parish
Brgy. Landayan, City of San Pedro Laguna






Commission on Social Communications

𝐒𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐦𝐮𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 - Mayo 22, 2026Biyernes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay_______________________________________...
22/05/2026

𝐒𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐦𝐮𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 - Mayo 22, 2026
Biyernes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
_______________________________________________
UNANG PAGBASA
Mga Gawa 25, 13b-21

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, dumating sa Cesarea si Haring Agripa at si Berenice upang bumati kay Festo. Nang matagal-tagal na sila roon, inilahad ni Festo sa hari ang tungkol kay Pablo. “Si Felix ay may iniwan ditong isang bilanggo,” wika niya. “Nang ako’y nasa Jerusalem, isinakdal siya sa akin ng mga punong saserdote at ng matatanda ng mga Judio at hininging parusahan siya. Sinagot ko sila na hindi ugali ng mga Romano ang magparusa sa sinumang nasasakdal nang hindi muna nagkakaharap ang magkabilang panig, at nagkakaroon ng pagkakataong makapagtanggol sa sarili ang nasasakdal. Kaya’t nang dumating sila rito, hindi na ako nag-aksaya ng panahon; kinabukasan din, ipinatawag ko sa hukuman ang taong iyon. Nang magkaharap-harap sila, siya nama’y hindi nila ipinagsakdal sa anumang mabigat na pagkakasala na inaakala kong ipararatang nila. Ang pinagtatalunan lang nila ay tungkol sa kanilang relihiyon at sa isang taong ang pangala’y Hesus. Patay na ang taong ito, ngunit ipinipilit naman ni Pablo na siya’y buhay. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin sa bagay na ito kaya’t tinanong ko siya kung ibig niyang sa Jerusalem siya litisin. Ngunit tumutol si Pablo at hiniling na ipaubaya sa Emperador ang pagpapasiya sa kanyang usapin. Kaya’t pinabantayan ko siya upang ipadala sa Emperador.”

Ang Salita ng Diyos.
_______________________________________________
SALMONG TUGUNAN
Salmo 102, 1-2. 11-12. 19-20ab

Panginoo’y may luklukang
>matatag sa kalangitan.

Panginoo’y papurihan, purihin mo, kaluluwa,
ang pangalan niyang banal purihin mo sa tuwina.
Ikaw, aking kaluluwa, ang Diyos ay papurihan,
at huwag mong lilimutin yaong kanyang kabutihan.

Panginoo’y may luklukang
matatag sa kalangitan.

Ang agwat ng lupa’t langit, sukatin ma’y hindi kaya,
gayun ang pag-ibig ng Diyos, sa may takot sa kanya.
Ang silangan at kanluran kung gaano ang distansya
gayung-gayun ang pagtingin sa sinumang nagkasala.

Panginoo’y may luklukang
matatag sa kalangitan.

Ang P**n nga ang nagtayo ng trono sa kalangitan;
mula doon, sa nilikha’y maghaharing walang hanggan.
O purihin ninyo siya, kayong mga anghel ng Diyos,
kayong mga nakikinig at sa kanya’y sumusunod!

Panginoo’y may luklukang
matatag sa kalangitan.
_______________________________________________
ALELUYA
Juan 14, 26

Aleluya! Aleluya!
Espiritu’y magtuturo
ng aral at pagkukuro
ni Hesus na ating G**o.
Aleluya! Aleluya!
______________________________________________
MABUTING BALITA
Juan 21, 15-19

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Nang muling napakita si Hesus sa mga alagad niya at nang makakain sila, tinanong ni Hesus si Simon Pedro, “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako nang higit kaysa mga ito?” “Opo, Panginoon, nalalaman ninyong iniibig ko kayo,” tugon niya. Sinabi sa kanya ni Hesus, “Pakanin mo ang aking mga batang tupa.” Muli siyang tinanong ni Hesus, “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?” Sumagot si Pedro, “Opo, Panginoon, nalalaman niyong iniibig ko kayo.” Ani Hesus, “Pangalagaan mo ang aking mga tupa.” Pangatlong ulit na tinanong siya ni Hesus, “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?” Nalungkot si Pedro, sapagkat makaitlo siya tinanong: “Iniibig mo ba ako?” At sumagot siya, “Panginoon, nalalaman po ninyo ang lahat ng bagay; nalalaman ninyong iniibig ko kayo.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Pakanin mo ang aking mga tupa. Tandaan mo: noong kabataan mo pa, ikaw ang nagbibihis sa iyong sarili at lumalakad ka kung saan mo ibig. Ngunit pagtanda mo, iuunat mo ang iyong mga kamay at iba ang magbibihis sa iyo at dadalhin ka kung saan hindi mo ibig.” Sinabi niya ito upang ipakilala kung paano mamamatay si Pedro at sa gayo’y mapararangalan niya ang Diyos. Pagkatapos, sinabi sa kanya ni Hesus, “Sumunod ka sa akin!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Sanggunian:
(1) Mga Pagbasa Ngayong Araw: awitatpapuri.com

SHRINE OF JESUS IN THE HOLY SEPULCHRE
Sto. Sepulcro Parish
Brgy.Landayan, City of San Pedro Laguna






Commission on Social Communications

21/05/2026

Paggunita kay Santa Rita ng Cascia, namanata sa Diyos

6:00 AM | Presided by Rev Fr. Frederico M. Dizon, MSP
Mission Society of the Philippines

SHRINE OF JESUS IN THE HOLY SEPULCHRE
Sto. Sepulcro Parish
Brgy. Landayan, City of San Pedro






Commission on Social Communications

Address

Diocesan Shrine Of Jesus In The Holy Sepulchre, Landayan
San Pedro
4023

Opening Hours

Monday 4:30am - 8pm
Tuesday 4:30am - 8pm
Wednesday 4:30am - 8pm
Thursday 4:30am - 8pm
Friday 3:30am - 10:30pm
Saturday 4:30am - 8pm
Sunday 5am - 8pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lolo Uweng Shrine posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Lolo Uweng Shrine:

Share